"HINDI ko alam na ganito ka pala kaaga babalik sa Thailand, Tajiana..."Malungkot na turan sa akin ni tita Wilma at lumapit ito sa akin para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap na kaagad ko namang tinugunan."Pasensiya na po kayo, tita Wilma. Natapos ko na po kasi yung mga kailangan ko pong gawin dito sa Batangas kaya babalik na po ako sa Thailand..."Sagot ko sa kaniya at kumawala sa yakap nito. Pasimple pa itong nagpawi ng mga luha niya kaya naman napayuko na lang ako dahil ayoko mang umalis ay kailangan ko na gawin ito."Hala, sige, mag-iingat kayong dalawa sa biyahe. Palagi kang welcome rito, Tajiana. Bumalik ka ano mang oras..."Nakangiti nitong turan sa akin kaya naman nagpaalam na kaming dalawa ni Aristophanes sa kanilang lahat para bumiyahe na. Tulog pa si Ariel at Aria kaya naman malungkot akong aalis dahil minabuti kong hindi magpaalam sa kanilang dalawa dahil baka mag-iyakan pa kaming tatlo rito bago ako makaaalis.Pumasok na kaming dalawa ni Aristophanes sa kotse at hin
"WE are now arriving at the Ninoy Aquino International Airport. Please, check your belongings—" Wala na kaming sinayang na oras ni ate Lhayzel dahil kaagad kaming tumakbo papalabas ng airport at saka sumakay sa sasakyang naghihintay para sa aming dalawa. Maayos at kalmado na ang galaw ni ate Lhayzel kaya naman napanatag na ako. Makakapag-isip na kaming dalawa kung anong dapat naming gawin. Sa biyahe namin pauwi ay hindi ko rin maiwasang mag-isip ng mga posibilidad. Anong kailangan nila kay mama? Bakit nila kinidnap si mama? At saka ko lang din naalala ang katayuan ng aming negosyo. Baka may kinalaman ito sa negosyo naming pamilya. "Meron kayang kinalaman ang negosyo natin sa pagkawala ni mama?" Wala sa sariling naitanong ko na lang kay ate Lhayzel. Napatingin naman ito sa akin at dahan dahang tumango."Hindi naman 'yon malabo o imposible. Kung kailangan man ng mga taong 'yon ng pera, sana hindi nila saktan si mama."Ilang oras pa bago huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay. Kaag
INABOT ako ng isang oras bago ko tuluyang matunton ang tinutukoy na lugar ng mga kidnapper. Katulad lamang sa mga pelikula, isang abandonadong lugar ang pinagtataguan nila at nagsisilbing hide out nilang lahat. Mukhang dati itong pabrika na napabayaan na lamang.Dahan dahan akong naglakad patungo sa loob nito. Dala dala ang isang itim na bag na ang laman ay puro mga pera na nagkakahalaga ng sampung milyon.Nakalimutan ko pang dalhin ang cellphone ko at naiwan ko pa ito sa loob ng kotse kaya naman napamura na lamang ako sa aking isip."Nakakatuwang sumunod ka sa usapan natin..."Napatigil ako sa aking paglalakad nang may tumutok na isang matigas na bagay sa likuran ko. Hindi ako nakagalaw dahil ramdam kong nguso ng baril 'yon at isang maling galaw ko lamang ay may balang bubutas sa katawan ko."Dala ko na ang perang hinihingi niyo sa akin. Nasaan na ang nanay ko? Bakit hindi ko siya makita rito?"Bumitaw ito sa akin kaya naman malaya na ulit akong nakaharap sa kaniya. Hindi ko nga ta
"ARE you okay? Your lips are bleeding..."Lumapit sa akin si Xence at saka sinuri ang buong katawan ko. Napatango naman ako sa tanong niya bago mabilis na dumistansya sa kaniya."B-bakit ka pumunta rito? Si Jared ang tinext ko kanina bago ako pumunta rito mag-isa. Magkasama ba kayong dalawa?"Mahina kong tanong sa kaniya at ngumiti naman ito sa akin at saka inilabas ang cellphone niya galing sa kaniyang bulsa. Ipinakita nito sa akin ang kaninang message ko sa number niya— Message ko?! Bakit siya ang minessage ko kanina?!"Hala? Bakit sa'yo ko nai-send yung message imbes kay Jared?"Tinignan ko agad ang cellphone ko at napasapo na lamang ako sa noo ko nang makita kong wrong send pala talaga ako. At least, salamat pa rin at tinulungan pa rin ako ng taong na-message ko. "T-thank you sa pagtulong sa amin ni mama, Xence—""Bro, naligpit na ng mga pulis yung buong grupo. Kasama na rin si Honey sa mga hinuli. Sabi ng mga pulis they need our statement..."Nakangiting sabi ni Hideo kay Xence
"Can I talk to Mr. and Mrs. Regio? Is that possible?"Nakangiting tanong ko kay Xence at natigilan naman ito. Kaagad itong umiwas nang tingin sa akin bago simulang tawagan ang mga magulang niya sa cellphone niya."They are free anytime naman. Gusto niyo bang ngayon na sila kausapin?" "Yes—" "Magbabantay pa ako kila mama, Tajiana..."Sabat at pagdadahilan kaagad ni ate Lhayzel kaya naman natigilan ako sa pagsagot. So, that means ako lang ang mag-aasikaso ng mga napag-usapan nilang dalawa? Ano 'to? Parang taga-plano lang siya ng gala tapos siya pala yung hindi papayagan ng magulang?"Babalik na muna ako sa hospital kasi baka may mga gustong ipabili sila mama at papa sa akin. Kayo na lang muna ang mag-usap dalawa. Una na ako, ha. Bye, good luck sa inyo!"Pamamaalam nito sa amin at tumakbo na kaagad palabas ng office ni Xence kaya hindi na ako nakaangal pa. Yes, nandito kaming tatlo kanina na ngayon ay dalawa na lang sa dating branch at main office ng kumpanya nila Xence. Nakakatuwa ng
MAAGA pa lang ay nakapag-ayos na ako ng aking sarili. Mas mabuti na ang kalagayan nila mama at papa ngayon dahil kahapon lang ay nakalabas na sila ng hospital matapos ang ilang araw na pagkaka-admit doon. Si Jared naman ay bigla na lamang akong nawalan ng balita dahil nang ilipat ito ng kaniyang pamilya sa ibang hospital, hindi na namin nalaman ang nangyari rito. Hindi ko na rin alam kung gumaling na ba ito o bumuti na ang kalagayan niya."Kaizzer, may girlfriend ka na ba? Mga ilan?"Naabutan ko sa kusina namin sila Ate Lhayzel na nag-aalmusal kasama ang body guard naming si Kaizzer. Nasamid naman ang binata sa biglaang tanong sa kaniya ni Ate Lhayzel."Ikaw talaga. Masiyado mong iniilang yung tao, oh. Mabuti pa at kumain ka na lang diyaan ng pandesal, Lhayzel."Pananaway ni mama kay Ate Lhayzel kaya naman ngumuso ito bago magpatuloy sa pagkain niya. Sumabay na rin ako sa kanila sa pagkain bago ako umalis para puntahan ang isa sa mga branches namin dito sa Pilipinas."Madam, we have
KINABUKASAN, bumiyahe na kaming dalawa ni Ate Lhayzel pagkatapos naming magpaalam kila mama at papa dahil saglit lang naman kami roon. Mabilis lang ang naging biyahe naming dalawa at pagkalapag pa lang ng eroplano sa airport ay nagtungo na kami kaagad sa company building ng negosyo namin dito sa Thailand. Sinalubong kaagad ako ng aking sekretarya kaya naman umakyat na kami sa office ko para magsimulang asikasuhin ang paglipat namin sa Pilipinas.Mayroong virtual meeting na nagaganap para sa lahat dahil may mga nakabakasyon ding investors at iba pang stock holders ng kumpanya. Umupo ako sa isang swivel chair at humarap sa camera ng laptop. Kaagad kaming nagbatian lahat bago namin pormal na simulan ang meeting para mapag-usapan ang mga bagay bagay."Today, we have decided to stay in my own country for good. We would like the company's main office to be there, in the Philippines. Do you have questions regarding this matter?"Nakangiting tanong ko sa mga ito at kaagad namang may nagsal
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil hindi ko alam kung anong meron sa baba ng bahay namin pero naririnig ko ang mga itong nagtatawanan at nag-uusap. Marahil ay sabay sabay na naman sila mama, papa, at Ate Lhayzel na mag-almusal ngayong umaga at napapasarap ang kanilang kuwentuhan."Mama, may almusal na po ba tayo— Xence?! Anong ginagawa mo rito?! Ang aga aga mo naman dito sa bahay!"Gulat na turan ko kay Xence dahil naabutan ko itong sumasabay sa pagkain ng almusal kila mama at papa. Nasa likod ko naman si Ate Lhayzel na kagigising lang din. Akala ko pa naman ay mas maaga itong nagising kaysa sa akin."Sabi mo sa akin kagabi, bumalik ako rito sa bahay niyo, hindi ba? Don't you remember?" Nakangusong sagot nito sa akin kaya naman napakamot ba lang ako sa kilay ko dahil sobrang aga pa para mabanas ako ngayon kay Xence. Ganoon ba talaga siya kadesperadong i-uwi na ako sa condo niya? "Bakit naman ang aga aga mo rito sa bahay? Wala pa nga yatang 6 am ngayon, oh." "Wala ka namang sina