Share

Chapter 3

Masama ang loob kong sumalampak sa sofa. Paano ba naman kasi, ayaw akong samahan ni Eros bumili ng damit sa pamilihan. Sinasabi niyang, "Malaki ka na, kaya mo ng bumili mag-isa." Sinong hindi maiinis do'n?

Wala ba siyang puso? Hindi ba siya naaawa sa akin? Sabagay, hindi nga iyon naging mabait sa akin maawa pa kaya. Psh! Himala na nga lang at pinayagan akong patirahin sa maganda niyang bahay.

"Hindi kita pinatira rito para tumunganga ka lang diyan, you should wash the dishes, clean the house, cook for me, and do the laundry in exchange." ayan na naman siya. Nag-susungit na naman, tsh. Kailan ba magiging mabait 'to?

"Samahan mo na muna kasi ako sa pamilihan!" nagmamaktol na saad ko ngunit ang gago ay umirap lang. "Please, Eros, please!" 'nagmakaawa-look' ako ngunit wala lang iyon sa kaniya dahil nakuha niya pang umirap.

Agh! Saan ba 'to pinaglihi ng nanay niya at ganito makapag-sungit? Oh baka naman sa akin lang siya nagsusungit at sa iba ay mabait? Kung gano'n ay anong kasalanan ko para maging ganito siya sa akin?

"Stand up and start cleaning the house, feeling ko madumi na dahil sa presensiya mo." inirapan niya muna ako bago umakyat ng hagdan. "You only have 1 hour and 20 minutes to finish cleaning this house of mine, and if you haven't finish it yet, you'll accept a heavy punishment from me so good luck." matapos no'n ay nagtuloy-tuloy na siya sa pag-akyat.

"What a jerk," I whispered.

Pawis na pawis ako habang nagpupunas sa coffee table ng masungit na 'yun. I'm cleaning here for almost an hour and I still has a lot of works to do. Isa na doon na kailangan ko pang maglaba. Gague! I'm so tired but I shouldn't stop!

Matapos ay tumayo ako at inunat ang kasu-kasuan. Kailan ba ako matatapos dito? Gusto ko na lang sumalmapak sa sofa at matulog buong mag-hapon pero hindi ko dapat iyon gawin dahil baka pa-galitan ako ng masungit na 'yon.

Pero kung papipiliin ako, dito sa puder ni Eros na pinapahirapan ako sa mga gawaing bahay o sa puder ni Brian na prinsesa nga ako ngunit torture naman na kasama ko siya at katabi sa iisang kama. Yuck! Mas mabuti nang maghirap ako rito sa kamay ni Eros kesa makasama ang gagong 'yon 'no!

Napailing na lamang ako sa naisip at umupo sa malambot na sofa. Putspa, kapagod. Nananakit din ang likod ko dahil siguro sa kakayuko ko kanina. Hayst.

"Pagod ka na samantalang kalahati pa lang ang nagagawa mo?" nang marinig ang boses na iyon ay agad akong tumayo at kinuha ang basahan na nakapatong sa coffee table.

"Hala! Eros, sorry. Alam ko namang wala na akong oras pero i-extend mo naman oh, please. Kahit isang oras pa, promise, gagawin ko 'yong mga hindi ko nagawa!" tinaas ko pa ang isang kamay ko para mangako.

Seryoso lang siya tumitig sa akin kaya napalunok ako. Ito na ba 'yon? Magagalit na ba siya sa akin? Mygad, hindi pa ako ready mapalayas!

Ngunit napakunot na lamang ang aking noo nang palubuhin nito ang dalawang pisnge na para bang may pinipigilang lumabas sa kaniyang bibig na hindi ko matukoy. Nagsimula na ring mamula ang buo niyang mukha. Bago ko pa man iyon matukoy ay tumalikod na siya.

"Cute.." iyon lang ang narinig ko at tuluyan na siyang naka-akyat sa taas. Huh? Naguguluhan ako.

Nakakunot na tuloy ang aking noo habang ginagawa ang mga kailangan kong gawin. Hanggang sa matapos ay gano'n pa rin ako. Mas lumala pa ang pagkunot ng aking noo nang matingnan ko sa salamin ang mukha kong parang galing nakipag-rambulan dahil sa gulo ng buhok at pawis na pawis na mukha. Ngunit kahit gano'n ay masasabi kong ang hot ko. Ehe!

Umakyat ako sa taas at pumunta sa itim na pinto kung saan ang kwarto ni Eros. Kinatok ko iyon ng ilang beses ngunit walang sumagot.

"Eros?" pero wala pa ring sumagot.

Napakibit balikat na lang ako bago bumaba. Inayos ko muna ang sarili ko bago napagpasiyahang lumabas ng bahay para bumili ng damit sa pamilihan. Kung ayaw akong samahan ni Eros, edi 'wag! Kaya ko namang bumiling mag-isa.

Mabuti na nga lang at binigyan niya ako kanina ng pera pambili kaya wala ng kaso iyon sa akin. Nang makarating ay namili lang ako ng mga komportableng damit, underwear, shorts at iba pang achuchu bago ko bayaran at umuwi.

Hawak ko sa isang kamay ang plastic bag na pinaglalagyan ng gamit habang ang isa ko namang kamay ay nakatago sa bulsa ng shorts ko. Ginabi na ako nang makalabas sa devesoria dahil hapon akong pumunta dito. At buti na lang, kalmado lang ako ngayon. Ni wala akong takot na nararamdaman habang binabaybay ang daan kahit gabi. Tanging ang street lights at buwan lang ang silbing ilaw ng daang binabaybay ko.

Kahit siguro may kapahamakan akong makasalubong ay wala lang sa akin. Ang inaalala ko lang ay si Eros. Baka magalit 'yon sa akin dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya.

Pero naisip ko, may pake ba 'yon sa 'kin? Parang wala naman kaya bakit ako nababahala? Psh.

Mabuti na lang at maayos akong nakauwi. Syempre, tatawagin ko na 'tong tahanan ko dahil dito naman na ako umuuwi, kahit na maid lang ako para kay Eros. But it's fine! Mas maganda iyon kesa namang nakikitira na nga ako e hindi pa ako tumutulong. Kapal ko naman pala kung gano'n.

Pag-pasok ko pa lang sa pinto ng bahay ay ang galit ngunit may bahid ng pag-aalalang mukha ni Eros ang bumungad. Naka-cross arm ito habang nakatingin sa akin ang mga mata niyang seryoso.

"Where were you?" malamig ang kaniyang boses na ikinanginig ko. Gague! Galit ba siya?

"N-Namili ako ng damit ko sa devesoria. B-Bakit? May ipapagawa ka ba?"

Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang ay inisang hakbang nito ang pagitan namin para yakapin ako. Hindi mahigpit pero hindi rin maluwag. Para bang sakto lang.

"E-Eros!" gulat na bigkas ko sa pangalan niya pero sinubsob niya lamang ang mukha sa balikat ko.

"I'm worried,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status