Hindi na muna ako umuwi ng ampunan dahil naaalala ko na naman ang nangyari kanina. Pilit kong ikinalma ang aking sarili at umupo muna ako sa isang bench na matatagpuan sa loob ng palengke. kung tutuusin ay mukha nga itong park kaysa sa palengke, Nasa gitna naman nito ang fountain kung saan makikita ang patron ng bayan na ito, si St. Jude Thaddeus. Napabuntung-hininga na lamang ako habang iniisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin.
“Ano po ba ang dapat konng gawin? Tatanggapin ko po ba sila sa buhay ko o patuloy ba akong lalayo? Alam ko naman na hinihintay ko sila buong buhay ko. Pero napagtanto ko na hindi madaling magpatawad ng taong nag-abandona sa akin,” ang sambit ko.
Ginulo-gulo ko ang buhok ko dahil naguguluhan na ako sa sarili ko. Nagulat ako nang may yumakap sa braso ko na isang batang paslit. Nakaramdam naman ako ng pagkahabag sa bata dahil sa murang edad pa lamang ay naghahanap na ito ng kalinga ng pamilya.
“Bata, nasaan ang m
Nakalipas na ang ilang araw pero hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari sa akin sa palengke. Hindi ko alam kung tunay ba talaga iyong nangyari dahil ang alam ko talaga ay bumaba ako ng palengke upang mag-isip. Kaya isang malaking palaisipan pa din sa akin kung paano ako napunta sa kotse ni Gray. At ang sabi pa nila ay hindi naman daw ako bumababa ng kotse dahil muntik na nga daw si Gray makabangga ng matandang pulubi. Napahiga ako sa kama ko dahil sa totoo lang ay nawiwindang na ako sa aking buhay. Halos magpagulong-gulong ako dahil hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang nangyayari sa buhay ko. Napabangon naman ako nang makaisip ako ng magandang ideya. Bakit nga ba hindi ko na lamang puntahan sa mismong palengke si Manay Bertha? Agad akong nagready papuntang palengke. Suot ko ang checkered na flannel na may combination ng pink at blue. Sa loob naman ay isang black na sando. Sa pang-ibaba naman ay ripped jeans na dark blue at suot ko ang isang puting sneakers.&nb
Napaturo naman ako sa painting nang makita ko ang mga pamilyar na mukha. Agad naman akong lumingon sa paligid upang itanong kung sino ang nasa painting ngunit biglang nawala si Manong Curtis. Napabuntung-hininga na lamang ako at dahil sa tindi ng kahihiyan at pagod na nadam ko kanina ay napaupo na lamang ako sa couch. Kahit na antigo na ang hitsura ng villa ay napanatili nila ang kagandahan nito. muling bumalik sa akin ang alaalang nilulutas namin ang kaso ng Villa Ilumina. Muli namang sumagi sa isipan ko ang kalagayan ni Magwayen. kamusta na kaya ang diyosang iyon? Ilang buwan ko na rin hindi naririnig ang nakakairitang boses ng diyosang iyon. “Kung ganun, nakakairita pala ang boses ko para sa iyo?” ang tanong ni Magwayen na biglang lumitaw sa tabi ko. Napalingon ako at nakita ko ang isang babae sa gilid niya. Bughaw ang kanyang kasuotan at napapalamutian siya ng mga perlas at kabibe. Napahalukipkip naman ako habang pinagmamasdan si Magwayen. “Hi
Iminulat ko ang aking mga mata. Napakapit naman ako sa aking ulo matapos kong kainin ang mainit na sabaw na niluto ni Rosalia. Bumabalik tuloy sa aking isipan ang maamong mukha ng Mahal na Prinsesa. Sa pangalawang pagakakataon ay muli kong natampal ang pagmumukha ko dahil naalala kong nahawakan ko ang dibdib niya. Pero iyon na yata ang pinakamalabot na nahawakan ko. Sinubukan kong bumangon sa aking kama ngunit muli akong bumagsak dahil sobrang masakit ang ulo ko.“Sa susunod talaga ay hindi ko na hahayaan si Rosalia na magluto,” ang sambit ko.Narinig ko na tumatawa si Cryon sa gilid. Dahan-dahan niya akong inalalayan na makabangon sa kama at inabutan niya ako ng isang baso ng malamig na tubig. Tinungga ko iyon at bahagya nitong nabawasan ang sakit ng ulo ko.“Kamusta ang pakiramdam mo?” ang tanong ni Cryon.Tinaasan ko naman siya ng kilay. Alam niya naman siguro ang sagot base sa aking reaksyon. Bigla naman siyang humaglapak
Para akong tanga na nakatitig sa kisame. Iniisip ko pa rin ang mga huli niyang sinabi bago siya umalis sa villa kanina.“Baka hindi na muna ako makabisita sa iyo. May activity ako sa club at nag-aaral ako sa Colegio De Santa Carmen. Kailangan kong magfocus sa aking pag-aaral,” ang sambit ng prinsesa.Kung ganun mawawalan ako nang pag-asang bantayan siya nang masinsinan. Nangako ako sa Ethereal Queen na babantayan ko ang anak niya. Alam kong hindi siya sang-ayon sa plano ng mga Astral Mages. Kaya sana wala silang ideya sa kinaroroonan ng prinsesa. Nagkaideya na ako na siya ang prinsesa dahil sa umilaw ang kwintas na suot ko noong araw na nakita ko siya sa palengke. Nagkataon lang na tumakas ako kay Curtis upang hanapin ang prinsesa. Ang kwintas na suot ko ay binigay ng Mahal na reyna upang hanapin ang kanyang anak.Lumabas ako sa kwarto at natagpuan ko sa sala si Cryo
Natameme naman ako sa ginawa ni Sebastian. Napuno ng sigawan ang classroom dahil paghalik niya sa kamay ko. Mahabaging diyos! Ano na naman ang pinakain ni Rosalia dito? Tumikhim naman si Arius at hinatak ako papalapit sa kanya.“Pare, ikalma mo ang iyong mga kamay at umupo ka sa iyong pwesto. Bawal ang PDA dito,” ang sambit ni Arius.Napalingon naman ako kay Arius. Kailan pa naging bad mood ang isang ito? Ngumiti naman si Sebastian at nagulat ako nang bigla niya din akong hinatak. Halos sumubsob ako sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng pagkakahila niya.“Sa pagkakaalala ko wala namang nakukuwento na may nobyo si Ada. Isa pa, sino ka ba?” ang tanong ni Sebastian.Nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan ni Arius at Sebastian ka
Napatawa naman nang malakas si Calix sa sinabi ni Sebastian. Inilabas ni Calix ang kanyang kopita at itinutok iyon kay Sebastian. Naguguluhan ako sa nangyayari at nagulat ako nang ilabas ni Sebastian ang isang wand.“Nakalimutan kong magpakilala. Ako si Sebastian Von Lunastella,” ang sambit ni Sebastian.Ibinaba naman ni Calix ang kanyang kopita at pinaglaho iyon. Humarap siya kay Arius at tinapik ang balikat niya.“Huwag kang mag-alala. Hindi siya kalaban. Nais lang nilang protektahan si Ada,” ang sambit ni Calix.Naglaho sa kanyang kinatatayuan si Calix at muli akong napatingin sa dalawang kaharap ko ngayon. Ano na naman ba itong araw na ito? Lumapit ako kay Sebastian at hinila ang kwelyo niya.“Sino ka ba talaga? Bakit mo kilala si Calix?” ang tanong ko sa kanila.Inawat naman ako ni Cryon kaya agad akong bumitaw. Tumikhim naman si Cryon kaya natigil sila kami sa pag-aaway.&ldq
Pinunasan ko ang aking mga mata nang makita ko ang dalawang litrato sa white board. Hindi ko alam pero parang kilala ko ang dalawang babaeng nasa litrato? Saan ko nga ba sila huling nakita? Napasigaw naman ako nang maalala ko kung sino sila! Napakapit naman sa kamay ko si Sebastian at nag-aalala niya akong tiningnan. Ano na naman ba ang trip ng isang ito? “Anong bang ginagawa mo?” ang tanong ko. Agad naman siyang binatukan ni Cryon. Napaaray naman si Sebastian at sinamaan niya nang tingin si Cryon. Sumenyas naman si Cryon na makinig sa sinasabi ni Arius. Nasa seryosong sitwasyon kami pero hindi ko alam kung paano nagagawa ni Sebastian ang manantsing sa mga oras na ito. Nagsorry naman ako at muli kong ibinalik ang atensyon ko sa white board. Napasimangot naman si Arius sa ginawa ni Sebastian at pilit na nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “Bakit Ada? Kilala mo ba sila?” ang tanong ni Arius. Napataas naman ang kilay ko dahil sa tanong ni Arius. Se
Iminulat ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng isang kulungan na yari sa tubig. Akmang hahawakan ko ang tubig nang bigla akong pinigilan ng katulad na nilalang na dumukot sa akin kanina.“Kung ako sa iyo, hindi ko gagawin yan. Masasaktan ka lamang. Dumadaloy sa tubig na iyan ang milyon-milyong boltahe ng kuryente,” ang sambit ng nilalang na nasa labas ng kulungan.Agad kong inilayo ang aking kamay dahil kung hindi magiging barbeqcue ako. Lumingon-lingon ako sa paligid. Hindi ko alam kung parte pa din ba ito ng Mortem Falls. Sinubukan kong tawagin si Aquarius ngunit sumakit lamang ang kanan kong mata ng gawin ko iyon. Ano bang nangyayari?“Inabisuhan ako ni Amang Talon na ang katulad mo ay may kakayahang makatawag ng mga nilalang mula sa ibang mundo kaya hindi mo sila matatawag. Isa pa, pinipigilan ng kulungan mo ang kakayahan mong tawagin sila,” ang paliwanag niya.Halos panghinaan a