Share

ACADEMIAN III: Red

Hannah Nicole Villareal

Naglalakad pa lang ako pabalik sa aming mansiyon ay nag-iisip na ako ng pwedeng palusot kina Kuya kung bakit ako lumabas habang wala sila. Mabuti na lang ay wala pa rin sila pag-uwi ko.

Umakyat ako sa aking kwarto at nagpalit ng pambahay na damit. Naka-gown kasi ako kanina.

Joke lang syempre.

Nang kinuha ko ang aking cellphone ay isang Text Message ang aking natanggap.

From: 09128539016

Boss wanted to meet you on Monday.

Kaagad ko naman itong ni-reply-an.

To: 09128539016

Sinong boss?

From: 09128539016

Basta. Pumunta ka na lang kaya?

Bumuntong hininga na lang ako. Kung sa bagay, I wanted to know kung sino ang mastermind dito sa gagawin namin.

Nakatanggap muli ako ng message mula sa kaniya.

To: 09128539016

Save mo naman number ko.

Kumunot naman ang noo ko.

To: 09128539016

Na-save ko na.

From: 09128539016

Liar. Nakikita ko screen ng cellphone mo ngayon.

Wala sa sariling napatingin ako sa paligid. Parang tanga? Niloloko ba ako nito?

Pumunta naman ako sa 'contacts' ng aking cellphone, at si-nave ang kaniyang number.

I named it 'Mr. Stranger.' Mr. Stranger kasi hanggang ngayon kahit unang letra ng pangalan niya hindi ko alam.

To: Mr. Stranger

Ayan na. Happy?

From: Mr. Stranger

Dapat manganda 'yung nickname ko dyan.

Natawa naman ako. Kung alam lang niya ang pangalan niya sa phone ko.

Nakarinig na ako ng ingay sa ibaba kaya itinago ko na ang aking cellphone at lumabas sa aking kwarto.

🔻🔺🔻🔺🔻🔺

It's Monday today, kaya nagmamadali nanaman akong pumasok dahil may Flag Ceremony.

Maya-maya ay nag-vibrate ang aking cellphone. Nang tignan ko ay nag-chat sa akin si Raeiya o Iya.

Iya: Hannah! Asan ka na ba?

Me: Why? May nangyari?

Iya: Basta punta ka na lang dito. BILOS!

Iya: BILIS!**

Iya: Hayp na typo.

Ganiyan kami mag-chat. Hayp na hayp pati keyboard.

Sumunod naman na nag-chat ay si Pauleen.

Pauleen: Where na u? Somethinn happened here?

Me: Ano nga? Pabitin ka te?

Pauleen: Just come here and see youself.

Kumabog naman kaagad ang dibdib ko sa sinabi nilang dalawa. Gusto ko silang murahin dahil hindi man lang nila sinabi kung ano talagang nangyayari sa school.

Napatakbo na ako papunta sa gubat. Naisip kong mag-teleport kaso baka mapagod ako, or worst, mawalan ako ng malay.

Takbo, takbo, takbo. Hanggang sa makapasok ako sa school. Napahinto na lang ako nang makita ang kumpol ng mga tao sa lugar kung saan dapat kami magfa-flag ceremony.

Nang makalapit ako ay laking gulat nang makita ang ilang mag-aaral na nakahandusay sa lupa. Pare-parehong duguan.

Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ang isa sa kanila.

Suzzaine...

🔺🔻🔺🔻🔺🔻

Kaagad kaming pinabalik sa mga kaniya-kaniya naming classrooms, pero hanggang ngayon, ang karamihan sa amin ay hindi pa rin mapakali.

Ako naman ay nakatingin lang sa kawalan, nasa isip ko pa rin kung paano naliligo sa srili niyang dugo ang isa sa mga taong pinahahalagahan ko.

"Suzzaine!!" Sigaw ko. Akma na akong lalapit sa kaniya nang biglang may humila sa kamay ko.

"B-bawal daw munang l-lumapit." Napatingin ako sa nagsalita. It was Queenie. Nasa likuran niya rin sina Iya, Pauleen, Natalie, Denise at Jenklint.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila. Niyakap ko na si Queenie dahil hindi na siya tumigil sa kaiiyak.

"May napasigaw na lang bigla dito, tapos nu'ng tinignan nila, ganiyan na." Paliwanag ni Iya. Pansin kong namumula pa ang kaniyang mata at may hawak siyang panyo sa kanang kamay niya.

"Bigla lang daw lumitaw na parang kabute, t-tapos nandyan si ano..." Hindi na naituloy ni Jenklint ang sasabihin nang umiyak nanaman ito. Inalo naman siya kaagad nila Pauleen.

Nakita naming napatakbo pabalik dito sa room sina Ma'am Sarah at Ma'am Sisa.

Una pang nadapo ang kanilang mga tingin sa amin kaya kinabahan kami.

"Bumalik sa room. Ngayon na!!" Utos ni Ma'am Sarah. Kahit nag-aalinliangan ay sinunod pa rin namin siya.

Napatingin kaagad ako nang kalmadong pumasok sa loon si Sir Reymark, habang kausap si Ma'am Eliza. Silang dalawa ang lecturer namin sa Science at Mathematics.

"So far, 7 ang sumakabilang-buhay, habang 'yung iba, chine-check pa ng mga nurse sa clinic." Anunsyo ni Ma'am Eliza sa amin.

"Ma'am si Suzzaine po." Kaagad na ani Jenklint.

"Isa siya sa mga chine-check pa. Don't worry, she'll be fine." Paniniguro ni Sir Reymark.

Maya-maya ay nandiyan na rin sina Ma'am Sisa at Ma'am Sarah. Mukha silang balisa dahil may hinahanap pa sila sa aming klase.

"Hannah." Pagtawag sa akin ni Ma'am Sarah. Kung hindi ako kinalabit ni Darlyn ay baka hindi pa ako nakabalik sa wisyo. Kaagad naman akong napatayo at sumunod kina Ma'am.

Lumabas kami ng room at bumaba sa building. Mukhang dederetso kami sa clinic dahil sa direksiyong aming tinatahak.

Nang nasa pintuan na kami ay akma namin iyong bubuksan nang may magbukas na no'n mula sa loob.

Kaagad na nadapo sa akin ang tingin ng isang lalaki--guro. Para naman akong hinihila ng kaniyang tingin.

No. It's not that. Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang makaramdam ng kakaiba sa aking kinikilos.

There's something wrong on how he stared at me. I'm sure of it.

Pagpasok namin doon ay tumambad sa amin ang limang nurse. Nalaman kong mga nurse sila dahil sa suot nilang kulay puti at kahel na uniporme, at kilala ko rin kung sino-sino sila.

Si Nurse Dan, ang pinaka-beterano sa kanilang tatlo. Grade 4 pa lang kami ay nandito na siya sa ADM. Madalas na tahimik siya pero ayon naman sa mga nakakakilala sa kaniya ay mabait siyang tao.

Si Nurse Zen, ang madaldal sa kanila. Kapag nakakasalubong ko siya ay marami talaga siyang baon na kwento, at iyon ang gustong-gusto ko sa kaniya.

Si Nurse Cha, ang pinakamabait sa kanilang lahat. Kahit na nahihirapan siyang pagalingin ang mga naa-aksidenteng mag-aaral ng ADM ay sinusubukan niya pa rin ito.

Si Nurse Sam, ayon sa iba, mataray daw siya. Para sa'kin, mukha nga dahil sa kilay pa lang niya, pero dahil nga nurse siya, alam kong mabait pa rin siya.

Pang-huli, si Nurse Kat, ang pinakatahimik sa kanila. Mabibilang mo ata kung ilang salita lang ang bibigkasin niya sa isang araw.

Nabaling ang tingin ko sa gilid, at nabigla ako nang makita si Sir William, ang Principal ng ADM, at si Headmaster Dominique Servantes, ang founder ng mga Officials.

Sakto namang napatingin silang dalawa sa akin, kaya napako rin ang tingin ko sa kanila.

Ilang segundo na ganoon ang aming posisyon nang biglang may sumiko sa aking braso.

"Iba ka ngayon ah. Nakikipag-eye contact ka na kina Sir." Napatingin ako kay Nurse Zen na nasa tabi ko na pala.

"W-wala 'yon. Bihira ko lang kasing nakikita ng malapitan sina Principal eh." May akward pa akong ngiti ngunit binawi ko rin iyon kaagad.

"So, ano nang ganap dito?" Nabigla ako nang biglang magsalita si Sir William.

"Hanggang ngayon wala pa ring balita ang mga taga-dungeon." Napatingin ako sa isang lalaki. I found it strange dahil habang kinakausap niya si Ma'am Sisa ay sumusulyap ito sa akin.

He's the Official Vice-President of Academia Del Magia, Lawrence Moore.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong nakatingin din sa amin sina Sir William at Headmaster Dominique, kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.

Why do I feel that something's wrong with people here?

Napasulyap ako kay Ma'am Sisa at Ma'am Sarah, habang nakikinig sa sinasabi ng isang babae. She's an official, Official Secretary Christa Esperon.

Napatingin ako kina Nurse Kat na nakatayo sa isang tabi. Si Nurse Dan ay nakatingin sa sahig, habang nagku-kuwentuhan naman sina Nurse Cha at Nurse Zen, Nakatingin kina Christa si Nurse Sam, nang mapatingin ako kay Nurse Kat ay biglang tumayo ang mga balahibo ko.

Nagkasalubong kami ng tingin, at kitang-kita ko kung paano mag-iba ang kulay ng kaniyang mga mata.

It can't be. Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang makita ang kaniyang mga mata.

What am I even doing here? Sabi ko sa aking isipan. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking leeg.

'That, is a living example of a vamp--'

"Stop right there, Ivy." I hissed. Just so you know, I am talking to Ivy, a snake and the Poison of Blood.

'What? Didn't you see my warning earlier. You could have refuse to come with your teachers." She scolded me.

"Do I have a choice? Ni hindi nga ako pinapili eh." Reklamo ko. Siya pa itong may ganang mag-reklamo? Eh kung siya kaya ang sumuway sa sinabi ng teacher niya.

'Won't you ask me what else am I seeing?' Nakatitig lang ito sa iisa sa kanila, si Secretary Christa.

"Not interested." Bored kong saad, but she continued talking.

"2 of those shadows you saw are here." Napakurap naman ako ng ilang beses.

"You mean the--" napahinto ako nang makitang wala na siya sa aking tabi. Baliw talaga 'yon si Ivy. Bigla-biglang magpapakita na parang kabute tapos mawawala sa hangin.

"Different people are around you, Lawrence." Nagulat ako nang kausapin ni Sir William si Vice-President.

Nagka-tinginan sila ng ilang minuto, bago umiwas si Vice-President. "What do you mean?"

"I want to be transparent kahit ngayon lang." Katahimikan ang nanaig sa amin nang sambitin iyon ni Headmaster Dominique.

Naging awkward ang atmosphere sa loob ng clinic, na kaagad nagkaron ng tensiyon nang mapansin kong magkatinginan ang bawat isa sa kanila.

'Uh-oh. Seems like I'm going to watch a staring contest.' Napatingin ako sa bagong katabi ko, si Aquila, The Poison of Water.

"What are they saying, Aquila? Did I miss something here?" Bulong ko sa kaniya.

Tinignan niya ako sandali, bago magsalita. 'It's more than dangerous here, Hannah. Walk slowly towards the door, and quickly get out. Something will happen kung kasama ka nila--' hindi ko na siya pinatapos nang binuksan ko kaagad ang pinto at lumabas.

Bago ako makahakbang ng isa ay isang kamay ang humawak sa aking braso. Malalaki ang mga mata kong napatingin sa taong 'yon.

"What are you doing inside the clinic?" Anang lalaking nakausap ko sa Crescent Archices' Cafe.

"N-nando'n 'yung kaibigan ko eh."

"Anyare na dyan, Al?" Napatingin ako sa tatlong taong papalapit din sa amin.

Nang makita nila ako ay kaagad silang kumaway. "Ikaw pala 'yan eh. 'Kala ko ba 'di siya kasama?" Sabi ng isang lalaki na kasing-tangkad ko lang din.

"She's inside the clinic." Ani Al. 'Yon ang tinawag sa kaniya eh. Baka 'yon yung pangalan niya.

Kita ko kung pa'no sila nagulat. "A-Anong nakita mo?"

"N-Nakita ko." gusto kong magsalita pero parang may humihila sa dila ko.

"Ang alam ko nandoon sina Sir William eh." Sabi ng babae.

"Aside from them at sa mga biktima kanina, sino pa?" Tanong ng isa pang lalaki. Sa aking na ngayon nabaling ang kanilang tingin.

"S-Sina Nurse Dan, lahat silang lima. Advisers ko, Ma'am Sisa at Sarah, si Vice-President--"

"Nandoon si Vice-President?!" Kaagad naman tinakpan ng babae ang bibig ng katabi niya, dahil siguro sa sobrang lakas ng kaniyang boses.

"Too loud, Nathan." Saway sa kaniya ng babae.

"'Wag tayong mag-usap dito. Let's go  somewhere." Nanguna ang isa sa kanila sa paglalakad, at kaagad naman akong sumunod.

Pumunta kami sa isang shed, kung saan may dalawang upuan na mahaba at isang mesa. May katabi kaming classroom pero hindi naman nakaka-istorbo ang kanilang ingay.

"Let's start with her." Turo sa akin ng lalaki.

"Fine." I started tapping my fingers on the table.

"I'm certain na may mali sa mga taong nandoon. Para silang... May telepathic communication kuno kasi wala man lang akong ideya." Kwento ko na may halong pagre-reklamo.

Certain, huh? Parang mali ka ng nasabi do'n, Hannah.

Biglang may nag-ring na cellphone. Kaagad naman iyong sinagot ni Al.

Hindi siya kaagad sumagot, kaya napatingin muna ako sa paligid. Narinig ko pa kung ano ang sinabi ng kausap niya sa kabilang linya.

"You're with her? Not surprising." Napahinti ako nang makita si Sir William na may kausap din sa telepono.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang isang bagay. Napasulyap aoo kay Al na nakatingin din sa akin.

"Take care of her. She already knew something." Bumalik ang tingin ko kay Sir William na nakatayo sa hindi kalayuan. Binaba na niya ang kaniyang telepono bago matamang tumingin sa akin.

Saktong tumunog na ang bell, senyales na oras na ng recess. Nagsitayuan na ang mga kasama ko habang ako naman ay naglakad na pabaliks a aming room. Masyado na akong matagal nawala sa klase dahil sa mga nalaman ko.

I tsked. Ano ba 'tong pinasok ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status