Share

Chapter 145. 💙

(Karla pov)

Ang bigat ng dibdib ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko at umakto ako sa harapan ni Timothy ng gano’n. Dapat pala ay kinimkim ko lang ito sa dibdib ko itong sakit para hindi naman ako magmukhang kaawaawa.

Akala ko ay magkakilala lang si Timothy at ang babeng ‘yon na tinawag nitong Atty. sa party, pero mukhang hindi pala basta ito magkakilala, mukha may mas malalim pang ugnayan ang mga ito.

Naramdaman ko ulit ang pagkirot ng dibdib ko sa sakit. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Noong una ay humihingi pa sa akin ng tawad si Timothy at sinusubukang magpaliwanag, pero mukhang nagsawa na ito dahil hindi na ako nito kinakausap. Nang magpaalam ako sa kanya na uuwi ako ay tumango lang ito at hindi man lang ako tinanong kung bakit. Birthday ko pa naman ngayon, pero ang lungkot-lungkot ko.

Agad akong nagbayas sa taxi ng makababa ako. Malayo pa ako sa bahay namin kaya nagpaskil ako ng ngiti sa labi ko. Gusto kong makita ni nanay na masaya ako sa araw na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status