Share

ACADEMIAN IV: Tailing

Hannah Nicole Villareal

"Ba't ang tagal niyong bumalik?" Curious na tanong ni Jenklint. Kasabay ko silang naglalakas papuntang canteen: Sina Darlyn, Iya, Jenklint, Suzzaine, Khecy, Queenie Pauleen, Denise at Natalie.

"May pinag-usapan lang sila. Ewan ko nga kung bakit ako nasama do'n eh." Pabirong sabi ko. Mukhang naniwala naman sila kaya natawa sila nang bahagya.

Nakaramdam ako ng mga matang nakatingin sa direksiyon namin kaya kaagad akong napahinto. Lumibot ang paningin ko sa paligid.

"May problema ba?" Nabalik ako sa katinuan nang hawakan ni Suzzaine ang braso ko.

"E-Ewan... Para kasing may nakatingin sa atin." Sinubukan kong hanapin kung sino iyon pero masyadong maraming mag-aaral sa paligid at kumpol-kumpol pa sila.

"Sanay na akong may nakatingin sa akin. Cute naman ako eh." Napailing ako sa sinambit ni Iya.

"Sasabit na nga lang ako kay Denise. Ang hangin ni Iya eh." Kunwari namang kumapit si Jenkliny kay Denise kaya natawa kami.

"Kay Hannah ka sumabit. Baka pati ako liparin eh." Biro ni Denise na siyang ikinatawa namin.

Nawala na sa isip ko ang kung sino mang nagmamasid sa amin, at nagpatuloy sa paglalakad papuntang canteen.

"Hannah!" Napatingin ako nang may tumawag sa akin.

Nandoon sina Ranel, Jhoerence, Ashley, at Carlo. Nakangisi naman sila habang itinuturo si Carlo.

"Uy. Si Carlo raw." Nanunudyong bulong ni Suzzaine.

"Pake ko do'n." Pagtataray ko, pero hindi pa rin naalis ang ngisi sa kanila kaya iniwan ko silang parang baliw na nakatayo doon at pumila na sa bilihan ng pagkain.

Kaagad naman nila akong sinundan pero nandoon pa rin ang ngisi sa kanilang mga labi.

"Sumakit sana 'yang mga panga niyo kaka-ngisi." Ismid ko na ikinatawa naman nila.

"'To naman eh. Ganiyan ka talaga kapag kinikilig 'no?" Pang-aasar ni Queenie.

"Gago." Sambit ko. Wala pa rin silang tigil sa pang-aasar sa akin pero hindi ko na sila pinansin. Eh kung dyan naman sila masaya, 'wag na nating kontrahin.

πŸ”ΊπŸ”»πŸ”ΊπŸ”»πŸ”ΊπŸ”»

Madali nang natapos ang maghapon sa akin. This is it. Napatingin ako sa hawak kong cellphone. 4:40 pm na, ilang minuto na lang ay nandito na ang mga taong makikilala at makakasama ko mula ngayon.

Sumagi mulu sa isip ko ang visions na nakita ko at ang sinabi ni Ivy.

'Two of those shadows you saw are here.'

Who among them? Napatingin ako sa isang grupo ng mga mag-aaral na naglalakad papunta sa Conference room sa Fourth Floor ng isang building. Sila ang mga Officials ng ADM.

I don't want to suspect anyone, to be honest, but here we are. I accepted the job---the mission to find the meaning of what I saw in the vision.

"Too early." Napatingin ako sa lalaking papalapit sa akin. Siya 'yung nakausap ko sa Crescent Archives'. I hope I would know his name soon.

"Sa Office daw." Sinundan ko naman siya sa paglalakad. Kaninong office?

Nakailang liko kami at huminto kami sa harapan ng isang pinto na gawa sa salamin. One-sided mirror if I'll describe.

Laking gulat ko nang mapagtantong office ito ng Principal. Ni Sir William.

Si Al na ang nagbukas ng pinto kaya pumasok naman ako. Bumungad sa akin si Sir William na nakaupo sa Swivel Chair; si Headmaster Dominique na nasa harapan lang din ni Sir William; Sinalubong naman ako ng ngiti nila Nathan at nung babaeng katabi niya habang tumango lang sa akin ang isa pang lalaki.

"Welcome to the group, Ms. Villareal." How did he know me?

"I don't want to scare you but we've been monitoring you for a while now." Hindi ko na ipinahalata ang aking gulat.

"I hope not all the time, sir." I answered. Napatango lang naman siya.

"Hindi pa pala nagpapakilala sa'yo ang mga batang ito." Pagtutukoy ni Headmaster kina Al.

"This is Al, Freya, Nathan and Eli."

"Elijah, sir." Pagtatama ng lalaki sa gilid.

"Don't listen to him. Just call him Eli." Headmaster said. Narinig ko namang napabuntong-hininga si Elijah sa sinabi ni Headmaster.

Marami pa kaming pinag-usapan. Tungkol nga sa 'trabaho' na pinasok ko.

Ang iba pang sinabi ni Sir William ay hindi na rin nag sink-in sa aking utak, dahil iisa lang ang umiikot sa aking isipan.

'Why are they trying to take down our school? May mapapala ba sila do'n?'

Pasimple kong hinawakan ang kwintas na suot ko. Sabi nila Kuya, ito raw ang iniwan sa akin ni Mama ilang linggo bago siya sumakabilang-buhay. I don't know if this necklace contained magic but everytime I hold it, it brought me an unexplainable comfort.

"There's no turning back. Are you sure you will do this job, Ms. Villareal?" I stared at Sir William when I heard him saying my surname.

He's right. If I accept this, there's no turning back. Kailangan kong panindigan ang pinasok ko.

"Hindi ko trabaho ang pag-e-espiya, pero dahil ayaw kong mawala ang school natin, I will accept the offer." Sinserong sabi ko. Katahimikan ang bumalot sa amin nang sinabi ko iyon.

"Alright then," nakarinig ako ng isang drawer na bumukas. Galing iyon sa desk ni Sir William.

"Take this." Lumapit siya sa akin at iniabot ang isang bagay. Napatitig ako doon nang makitang isa iyong maliit na bote. Kumunot ang noo ko nang makitang may nakalagay na parang pulbo doon.

"Just use it when needed. Nakalimutan ko na ang tunay niyang pangalan, but my acquaintance said its a potion that can heal any wounds." Paliwanag niya.

"Bukas na bukas lagi mo na silang makakasama," dagdag niya. "Kaya tandaan mo na ang mga pagmumukha nila, lagot ka kay Headmaster kapag nangyari 'yon."

Narinig kong mahinang natawa si Headmaster Dominique. "Don't scare her, William. Remember who she is."

Saglit akong napasulyap kay Headmaster nang sabihin niya iyon. Nakaramdam naman ako ng pagtataka.

"5:10 pm na pala. Umuwi na kayo." Sir William commanded. Sabay-sabay naman kaming tumayo at lumabas ng Principal's Office.

"Sa'n ka pala umuuwi?" Tanong ni Nathan sa akin. Nabaling din ang tingin nila sa akin maliban kay Al.

"Ahm.. Dyan lang." Tumuro ako kung saan.

"Wala kang kasama?" Tanong ni Elijah.

Umiling ako. "Samahan ka pa ba namin?"

Kaagad naman akong umiling ulit. "Hindi na. Uwi na kayo." dagdag ko. Kaagad naman akong tumalikod at naglakad palayo.

Makakatapak na dapat ako sa labas ng school nang makaramdam ako ng presensya ng isang tao. Kaagad akong napahinto at napalingon sa aking kanan. Tanging mga halaman at upuan na yari sa kahoy ang aking nakita.

Someone's tailing me. Kaagad kong kinapa ang dala kong patalim sa aking baywang.

"Stop tailing me." Para akong baliw na kinausap ang aking sarili nang sinabi ko iyon.

Nakarinig muli ako ng isang yabag ng sapatos, kaya mas lalong humigpit ang hawak ko sa aking patalim.

"Hindi mo gugustuhin ang susunod kong gagawin kapag naramdaman pa kita ulit." I murmured. If he thinks I'm kidding, he'd mistaken.

Hindi na ako nakatiis at tuluyang si-nummon ang akin espada. Tumayo na ako ng tuwid at huminga ng malalim.

"Why are you following me, anyway?" Takang tanong ko.

"Did you follow me mula nang pumunta ako sa Principal's Office?" Still, no response.

Bumuntong-hininga na lang ako, at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng school, ngunit mas lalo akong nagagambala nang nakakaramdam pa rin ako ng mga yabag na sumusunod sa akin.

Matalino siya dahil kada humihinto ako sa paglalakad ay humihinto rin siya. Pasalamat siya at hindi talaga ako magaling sa charades.

"Balakadyan." I said then tsked. Whoever he is, he wasted my more or less 10 minutes.

πŸ”ΊπŸ”»πŸ”ΊπŸ”»πŸ”ΊπŸ”»

Pag-uwi ko ay si kuya Jack lang ang nandoon. As usual, nakaupo ito sa pang-isahang sofa habang nagbabasa ng bagong biling libro niya. Minsan nga nagtataka ako kung paano siya nakakabili ng mga librong ganiyan eh.

Pahingi namang money. Pambili lang ng wattpad books ih.

"Sina kuya?" Tanogn ko sa kaniya. Saglit itong napasulyap sa akin bago bumalik sa kaniyang ginagawa.

"Bumalik sa Windermere. May inakikaso." Tipid na sagot nito kaya tumango na lang ako. Nasanay na ako na bihira siyang magsalita.

He's cold, katulad ng convo ninyo.

Naglakad na ako pataas at papunta sa aking kwarto. Pagpasok ko ay ibinaba ko ang aking bag sa upuan at ibinagsak ang sarili sa higaan.

Naalala ko tuloy ang ginawa kong pagtanggap sa trabahong 'yon. Should I tell to them? Kina Kuya?

'This job shouldn't be known by everyone.' Isa iyon sa mga natandaan ko sa mga sinabi ni Sir William.

Hindi pwedeng malaman ng sinuman. Kahit sina Suzzaine. Kahit ang mga kuya ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi pa naman ako sanay na naglilihim sa kanila.

Ikaw sanay ka na 'no? Nangupit ka nga sa wallet ng nanay mo eh.

Nakarinig ako ng ringtone. Napagtanto kong galing iyon sa aking cellphone kaya kaagad akong tumayo at kinuha iyon sa aking bag.

Unknown Number calling

Answer | Decline

Nang itinapat ko iyon sa aking tainga ay nakarinig ako ng isang nakakabinging tunog, kaya bahagya ko iyong inilayo sa aking tainga.

"You're one of them." A manly voice spoke on the other line. Kaagad namang kumunot ang noo ko.

"You're one of them, and you're now on our list, Hannah." This time, babae naman ang nagsalita. Dahan-dahan akong napaupo sa gilid ng aking kama.

"Who are you?" Naging seryoso na ang tono ko dahil parang alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

A woman's voice laughed. "You'll regret what you did."

Matapos no'n ay binaba na niya ang tawag. Saglit naman akong napatingin sa screen ng aking cellphone. Maya-maya ay nakahinga ako ng maluwag nang magsink-in na sa aking utaka ng nangyari.

Who are they? 'Yon ang unang tanong na nabuo sa aking isipan. Bigla ulit tumunog ang aking cellphone kaya nagulat ako sa pag-aakalang 'yon nanaman ang tumawag.

Sinagot ko ang tawag ni Suzzaine sa akin. "Bakit?"

"Wala lang. Chine-check ko lang kung naload-an ako ni Iya." Natatawang anito. Nakakarinig ako ng ibang boses sa kabilang linya, senyales na may iba siyang kasama.

"Niload-an ka niya?" Wala sa sariling napangiti ako. Kanina lang ay nakakaramdam na ako ng takot, ngayon ay gumaan ang pakiramdam ko narinig ko lang ang boses ni Suzzaine.

"Ako kasing magpapa-print ng assignment niya sa Science, kaya niload-an niya ako." Nae-excite na anito. Siguro kung nasa harapan ko siya ngayon ay nagtatalon na siya sa tuwa.

"Magkano naman? Baka GOSURF10 lang ha." Natatawang sabi ko.

Pakiramdma ko ay nag-pout siya. "Hidni ah. 50 naman."

"Pa-hotspot na ako." Biro ko kaya natawa siya.

"Nahiya naman ako sa'yo. Naka-wifi nga kayo dyan eh. Pldt pa."

"Sky fibr po." Pagtatama ko kaya natawa siya ulit. Pagpasensyahan niyo na at mababaw talaga ang kaligayahan niya.

"O sige. Chi-neck ko lang talaga. Bye. Labyu." Paalam nito.

"Labwu too." Bulong ko. Kunwari naman siyang kinilig hanggang sa pinatay na niya ang tawag.

Napabuntong-hininga na lang ako, lalo na nang maalala ko ulit ang trabahong mula bukas ay gagawin ko na.

I hope everything's going to be smooth...

But I knew it won't, right?

πŸ”ΊπŸ”»πŸ”ΊπŸ”»πŸ”ΊπŸ”»

Pagpasok ko sa aming classroom ay pareho pa rin sa nadadatnan ko araw-araw. Mga kaklase kong palakad-lakad at hindi naglilinis. May mga baong tsismis sa isa't-isa. May mga magkakasamang bababa para lang bumili kaagad ng pagkain kahit hindi pa recess.

"Hannah! Laruin mo ML ko." Nilapitan ako ni Suzzaine. Dala niya ang cellphone niya ngayon lalo na't may load siya..

"Nakutungan ako ni Suzzaine." Bulong ni Iya kaya natawa naman ako, samantalang inirapan siya ni Suzzaine.

"Ako na nga gagawa ng assignment mo eh. Kulang pa nga 'tong binigay mo eh." Napailing na lang ako. Mukhang mangongotong nanaman si Suzzaine.

Tinaasan siya ng kilay ni Iya. "Assignment lang naman 'yan ah? Ano akala mo? Thesis?"

"Kahit na. Sayang ink ko sa'yo eh." Suzzaine backfired. Pumagitna naman na si Jenklint sa kanila kaya mahina akong natawa.

"Alam niyo, para walang away. Ako na lang load-an niyo." Taas-baba pa ang kilay niya habang sinasabi 'yon.

Kaagad namang nag-reklamo ang dalawa, lalo na si Iya. Syempre hindi na 'yan papakotong, nakutungan na nga ni Suzzaine eh.

Wala sa sariling napatingin ako sa labas ng classroom namin. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaking naka-itim na jacket at mukhang nakatingin sa direksiyon namin.

Tama nga ako dahil nagtama pa ang aming mga tingin. Hindi ko siya masyadong namumukhaan pero alam kong nakatingin siya mismo sa akin.

I saw his lips formed a curve on its edge, which sent me chills down to my spine. Akma na sana akong lalabas para habulin ang lalaking 'yon pero laking gulat ko nang maglaho na siya.

Who is he? Naalala ko tuloy 'yung naramdaman kong sumusunod sa akin kahapon.

Napatingin ako muli kina Suzzaine na nag-aasaran pa rin hanggang ngayon.

They won't be in danger even if I accepted the job, right?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status