Share

Part 25

"FAVORITE NA NGA ni Hazel at nanang din yun eh." tila nangongonsensya naman si Venus kaya natatawa na lang si Carly at napapailing.

"Fine." pagpayag naman nito.

"Yehey! Oh, Pio at sir Calvin ah? Sa bahay na po kayo mag-dinner!" pag-aaya naman ni Venus sa mga ito.

"Ahm, talaga miss Venus? O -- okay lang na dun kami --"

"Oo naman, ano ka ba?! Welcome naman kayo dun!" pagsigurado naman nito kay Pio dahil mukhang kinakabahan.

Nang bumaba na sila ng sasakyan, bumalandra sa kanila ang wet market malapit sa port. Sinusundan naman nilang lahat si Venus dahil ito ang mas nakakaalam sa lugar.

Nagsimula sila mamili at makipagtawaran ni Carly, ngunit kinamangha naman ni Venus na marunong pala makipagtawaran rin si Calvin.

"Tingnan mo si sir Calvin oh? Parang tatawaran siya nyan eh halatang turista siya." bulong pa ni Venus kay Carly. "Marunong ba pumili ng magandang klase ng isda yan?"

Nangingiti naman si Carly sa kaibigan at naiiling na l

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status