Share

CHAPTER TWENTY-SIX: AFTERMATH

Hindi pa rin naaampat ang mga luha ni Patricia. Kanina pa nakaalis ang mga magulang niya pero ang nasa utak pa rin niya ang mga huling salitang binitiwan sa kanya ng kanyang ama. Those painful words that wounded her deeply. Na walang kahit anong gamot ang makakalunas sa sakit na nararamdaman niya. Pinili niyang makasama si Max pero hindi ibig sabihin niyon ay wala ng halaga sa kanya ang mga magulang niya.

Inabutan siya ni Max ng isang basong tubig. “Inumin mo muna ito. Namumutla ka na.”

Alam niyang maski si Max ay nasasaktan din. Hindi ito nagsasalita at wala siyang marinig na kahit anong salita dito matapos umalis ng mga magulang niya. Si Aling Marta naman ay walang kibong umiiyak pa rin sa isang tabi.

“I’m sorry,” sabi niya. Iyon lamang ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig niya.

Tinignan sila ni Aling Marta. “Ayokong makulong ka, Max. Narito na ang problema. Kailangan nating gawan ng pa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status