Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit mabilis ko itong inalis sa mukha niya. Halos hindi maipinta ang hitsura niya. Buti nga sa kaniya. Mabuti na lang at walang sasakyan na nakasunod dito at mabuti na lang din busy ang dalawa kong kasama, kung hindi wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa sobrang hiya.
Bahala nga siya sa buhay niya, kahit customer siya wala siyang karapatang mambastos. Tinalikuran ko siya dahil tinawag ako ng kasamahan ko upang magsukli. Tinawag niya rin ako ngunit inirapan ko lang ito. Nilapitan siya ng isa ko pang kasama. Binati muna nito bago itinanong kung anong ikakargang produkto sa sasakyan niya. Napansin kong sininyasan niya ang kasama ko na lumapit pa lalo sa kaniya. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila pero parang kinakabahan ako. Ilang saglit lang lumapit sa akin ang kasama ko."Ann, tawag ka ng customer ikaw raw ang gusto niyang magkarga sa sasakyan niya," anito."Sabihin mo busy ako, kamo may ginagawa," utos ko rito. Umalis din agad ito at bumalik do'n sa bastos na customer.Bumalik ulit ito sa akin habang kumakamot sa ulo nito."Ann, lapitan mo na kasi ikaw gusto niya magkarga, ayaw raw niyang umalis kapag hindi mo nilapitan." Tumalikod agad ito at pumunta sa kararating lang na sasakyan sa kabilang island. Nilapitan ko na lang din ito kahit naiinis ako rito dahil may isang sasakyang nasa likuran nito na naghihintay."Magandang hapon po sir, ano po ang maipaglilingkod ko po sa inyo?" pormal na tanong ko rito habang nakangiti ng pilit sa kaniya."Pakikargahan ng full tank at hindi ako pusher," anitong natatawa."Sir, wala naman akong sinabing pusher kayo eh, not unless user kayo?" Diniinan ko pa ang huling salita. "Premium po ba o unleaded?" tanong ko rito.Lalo pa itong ngumiti. "Kung magiging user man ako, gusto kitang gamitin," tila nang-aakit na wika nito. "Premium."Kainis. Nanggigigil na talaga ako sa buwesit na taong 'to. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Bastos talaga! Bakit kasi nag-e-exist pa ang mga ganitong tao sa mundo? Bakit ba kasi lapitin ako ng mga bastos?Noong una muntik na akong magahasa ng dati kong employer, ngayon may isa na namang bastos. Kailan pa ba ako tatantanan ng mga ito? Hindi ko naman siguro kasalanan kung masiyado akong pinagpala na magkaroon ng malusog na hinaharap at likod?Iniangat ko na ang nozzle at sinadya kong umikot para maitutok ko sa kaniya ito nang bigla niya ring iniangat ang dalawang palad niya upang takpan ang kaniyang mukha. Natatawa ako sa reaction niya ngunit hindi ko pinahalata rito. Saka ko naman isinalpak ang nozzle sa tanke ng sasakyan niya."Nakakadami ka na ha, susunugin mo ba ako?" Nahimigan ko ang pagka-asar sa boses nito na lalong ikinatuwa ko."Sana..." mahinang sabi ko."May sinasabi ka ba?" Bumaba ito ng sasakyan niya at lumapit sa akin."Wala po," sagot ko rito nang hindi nakaharap at ngayon ko lang din napagtanto na ang bango-bango niya kahit umaalingasaw ang amoy ng gasolina pero mas nangingibabaw ang bango niya. Ano ba itong iniisip ko? Napatigil ako sa iniisip ko nang mag-automatic stop ang nozzle.Lumingon ako rito upang tanungin ito. "Sir, automatic po ba o sagad?" Lumapit ito sa akin malapit sa tainga ko at bumulong. "Isagad mo para masarap."Tumawa ito ng mahina bago tumalikod at pumasok sa loob ng sasakyan niya.Parang pinagpawisan ako ng malapot. Napalunok din ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ang tagal mapuno ng tanke ng sasakyan nito, 'di kaya ay may butas? Para makalayas na ito nang hindi ako buwesitin. Ang bastos talaga. Argh.Lumipat na lang din ang sasakyang nasa likuran nito na naghihintay. Ilang saglit pa ay napuno rin ang tanke nito. Sa wakas, lalayas na ang demonyo."Bayad ko." Inabot nito ang pera sa akin. "Keep the change," anito sabay kindat sa akin at agad na isinarado niyo ang bintana ng sasakyan niya 'tsaka umalis.Nakahinga rin ako ng maluwag. Tiningnan ko ang pera na ibinayad niya ngunit sobra-sobra ito kahit pa man sinabi niyang keep the change pero ang laki pa rin ng sukli niya. Hindi maaari ito, kaya itinabi ko muna ang sukli niya na para sa susunod na pagpakarga niya maisauli ko ito sa kaniya. Mahirap kunin bilang tip nito sa akin baka sa pagbalik niya sisingilin niya ako at wala akong pambayad baka kung ano pa ang maisipan niyang ipambayad ko sa kaniya. Kaloka, kung anu-ano na naman ang iniisip ko.In fairness, guwapo rin ang kumag, 'yon nga lang bastos. Sana nga lang hindi na siya bumalik pa."Ann, tawag ka ni Sir Jake sa office niya. Now na raw!" sabi ng isa kong kasama sa akin."Bakit daw?" taka kong tanong dito.Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam, puntahan mo na lang para malaman mo."Kumatok muna ako bago ako pumasok sa opisina ni Sir Jake."Sir, pinapatawag niyo raw po ako?" Seryoso ang mukha nitong nakaharap sa computer at agad din itong tumingin sa akin."Miss Perez, kapag oras ng trabaho, trabaho hindi kung anu-anong inaatupag mo." Malapit na magsalpukan ang mga kilay nito. Tumayo ito.Naningkit ang mga mata ko sa tinuran ni sir. Hindi ko maintindihan. May nagawa ba akong mali? Wait lang, iisipin ko muna baka may nakaligtaan akong ginawa kong mali sa report na hindi ko nasabi sa kaniya. Kaso wala eh, kasi dapat kung may mali ako sa report kanina pa niya sinabi sa akin. "May mali po ba sa report ko, sir?" mahinahon kong tanong.Napansin kong hindi ito nakatingin sa akin kung kaya sinundan din ng mga mata ko kung saan ito nakatingin. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang sarili ko sa monitor ng CCTV at ang bastos na customer kanina na halos magkadikit ang mukha namin dahil naka-pause ang video sa parting iyon.Inalis ko kaagad ang paningin ko sa monitor at tumingin kay sir at nagsimulang magpaliwanag."Sir, hindi po kasi ganoon 'yon eh, hinila niya po kasi ako kaya nagkaganiyan po. Maniwala po kayo sir at isa pa po hindi ko po siya kilala," paliwanag ko. "Naiwan pa nga po niya ang sukli niya."Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi nga nakita ng mga kasamahan ko pero na capture naman ng CCTV camera. Pahamak talaga ang kumag na 'yon. Lalo akong nanggigigil sa inis. Napayuko na lang ako sa hiya kay Sir Jake. Baka isipin niya nilalandi ko ang customer. Naku, never... over my dead body! Hindi ko nga siya binigyan ng chance manligaw sa akin, makipaglandian pa ako lalo pa sa hindi ko kakilala?That's absurd."Next time, kapag feeling mo nababastos ka na magtawag ka ng kasama o 'di kaya ay umiwas ka. Hindi 'yong nilalapit mo ang sarili mo lalo," sabi nito habang nakatitig sa akin.Si sir talaga parang babae, palaging may dalaw kapag ako ang kaharap. Pero kapag mga kasamahan ko kaharap niya nakangiti naman siya. Mukhang tagilid yata ako sa kaniya simula nang binasted ko siya. "Okay po sir, hindi na po mauulit." "Okay, back to work!" anito."Sorry po talaga sir... labas na po ako." Tumalikod agad ako rito at agad ko ring isinara ang pinto.Hindi ma-absorbed ng utak ko ang pangyayari ngayon. Nabastos na, napagbintangan pa. Kung minamalas ka nga naman. Huminga ako ng malalim bago bumalik sa kaha.Lumapit kaagad ang dalawa kong kasama nang wala ng karghan. "Bakit ka ipinatawag ni sir, Ann?" tanong ng isa kong kasama."May itinanong lang." Mas lalong ayokong sabihin sa kanila ang nakita ni sir baka pagtawanan lang ako ng mga ito.Tumango lang ito at hindi na nangulit pa. Pagkatapos ng trabaho ko agad din akong umuwi. Pagdating ko ng boarding house, nakapagtataka sobrang liwanag ng buong kabahayan. Bakit kaya? Anong mayroon? Halos nakabukas lahat ng ilaw at may naririnig akong maingay sa may garden. Napatutop ako sa aking bibig. Hindi kaya ay may nangyaring hindi maganda kay Nanay Cita? Sana 'wag naman... Dali-dali akong pumasok sa bahagyang nakabukas na gate at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Hindi ko napansin ang taong palabas ng pinto kung kaya't bumangga ako rito.Tumilapon sa damit niya ang laman ng baso na bitbit nito. "Sorry po, hindi ko po kayo napansin. Sorry po talaga." Hinging paumanhin ko rito ng bahagyang nakayuko ang ulo ko. Natakot akong tumingin dito baka galit sa akin. Sabagay may rason siyang magalit dahil kasalanan ko rin naman, 'yon nga lang natatakot akong tingnan ito.Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo para pagpagan ang damit niya. Mabuti na lang at tubig lang ang natapon sa damit nito, kung hindi magmamantsa talaga. Naka white shirt pa naman siya. What a day? Mukhang minamalas talaga ang araw ko ngayon.Bago ko pa man mailapat ang panyo para ipagpag sa damit niya inihinarang niya ang kamay niya. "It's okay, don't bother." Lalo akong nahiya, hindi ako makatingin dito.Maya maya ay unti-unti kong iniangat ang tingin ko rito at agad na nagtama ang aming paningin. Pakiramdam ko lang matagal na siyang nakatingin sa akin habang nakayuko ang ulo ko.Minumulto ba ako? At bakit siya na naman? I heard him chuckled. "Akalain mo nga naman, napakaliit talaga ng mundo nating dalawa."Dapat lang din pala na tumilapon sa damit niya ang laman ng baso. Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Mundo mo lang." "Ang sungit." Nakapamulsa ang isang kamay nito. "Dito ka pala nakatira?" Nakatingin pa rin ito sa akin. "Ay hindi, napadaan lang ako," sarkastiko kong sagot dito. Tumawa ito ng mahina. "Ano naman ngayon sa'yo kung dito ako nakatira? Stalker ka 'no?" Nakataas ang mga kilay ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. "Ang pagmumukhang ito, stalker?" Duro niya sa sarili niya. "Para namang ang ganda mo par
Sinamaan ko ito ng tingin parang hindi tumalab at lalo pang ngumisi."Ganiyan ka ba talaga ka bastos? Hindi ka ba marunong rumespeto?" Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Tinalikuran ko ito at umakyat sa silid na inuukupa ko. Nawalan na ako nang ganang kumain. Umupo ako sa higaan ko at huminga ng malalim."Relax self, relax..." Pilit na pinapakalma ko ang sarili ko habang nag-i-inhale-exhale ako.Pagkatapos ng isang oras na pagpapakalma ko sa aking sarili, ay dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. 'Yong tipong hindi nakakalikha ng tunog. Parang magnanakaw lang ang peg.Sumilip muna ako sa kusina baka nandoon pa siya. Mukhang wala na yata dahil ang tahimik, eh. Pumasok na nga ako sa kusina at nabungaran ko ang isang box ng noodles na nakapatong sa itaas ng lamesa at ang supot na may lamang pagkain na pang peace offering daw nito sa akin. Hindi ko na rin nakita ang bowl ng noodles sa lamesa, sa halip nakita ko ito sa lagayan na ng mga plato.Kumakalam na rin ang sikmura ko at humupa na ri
"What the hell are you doing here?" bulalas nito at agad na tinakpan nito ang kaniyang pagkalalaki bago tumalikod sa akin. Sapagkat bahagyang nakaharap ito nang bigla kong buksan ang pinto ng banyo. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kung mapagsino ang nabungaran ko.Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa nakita ko. In fairness, ang guwapo ng katawan niya. Sa buong buhay ko ngayon lang din ako nakakita ng buhay na buhay na anaconda. Tumalikod agad ako rito baka sabihin nito nag e-enjoy ako sa tanawing nakikita ko. "Sorry po talaga, naje-jebs na kasi ako kaya hindi ko napansin na for boys only pala itong napasukan ko," paliwanag ko rito."Hindi napansin? O, baka sinadya mo talagang pumasok dito?" wika ng lalaki na tila nang-aasar pa."Ang kapal din naman talaga ng mukha mo, ano? Mag-lock din kasi ng pinto pag may time..." sigaw ko rito bago lumabas ng banyo ngunit ang kabog ng dibdib ko hindi pa rin maalis-alis.May sinasabi pa ito ngunit hindi ko na pinak
Sobrang sakit ng likod ko nang matapos na may mangyari sa aming dalawa. Agad na tumalikod ako rito. Hindi ko inaakala na sa isang iglap lang naisuko ko kaagad ang aking iniingatang yaman sa isang taong hindi ko lubusang kakilala. Kusang bumagsak ang mga luha ko. Sobra ang aking pagsisisi dahil sa aking kapusukan. Pakiramdam ko lahat ng mga pangarap ko parang bigla na lang naglaho.Nakahiga rin ito sa aking tabi. Naramdaman yata nito ang aking paghikbi kaya bumangon ito."Sorry..." anito.Hindi pa rin ako humarap dito, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Tumayo na ito at isinuot ulit nito ang basa niyang damit pagkatapos lumabas na ito ng bahay kubo.Napahagolhol ako ng iyak. Pagkatapos niyang pagsawaan ang aking katawan basta na lang siya umalis na parang wala lang nangyari? Maya maya pa ay bumangon na rin ako at nagbihis bago lumabas ng bahay kubo. Tumila na rin ang ulan. Binitbit ko na rin ang dala kong bag paglabas ko ng baha
Samo't sari ang pumapasok sa utak ko. Paano kong mabubuo ang bata sa sinapupunan ko? Ano ang gagawin ko? Paano ko haharapin ang mga magulang ko? Paano na ang pamilya ko na umaasa sa akin? Paano na ang mga pangarap ko? Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Bilang lang sa daliri ko ang mga araw na nagkita kami ng taong unang umangkin sa akin ngunit nagawa kong ipagkaloob kaagad dito ang sarili ko. Kahit apelyido nito hindi ko alam. Pinahidan ko ang luhang naglandas sa aking pisngi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin?Kinabukasan paggising ko masakit ang katawan ko lalo na ang ilalim ko. Hindi muna ako lumabas sa aking silid bagkus tinawagan ko ang kaibigan kong si Mira."Hay sa wakas... nagawa rin akong tawagan..." Tumawa pa ito. "Ano ang maipaglilingkod ko po sa inyo, kamahalan?" Pang-aasar pa nito sa kabilang linya."Kambs..." tawag ko rito na pilit kong pinipigilang mabasag ang boses ko."Bakit kambs... may pro
Bumalik ako sa boarding house at agad na ginawa ang resignation letter. Hindi na rin ako pumasok sa trabaho. Kinabukasan pumunta ako sa station para maipasa ang resignation letter kay Sir Jake."Girl, kumusta ka na? Papasok ka ba ngayon?" tanong ni Jessa ng makalapit ito sa akin."Okay lang ako," sagot ko rito. "Nandito na ba si Sir Jake?""Oo, nasa office niya," sabi nito.Iniwan ko muna ito at pumunta sa office ni Sir Jake. Kumatok ako ng tatlong beses bago nito binuksan."Good morning, sir," bati ko rito nang hindi nakatingin ng diretso sa mga mata niya."Good morning, come in!" sabi naman nito. "Take a seat.""Okay lang po sir, hindi naman po ako magtatagal, eh." Kinuha ko ang resignation letter sa bag ko at inabot dito.Napatingin ito sa akin. "Ano ito?" "Magre-resign na po kasi ako, sir," nahihiya kong wika."Dahil ba ito sa nangyari sa resort?" Lumapit ito sa akin. "Sorry, Ann.""Hindi po sir, personal reason ko po iyan." Hindi ko masabi dito ang dahilan kung bakit ako magre-
Pinagpahinga muna ako ni Ate Tess, bukas na lang daw niya sasabihin sa akin ang mga dapat at kailangan kong gawin.Nakahiwalay ang silid ni Ate Tess kay Winona at Gemma. Ang servants quarter ay nasa likod ng malaking bahay samantalang ang kuwartong tinutuluyan ni Ate Tess ay nasa mismong loob ng malaking bahay, ngunit hiwalay sa main bedroom at sa mga guest room. Taon-taon daw kung umuwi ang may-ari nitong villa. Ayon sa mga ito binata pa raw iyon at masiyadong seryoso sa buhay kung kaya't minsan ay natatakot silang lumapit dito kung hindi naman sila pinapatawag nito. Subalit kahit minsan ni hindi man lang daw nila itong nakitang ngumiti. Minsan naisip din daw nila na baka bakla ito sapagkat wala man lang silang nababalitaan na may babaeng nali-link dito o dinadala sa bahay na ito. At lahat ng iyon ay pawang mga haka-haka lamang nila.Kahit wala rito ang may-ari nitong bahay, ngunit may mga tauhan pa rin naman ito na siyang nag-aasikaso ng villa at ng bahay niya. 'Yon nga lang at na
Nang makapasok na ito sa loob ng kaniyang bahay agad na tinanggal nito ang suot niyang shades. Inilibot nito ang kaniyang paningin sa loob bago umupo sa couch na siya namang pagtunog ng kaniyang cellphone. "Kararating ko lang," tila tamad na tugon nito sa kausap nito mula sa kabilang linya. Nakatayo ako hindi kalayuan sa kinauupuan niya kaya rinig na rinig ko ang sinasabi nito. Ang hindi ko lang marinig ang sinasabi ng kausap nito mula sa kabilang linya. "Mom, we broke up already. Huwag mo na akong pilitin na makipagbalikan pa sa kaniya at ayoko na siyang makita pa kahit kailan." Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. "Let's not talk about her, okay? I want to rest, mom. Bye!" Kaagad na pinatay nito ang tawag at agad na tumayo.Dire-diretso lang ito sa pag-akyat sa hagdan habang nakasunod ako rito. Pagdating nito sa labas ng kuwarto niya, tumigil ito sandali at humarap sa akin na walang emosyon ang mukha."Don't follow me, I want to rest. I will call you when I need you."