Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Pasado alas singko y media na ng umaga. Bagamat ito yung tipo ng kasarapan ng tulog ng mga tao ngunit para sa akin ito ang oras upang magbanat ng mga buto. Napansin kong nasa gitna pa ng kasarapan ng tulog sina Kuya Eli at Ate Gneiss. Kinuha ko ang aking tuwalya at pumasok sa banyo. Nakipagtitigan ako sa tubig na nasa may timba dahil ramdam ko ang lamig sa oras na dumampi ito sa aking balat."Buwiset na buhay naman 'to oh!" ang aking sabi at isinabit ko ang aking tuwalya bago lumabas ng banyo.Nagpakulo na ako ng mainit na tubig dahil hindi ko kaya ang lamig ng tubig sinabayan pa ng simoy ng hangin na nagmumula sa labas. Habang naghihintay ako na kumulo ang tubig ay napansin kong may bata na nagtatago sa may tabi ng bigasan. Lumapit ako at napansin kong si Lorraine iyon. Sa pagkakaalala ko ay nagkaroon ito ng lagnat at maghapon siyang nagpapahinga sa kwarto."O Lorraine, wala ka na bang lagnat? Anong ginagawa mo rito? Masyado pang maaga!" ang s
Pasado ala singko kwarenta'y singko na ng umaga ng bumangon ako sa aking kama. Masyadong naging exciting ang nangyari kagabi dahil sa wakas ay nabunyag rin ang sekretong pinakalilihim ng ama ni Gray. Nagpakulo ako ng tubig upang magtimpla ng kape dahil dama ko pa yung antok na dumadaloy sa aking sistema. Binuksan ko ang tv at nakita ko ang balitang dinakip na si congressman dahil sa mga video na inupload ko. Patuloy niyang itinatanggi ang mga akusasyon sa kanya. Hindi ko alam kung saang lupalop kumukuha ng kapal ng mukha si Congressman at nagagawa niyang magsinungaling sa harap ng madaming tao. Nang kumulo na ang tubig ay isinalin ko iyon sa thermos at naglagay ako sa aking tasa. Dinama ko ang bawat patak ng aking kape. Naligo na rin ako upang maghanda patungo sa school. Naalala kong maglalakad nga pala ako ngayon dahil sinira ng tukmol ang aking bisikleta. Nagsimula na rin akong magtakal ng walong gatang ng bigas dahil marami-rami rin ang kakain ng almusal.
Mahimbing nang natutulog si Fred. Patuloy siyang binabantayan ng ibang madre. Idinulog na rin ni Sister sa pamunuan ng mga Exorcism priest ang insidente. Patuloy pa ring bumabagabag sa isipan ko ang sinabi ni Aurelia. "Ada, kumain ka na ba?" ang tanong ni Ate Gneiss. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkabahala dahil sa nangyari kay Fred kanina. Umiling ako bilang sagot. Sa dami ng mga nangyari kanina, tila nawalan na ako ng gana para kumain. Nagpunta ako sa silid na tinutulugan ko at saka binuksan ang laptop ko. Binuksan ko ang social media account ko at nakita ko ang dalawang friend request. Nagmula iyon kay Arius at Gray at agad ko namang inaccept iyon. Nagulat ako nang wala pang isang minuto ay nagchat si Arius. "Look, I'm just worried nang bigla mong binanggit yung pangalan ng kaluluwa. You should not be reckless next time and I'm sorry kung nasigawan kita,"ang sabi ni Arius sa message. Tinipa ko ang keyboa
Naalimpungatan ako dahil sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bintana. Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalala ko ay sarado ang jalousie bago ako pumasok kanina sa kwarto bago matulog. Tumayo ako upang saraduhan ang bintana ngunit laking gulat ko nang makita ko si Fred na nakatayo sa labas ng kwarto ko at laking gulat ko nang bigla niyang batuhin ang bintana. Agad akong lumayo sa bintana upang hindi ako maabutan ng mga bubog nito. Agad kong kinuha ang phone ko sa mesa bago tuluyang tumakbo palabas ng kwarto.“Saan ka sa tingin mo pupunta?” ang tanong ni Fred.Mali. Hindi si Fred ang isang ito! Si Aurelia ito! Binilisan ko ang pagtakbo patungo kay Mother Superior. Kahit na hindi ako makahinga dulot ng aking pagtakbo ang mahalaga ay makaligtas ako mula kay Aurelia. Sunud-sunod kong kinatok ang pinto ng headquarters ni Mother Superior ngunit walang sumasagot.“Binalaan na kita! Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga tao sa
Napapahikab ako habang nagrorosaryo sina Sister at Mother Superior. Siniko naman ako ni Sister Kat dahil napalakas ang hikab ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mother Superior. Totoo nga sigurong hindi mapapalitan ng kape ang kulang kong tulog. Nagsorry naman ako kay Mother Superior at saka ipinagpatuloy nila ang pagrorosaryo. Napabuntung-hininga na lang ako dahil ang tindi ng pagod na inabot ko nang habulin ako ni Fred kagabi noong sinapian siya. Nang matapos na ang pagrorosaryo ay pabagsak akong napahiga sa kama.Ipinikit ko ang aking mata at sinimulang namnamin ang aking araw ng pahinga. Muli naman akong napamulat ng bombahin ng sunud-sunod na katok ang pinto ng kwarto ko. Ibinato ko ang unan ko sa kama at saka bumangon. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang hyper na si Ate Gneiss. Sana all, may pahingang matiwasay. “Adamantine!" ang sigaw ni Ate Gneiss. “Bakit , Ate? May problema ba?" ang tanong ko kay Ate Gneiss habang kinukusot ko ang aki
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang hitsura ng biktima ng pangalawang kaso. Hindi ko lubos maisip kung paano nagkaroon ng Danag sa campus. Isa pa, ayon kay Arius, hindi tulad ng ibang bampira ay hindi sila tinatatalaban ng sikat ng araw tulad ng mga napapanood sa mga pelikula. Sino bang mag-aakala na dahil sa kasong ito ay magbabago ang paniniwala ko tungkol sa mga bampira. Ayon kay Arius, maituturing na isang uri ng bampira ang mga Danag. Kasalukuyang na-kansela ang mga klase at nagkaroon ng emergency ang lahat ng facullty members ng lahat ng college department. Lumapit naman sa akin si Arius na nanatiling seryoso sa kaso."Okay ka na? You should've used to it. Posibleng hindi lang ito ang unang beses na maka-engkwentro ng kaso ng pagpatay. Hindi makukuntento ang Danag hangga't nabubuhay sila at hangga't may mabibiktima sila," ang sabi ni Arius.Napahilamos na lang ako dahil mukhang mauudlot pa yata ang mapayapang taong inaasam ko. Hindi naman na ako makakaurong
Naiiyak na lumapit sa akin si Quillia. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang takot. Sino bang mag-aakala na ang paglabas mo sa gabi ang magiging mitsa pa ng kamatayan mo?"Tulungan mo ako! Hindi ko ginustong mamatay! Dapat talaga nakinig na lang ako kay Calla!" ang sabi ni Quillia."Teka sino ba si Calla?" ang tanong ko.Napatingin naman sa akin si Quillia. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka mapagkamalan akong baliw at isiping bagong takas ako sa mental hospital."Ang mabuti pa ay bumalik tayo sa lumang building. Huwag kang mag-aalala ligtas ka sa amin. Isa kami sa nagsosolve ng kaso tungkol sa pagkamatay mo," ang sabi ko sa kanya.Nakita ko ang ka-aliwalasan sa kanyang mukha at agad siyang lumapit sa akin."Talaga? Tutulungan mo ako?" ang tanong ni Quillia sa akin.Tumungo naman ako. Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko ang lalaking nakabunggo ko kanina."Pasensya ka na. Nagulat ba kita?" ang tanong nito