Share

Chapter 60.💜

[Maya/Fiona]

Nahihiwagaan ako sa kinikilos nila aling Berta, ate Mae at Vanjie. Panay kasi ang yakap nila sa akin. At halos magtatalon sila sa tuwa ng sabihin ko sa kanila ang tungkol sa mga boses na naririnig ko at imahe na malabo sa panaginip ko. Ang nakakapagtaka pa ay nag iyakan sila ng sabihin ko sa kanila na lumilitaw sa isip ko ang imahe ng isang lalaki na kaboses ni sir Tyler.

“Sasabihin ba natin kay sir ang tungkol sa nalaman natin?”

Agad akong sumandal sa gilid ng pader at nagtago. Naririnig kong nag uusap sina ate Mae at aling Berta. Gabi na ngayon at umuwi na si Vanjie.

“Wala tayong sasabihin kay sir, Mae. Walang kasiguraduhan kung paniniwalaan niya tayo. Baka mamaya ay pag isipan niya tayo ng masama. Paano kung isipin niya na nagsisinungaling tayo at kasabwat natin siya? Baka imbis makatulong ay mapasama pa ang lagay niya rito sa mansion. Hintayin na lang natin na siya mismo ang makaalala ng lahat.”

‘Sino kaya ang pinag uusapan nila?’ Isip-isip ko.

“Pero, aling Berta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Sana bumalik n Alaala ni maya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status