Araw, linggo, buwan, at taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakakausap ang ina ni Kenneth kahit ilang beses na rin itong umuwi ng bansa. Sa tuwing tatawagan ko naman ito sa condo unit na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay palagi ako nitong binabagsakan ng telepono.Pinanghihinaan na rin ako ng loob na makausap ito dahil kahit na ano pa ang gagawin ko ay hinding-hindi pa rin ako nito matatanggap para kay Kenneth.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina ng dahil sa akin. At kahit ilang beses na rin ipaliwanag ni Kenneth na wala akong kasalanan ayaw pa rin nitong tanggapin, na tila sarado na ang kaniyang pag-iisip at ayaw nang makinig sa kahit na anumang paliwanag.Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.Kasalukuyang nasa garden ako kasama si Winona at ang anak ko. "Ang bilis ng panahon parang kailan lang kalong-kalong ko lang si Baby Matt, ngayon ang laki niya na," wika ni Winona habang nakikipaglaro sa anak ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa at
PAGKATAPOS ng pangyayari kagabi ay agad na nag propose ng kasal si Kenneth sa akin. At ang proposal na iyon ay ginanap sa garden ng villa.Kasabwat nito si Winona at si Matt-Matt sa proposal niyang iyon sa akin. Simple lang ang proposal niyang iyon pero sobrang na appreciate ko dahil pinaghandaan niya talaga. Isang simpleng 'WILL YOU MARRY ME?' lang na nakalagay sa mga bond paper na pinagtagpi-tagpi habang nakasabit ito sa maliliit na puno ng mga palm tree, at siya naman ay nakatayo sa likod ng mga ito. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mamasa ng makita ko ang mga nakasulat sa papel. "Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?" tanong ko sa aking sarili sabay pikit ng aking mga mata baka kasi nananaginip lang talaga ako.Nang hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang aking anak at kinakalabit nito ang aking kamay."Mommy, daddy is waiting. He's waiting for you for five hours until you wake up," anito na lalong nagpamulat ng aki
Isang umagang kay ganda sa aking sarili. Araw ng lunes at ngayon din ang unang araw ko sa bago kong trabaho bilang kahera sa isang gasolinahan. Maaga akong gumising para hindi ako ma-late. Nagluto ako ng pagkain para sa sarili ko lamang. Oo, sa sarili ko lang dahil nangungupahan lang ako at nag-iisa. Nagbaon na rin ako kahit hindi naman ganoon kalayo ang inuupahan kong bahay sa bago kong trabaho. "Magandang umaga po," bati ko sa aking landlady na si Nanay Cita pagkalabas ko sa bahay niya.May limang kuwarto ang bahay niya at pinapaupahan niya ito lahat. Nag-iisa na lang ito sa bahay niya dahil anim na taon na rin siyang biyuda at ang nag-iisa nitong anak na lalaki ay nasa ibang bansa nagta-trabaho kaya naisipan niyang paupahan na lang ang mala-mansiyon niyang bahay para kahit papaano may makakasama rin siya. Mga bigatin din ang mga boarders niya maliban sa akin.Apat sa boarders niya ay mga professionals. Dalawang guro, isang manager sa isang private company at isang CPA sa isang pri
Nag-umpisa na ang trabaho ko as trainee sa pinapasukan kong gasolinahan. Ang sabi ni Sir Jake kapag nakuha ko in three days ang training puwede na akong ma-regular sa trabaho. Seven days dapat daw talaga ang training period.Mag observe raw muna ako bago sumalang sa pagkakaha. Halos kalahating araw rin ang pag-o-observe ko at ang kalahating araw nag-umpisa na akong turuan. Madami ring paalala ang cashier na tumuturo sa akin na si Jessa Espargosa. Ang mga dapat at hindi dapat gawin, lalo na kung paano pakikitunguhan nang maayos ang mga customer. At hindi lang din saklaw ng cashier ang pagkakaha, kung kinakailangan na tumulong dapat tumulong din sa pagkakarga.Natapos ang isang araw ng training ko nang walang aberya. Natutuwa naman ang nagtuturo sa akin dahil madali raw ako turuan. Feeling ko in three days makukuha ko na lahat ng mga itinuro nito sa akin. Mabilis lang naman intindihin basta't lahat ng mga itinuro ay sa utak ang pasok nito. Pagkatapos nga ng tatlong araw ay agad akong n
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Ano kaya kailangan ni Sir Jake?Pagbukas ko ng gate nakita ko kaagad si Sir Jake nakatalikod ito at tila may kausap sa kaniyang cellphone. Pasimple kong pinagmasdan ang katawan nitong alaga sa gym. Nang matapos itong makipag-usap sa cellphone, agad akong tumikhim para hindi halata na pinagnanasaan ko siya, este pinagmamasdan pala."Good morning po Sir, may mali po ba sa report ko kaya kayo naparito?" agad na tanong ko. Hindi pa naman ito nakasagot dinugtungan ko na kaagad. "Itinawag niyo na lang po sana Sir, para ako na po ang pupunta roon at nang hindi na kayo nag-abalang pumunta rito o di kaya'y ipinag-utos niyo na lang po.""Hindi ako makasingit ah," nakangiti nitong saad. "Good morning!""Ay sorry po," nahiya kong sambit."No, it's okay. Actually hindi pa ako dumaan sa station.." tumikhim ito na parang tinatanggal ang bara sa kaniyang lalamunan.Naghihintay rin ako sa sasabihin nito kaya napatingin ako sa kaniya."Ano kasi.." "Say it Si
Papunta na ako sa supermarket nang mapansin ko ang mga tao nagsitakbuhan, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sumunod din ako sa mga ito at tumakbo rin. Iniisip ko na baka may nagpapatayan o 'di kaya ay may sunog kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo rin, mahirap na baka ma-trap ako at hindi makalabas kawawa naman ang pamilya kong umaasa sa akin. Ang ipinagtataka ko lang dapat sa exit ng mall ang labas ng mga 'to, eh, bakit lalong papasok? Pagkatapos kong tumakbo at sumunod sa kanila tumigil din ako dahil sa dami ng tao na halos hindi ko na makita kung ano ang nangyayari."Ate, anong mayro'n bakit nagtatakbuhan?" curious kong tanong sa katabi ko."Iyong sikat na si James Clifford kasi nandito." Pagkasabi niyang iyon sumigaw ito banggit ang pangalan ni James Clifford.Napangiwi na lang ako at tumalikod dito. Hindi naman kasi ako mahilig mag fangirling, imbes na makipagsiksikan mas mabuti nang mag grocery na lang ako baka mahuli pa ako ng pasok sa trabaho ko.Napapailing
Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit mabilis ko itong inalis sa mukha niya. Halos hindi maipinta ang hitsura niya. Buti nga sa kaniya. Mabuti na lang at walang sasakyan na nakasunod dito at mabuti na lang din busy ang dalawa kong kasama, kung hindi wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa sobrang hiya.Bahala nga siya sa buhay niya, kahit customer siya wala siyang karapatang mambastos. Tinalikuran ko siya dahil tinawag ako ng kasamahan ko upang magsukli. Tinawag niya rin ako ngunit inirapan ko lang ito. Nilapitan siya ng isa ko pang kasama. Binati muna nito bago itinanong kung anong ikakargang produkto sa sasakyan niya. Napansin kong sininyasan niya ang kasama ko na lumapit pa lalo sa kaniya. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila pero parang kinakabahan ako. Ilang saglit lang lumapit sa akin ang kasama ko. "Ann, tawag ka ng customer ikaw raw ang gusto niyang magkarga sa sasakyan niya," anito."Sabihin mo busy ako, kamo may ginagawa," utos ko rito. Umalis din agad it
Bago ko pa man mailapat ang panyo para ipagpag sa damit niya inihinarang niya ang kamay niya. "It's okay, don't bother." Lalo akong nahiya, hindi ako makatingin dito.Maya maya ay unti-unti kong iniangat ang tingin ko rito at agad na nagtama ang aming paningin. Pakiramdam ko lang matagal na siyang nakatingin sa akin habang nakayuko ang ulo ko.Minumulto ba ako? At bakit siya na naman? I heard him chuckled. "Akalain mo nga naman, napakaliit talaga ng mundo nating dalawa."Dapat lang din pala na tumilapon sa damit niya ang laman ng baso. Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Mundo mo lang." "Ang sungit." Nakapamulsa ang isang kamay nito. "Dito ka pala nakatira?" Nakatingin pa rin ito sa akin. "Ay hindi, napadaan lang ako," sarkastiko kong sagot dito. Tumawa ito ng mahina. "Ano naman ngayon sa'yo kung dito ako nakatira? Stalker ka 'no?" Nakataas ang mga kilay ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. "Ang pagmumukhang ito, stalker?" Duro niya sa sarili niya. "Para namang ang ganda mo par