Share

Chapter 01

"Ano!"-Gulat na sabi ko.

"Sorry Tilly peace na tayo"-Hinging Tawad ni Autumn.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kay autumn sinabi nya na crush ko si Asher sya naman itong may crush doon.

"Ikaw itong may crush sa tao tapos ipapasa mo sa akin, nahihilo ka na ata pacheck-up kana!"-Inis kong sabi sa kanya.

"Tilly, ayaw mo pa aminin huli na kita kapag dadaan si Asher sa atin bigla kang natatahimik ayos lang sa akin na crush mo sya kaibigan mo naman ako."-Tukso nyang sabi.

Inaamin ko crush ko talaga si Asher Liam Smith Sikat na heartthrob pero wag ka kapag ngumiti sya mahuhulog na agad panty mo sa tamis nya ngumiti. Maraming nagkakandarapa na mga babae sa kanya. Gwapo sya sa buhok nyang blonde hair na bumagay sa kanya ilang months na ba akong lihim na nagkakagusto sa kanya nang bigla nagsalita si Autumn.

"Tahimik mo na naman!"-Sabi ni Autumn.

"Bakit mo kasi pinagkalat kainis ka!"-Sabi ko.

"Kaya nga sorry na"-Paawa na sabi niya.

"Sige na matitiis ba kita"-Sabi ko.

"Kaya love kita e"-Masaya nyang sabi.

Nag-usap kami ng lokohan ni Autumn babae po sya wag magkakamali. Ang hirap ng buhay ko bantay sarado ako sa bodyguards ko. Nandito kami sa mansion namin hinihintay si dad gusto ko na talaga lumabas at magsaya sa buhay.

Boring dito sa loob kahit nandito na lahat ng kailangan ko hindi pa rin sapat kaya tinawagan ko si Autumn para ipaalam ako na lalabas kami.

"Autumn, gumawa ka ng paraan para makalabas ako!"-Sabi ko.

Gustong-gusto ko na talaga lumabas at maginom pati si mom wala pakialam sa akin. Walang imik basta kung ano yung sinabi ni dad yun na yun walang kokontra.

"Ito na nga nag-iisip ako ng idadahilan sa pudra mo at dito sa mga chuvachuva na ito kalma ka lang makakaraos tayo tilly just relax."-Sabi nya.

Nag-iisip na sya sa lagay nyang yan!

Hay! masasabunutan ko talaga to. ginagawa nya lang ngayon nakikipagharutan sa mga tauhan ni dad bwesit talaga.

"Wow as in wow Nagiisip ka nga!"-Inis na sabi ko sa kanya.

Nagtaka ako bigla dahil umalis yung mga tauhan ni dad.

Totoo ba to? Paano nagawa ni Autumn na kumbisihin ang mga ito.

Lumapit sa akin si Autumn na ngiting wagas parang nanalo sa lotto ang gaga!

"Let's go Tilly"-Masaya nyang sabi.

Ako naman takang-taka sa mga nangyayari hinila ako ng mabilis ni autumn palabas ng pinto.

"Autumn wait lang"-Sabi ko.

Ang higpit kasi ng hawak nya.!

"Bilisan natin bago sila dumating Tilly double time"-Sabi nya.

Lumakad na kami at pumunta sa short cut nitong mansion namin.

Ako lang nakakaalam nito hindi alam ni dad na may short cut ang mansion namin dahil kinausap ko noon yung gagawa ng mansion ang sabi nagpalagay si dad ng CCTV dito sa buong mansion pero alam ko kung paano mabubura ang record sa CCTV dahil narereset ko ito kapag tumatakas kami ni autumn pagkatapos malaya na ako sa boring na mansion na ito.

Nang makalabas kami ni Autumn sa mansion dumaan kami sa tunnel medyo mahirap mag-adjust pero para sa ikakasaya ko tiis lang.

"Bilisan mo friend! Oh..Catch.!"-Sabi ko at hinagis yung susi ng Lamborghini baby ko.

Nasalo naman ni autumn siya naman ngayon magdrive next time na ako.

Mga ilang minuto...

Nakarating kami sa bar nina Autumn yes Party time na naman.

"Girl let's party na"-Sigaw nya.

"Yeah."-Sagot ko.

Pumasok na kami sa loob sumalubong sa amin ang maingay na music.

Madaming na sayaw sa dancefloor.

"Tara Tilly!"-Sabi ni Autumn.

Sumunod ako sa kanya at pumasok sa private VIP nina Autumn. Ewan ko kung bakit may private na nakalagay sa pinto binasa ko lang. Pinasadya ng daddy ni Autumn para sa malalapit na kaibigan ni Autumn at ang mga kamag-anak nila ang pwede pumasok dito umakyat na kami sa 3rd Floor. Ang makikita mo dalawang malalaking mama na nakatayo sa harap ng private VIP para daw masecured ang nasa loob nito may pafinger print pa sila

bago makapasok sa loob high-tech naman.

Pagkatapos ng mahabang proseso papasok na kami ni Autumn kaso huminto si autumn sa gilid kaya huminto ako at nagtanong.

"May problema ba?"-Tanong ko sa kanya.

"Wala naman sige mauna ka na sa loob may nakalimutan ako sa baba"-Sabi nya at umalis.

Minsan ang gulo ni Autumn!

Kaya pumasok na ako sa loob at halos

malaglag yung panga ko.

"Hi!"-Bati Sabi ni Asher sa akin

Nagloloading pa brain ko...

What!

Si Asher Liam Smith nandito?

Lumingon ako sa likod ko baka hindi ako kausap nya pero wala naman tao sa likod maliban sa pinto bigla syang ngumiti at tumayo sa inuupuan nya.

Lumapit sya sa akin

Totoo! Baka nanaginip lang ako kumurap pa ako ng ilang beses.

"Hmm...I am Asher Liam Smith and you are?"-Tanong nya sa akin

Kinikilig na ako dito kalma ka lang Tilly ayoko mapahiya kay Asher.

"Aeh..Marissa Tilly Turner"-Nahihiya kong sabi

Ngumiti sya ng matamis sa akin na halos mawawalan ako ng ulirat partida ngiti pa lang yan!

"Nice meeting you Marissa and I want to talk with you directly."-Seryoso nyang sabi

Medyo kinakabahan na ako kasi si autumn bakit ngayon ko lang nagets patay sa akin yung babaitang yun! Nandito ako ngayon sa hot seat with asher.

Kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.

Nakatingin sya sa akin ng masinsinan nagpapawis na ako dito sa kinatatayuan ko at ang malupet nandito sya sa tabi ko na tahimik akong pinagmamasdan nang bigla syang nagsalita.

"By the way shall we seat Miss Turner"-Sabi nya

Naglakad sya pabalik sa inupuan nya kanina ti-nap nya ang upuan ibig sabihin doon ako uupo pinagpapawisan na ako sa kaba.

May air-con naman dito pero grabe pawis ko para akong sumabak sa gyera lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi nya.

Tahimik ako sa tabi nya

Nakatingin sa akin si asher

"You Sweat!"-Sabi nya

Tumayo sya at may kinuha sa malapit na table tissue at binigay nya sa akin

Nakakahiya sa kanya pawis na pawis ako ngayon sa harap nya.

Umupo sya at lumapit ng konti sa akin at pinunasan ang basang pawis ko.

Ngumiti ulit sya sa akin tinapon nya yung tissue sa trash-can.

"Beautiful lady."-Nakangiti nyang sabi.

Namula ako sa sinabi nya

"May crush ka ba sa akin?"-Tanong nya sa akin bigla.

Sinasabi ko na nga ba? Tatanong nya sa akin yan! Ano isasagot ko? Help me? Bahala na nga.

Tumungo ako sa tinanong nya sa akin

Pero hindi ko inaasahan yung sunod na sinabi nya sa akin na tumatak sa isipan ko.

"We are Mutual I like you too"-Sabi niya.

Shock!

Literal na Lumaki mata ko sa sinabi nya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status