Hindi pa man nagtatagal na nakakalabas si Bea nang marinig niyang muling nagsalita ang kanyang mommy."Bakit hindi na lang kayo sumama sa amin?" singit ng mommy niya sa pag-uusap ng kanyang tita at tito.Tila saglit na huminto ang kanyang paligid sa narinig at agad na nakaramdam ng pagkasabik sa isiping makakasama niya si Bea sa iisang bahay at madalas nang makikita.Kaya pigil ang hininga na hinintay niya ang magiging sagot ng mga ito."Nina, 'di ba nasabi ko na? Na hindi kami maaaring sumama. Bukod sa wala kaming ibang alam na pagkakabuhayan maliban sa pagtatanim ay nag-aaral pa ang mga bata," sagot ng tita niya habang nakatayo sa tabi ng asawa nito na walang imik na nakatingin sa kanila."Pero ang hirap ng lagay ninyo rito. Kahit hanggang makabawi lang kayo, pwede naman ulit kayong bumalik."Matapos iyong sabihin ng kanyang mommy ay nakarinig siya ng isang mahinang singhap na nagmula sa pintuan kaya mabilis iyang napalinhon doon. Maging ang kanyang mommy at ang mga magulang ay napat
Napapikit na lang siya habang hinihintay ang pagbagsak niya sa maputik na lupa pero ang sakit na inaasahan niya ay hindi nangyari dahil naramdaman niya na lang na tumama siya sa kung saan kasabay ng pagpulupot ng kung ano sa baywang niya.Dahan-dahan siyang dumilat para alamin kung ano iyon. At nang makita ang mukha ni JC na ilang pulgada lang ang layo mula sa mukha niya ay wala sa sariling napatitig siya sa mga ito. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata pero ng marinig niya ang tinig ng iba pang kapatid na bumababa sa hagdan ay doon lang siya natauhan at mabilis na napatuwid ng tayo.At ang mga kamay niyang nahawak sa matipuno nitong dibdib ay mabilis niya binawi."Sorry, hindi ko sinasadya," nahihiyang sabi niya habang hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin."Ayos lang. Tara, kumain na tayo," yaya nito at tila walang nangyaring hinawakan siya sa kanang braso bago marahang hinila patungo sa direksyon ng mesa at dahil nauna ng maupo si Cri
Limang araw na ang nakakalipas mula nang huling pumunta ang kanyang tiya sa kanilang bahay ay halos ilang araw na rin siyang walang maayos na tulog dahil araw-araw niyang naaalala ang naging usapang ng mga ito tungkol sa pagsama ng kanilang pamilya sa kanyang tiya.Dumagdag pa sa isipin niya ang nakalipas niyang kaarawan na tila hindi na naalala ng kanyang mga magulang at maging ng mga kapatid niya. Dala ng maraming peoblema na dulot ng bagyo ay halos hindi na napipirmi sa bahay ang mga magulang niya.Madalas na umaalis ang mga ito para humanap ng mapagkukunan ng pera o pagkain dahil hindi na sapat ang natira mula sa dalang pagkain ng kanyang tiya. Maging ang malinis na tubig na iinumin ay paubos na rin at wala pa silang makuhaan ng libre.Kahit nagdadamdam dahil sa pagkalimot ng mga ito sa pinakamahalagang araw para sa kanya ay hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito dahil naiintindihan niya ang sitwasyon nila. Isa pa maging ang pasko na sumapit at lumipas ay tila naging isang ordina
"P're bakit ang gloomy mo ngayon? May problema ka ba?" usisa ng kaibigan niyang si Steven isang tanghali habang nasa school cafeteria sila at kumakain ng tanghalian dahil katatapos lang ng kanilang practice sa drama club. Pero hindi iyon rumehistro sa kanyang pandinig dahil sa naglalakbay niyang isip.Halos isang linggo na ang nakalipas noong huli nilang pagbisita sa kanyang pinsan. At hindi niya maiwasang isipin kung ano ang magiging desisyon ng magulang nito tungkol sa sinabi ng kanyang mommy na sumama ang mga ito sa kanila.At sa loob ng mga araw na lumipas ay halos hindi siya makatulog ng maayos dahil sa pag-iisip at kung minsan ay hindi niya napapansing natutulala na siya. At namamalayan lang niya iyon kapag may tumatawag na sa pangalan niya. Gusto man niyang usisain ang kanyang mommy ay pinipigilan niya ang sarili dahil baka magtaka na ang kanyang mommy na halos araw-araw siya kung magtanong.Kung pwede lang sana ay nagpaiwan na siya sa bahay ng kanyang tita kaya lang hindi maaa
Nang marinig niya ang tanong ng mommy niya ay mabilos siyang umayos ng upo at muling naging seryoso."Wala naman po. Naisip ko lang kasi na baka kulang iyong dinala nating pagkain sa kanila. Isa pa sigurado akong wala silang naihanda noong pasko tapos sasapit pa ang bagong taon.""Hmm, balak ko sa sabado sana at mamili na lang tayo ulit bago tayo pumunta para kahit papaano ay may maihanda sila kahit huli na. Bakit? Sasama ka ba ulit?""Yes, mom. Sa tingin mo papayag kaya sila tita na sumama sa atin pabalik?""Hindi ko alam, Carl. Sana lang makapag-desisyon na sila kung ano ang mas mabuting gawin..."Matapos iyong sabihin ng mommy niya ay hindi na siya muling nagtanong kaya binalot nang katahimikan ang loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila ng bahay.Nang bumababa siya at pumasok ng bahay ay nakasunod sa kanya ang kaibigan na sapo pa rin ang tagiliran at pumasok rin hanggang sa loob ng kanyang kwarto at para bang pag-aari nito iyon na basta na lang humilata sa ibabaw ng kama niya
Bago pa man tumunog ang alarm ng cellphone ni John Carl na isinet niya sa alas-sais ay dilat na dilat na siya. Pero sa halip na bumangon ay nanatili muna siyang nakahiga at nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto.Kahit halos ilang araw na siyang hindi nakakatulog at nitong nakaraang gabi naman ay ni hindi siya nakatulog dahil sa nararamdamang pagkasabik sa muling pagkikita nila ng pinsang si Bea ay nauna pa siyang nagising sa alarm niya.Hindi niya mapigilang mahiling na sana ay sumama ang mga ito sa kanila hindi lang para sa sarili niyang kagustuhan na makasama ang babae kundi pati na rin para maging maayos ang kalagayan ng mga ito kahit papaano. Dahil nakakaawa ang kalagayan ng mga ito matapos na salantain ng bagyo ang lugar na tinitirhan ng mga ito na naging dahilan para masira ang kubo at ang tanim na inaasahan ng tito niya.Natigil lang ang pag-iisip niya nang marinig na tumunog na ang kanyang alarm at doon na rin niya napagpasyahang bumangon habang kinakapa ang cellphone sa ilali
Hindi pa man sumisikat ang araw ay dilat na ang mga mata ni Bea dahil halos hindi na siya nakatulog nang nakaraang gabi. At sa hindi malamang dahilan ay hindi niya maipaliwanag ang kabang nasa kanyang dibdib ng magising siya.Hindi niya maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay kakaiba ang sabadong iyon. Na para bang may kung ano'ng mangyayari kaya hindi niya namalayang natulala na siya sa kawalan sa pag-iisip ng maaaring maging dahilan. Hanggang sa maalala niya ang tungkol sa sinabi ng kanyang tiyahin na babalik ang mga ito. At tila ba sigurado na siya na anumang oras ay susulpot na ang mga ito kaya kahit tulog pa ang mga kasama sa bahay ay nagdesisyon na siyang bumangon para mag-asikaso sa kusina. Kahit pa wala naman siyang ibang gagawin kundi ang magsaing at magpakulo ng mainit na tubig para sa ititimplang kape kapag nagising na ang mga magulang at mga kapatid niya.Dahan-dahan siyang tumayo at lumabas ng kulambo at maingat na naglakad para hindi magising ang mga kapatid na madada
Matapos niyang magsaing at magluto ng ulam ay naghanda na siya ng pinggan na gagamitin at inilapag sa mesa bago naglakad patungo sa pinto para sana lumabas at tawagin ang tiya niya para mauna nang kumain ang mga ito ng tanghalian. Habang lalabas naman siya para hanapin at tawagin ang mga kapatid kung saang lupalop man ang mga ito nagpunta upang pauwiin. Pero naudlot ang tangka niyang paglabas nang matanaw ang mga magulang na kausap ang kanyang tiya sa kanilang bakuran. Dali-dali siyang lumabas at lumapit sa mga ito para magmano pagkatapos ay sinabi niyang may makahain ng pagkain sa mesa at kumain na ang mga ito dahil hahanapin niya pa ang mga kapatid niya. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng mga ito at nagsimula nang maglakad palabas ng bakuran. Nang makailang hakbang na siya ay nagsimula na siyang isigaw ang pangalan ng mga kapatid hanggang sa matanaw niya si Cristina na patakbong lumalapit sa kanya. "Nasaan ang iba?" Salubong niya rito nang makalapit. Pero isang, "ewan ko, ang