Share

CHAPTER TWENTY-FIVE: RAGE

Patricia joined them for breakfast. Nakakaramdam siya ng pagkapahiya dahil siya na lamang ang huling nagising. Tinignan niya si Max ngunit matamis lang itong ngumiti sa kanya. Pinagsandok siya nito ng mainit na sinangag at nilagay sa plato niya.

Naramdaman niya kanina na wala sa tabi niya si Max. Ayun pala ay tumulong na ito kay Aling Marta na maghanda ng agahan. Napupuna rin niya ang panaka-naka'y pagsulyap ni Aling Marta sa kanya.

"A-Ako na," sabi niya kay Max nang akma siya nitong ipapaglagay ng ginisang gulay.

"Okay ka lang ba dyan? Gusto mo ibili kita ng hotdog o tocino sa tindahan?”  Pag-aalok ni Max sa kanya.

Mabilis siyang umiling. " Okay na ako dito. M-Masustansya."

Umimik si Aling Marta. "Sanay na kami sa ganitong buhay. Tutal naman mga bata pa kayo. May pagkakataon pa para baguhin ang planong ginawa niyo."

Sunod-sunod lang ang pagkain ni Aling Marta. Si Marissa naman ay patingin-tingin lan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status