Kinabukasan matapos patayin ni Bea ang tumutunog na alarm clock na nakapataong sa drawer na katabi ng kanyang kama ay muli siyang bumalik sa paghiga ilang sandaling tumitig sa kisame para isipin ang lahat ng nangyari nang nakalipas na araw.Iniisip niya kung totoo ba ang lahat nang nangyari hanggang sa maalala niya ang tungkol sa kanyang bagong cellphone. Kaya bigla siyang napaupo at hinagilap ang cellphone sa ibabaw ng kanyang kama. Halos ihagis na niya ang kumot at unan para lang mahanap ang bagay na inakala niyang isa lamag panaginip hanggang sa makita niyang nadaganan iyon ng unan.Dali-dali niya iyong dinampot at inusisa sa takot na baka nadaganan niya iyon. At nakahinga lang siya nang maluwag ng masigurong wala iyong naging pinsala.Nakatitig pa rin siya sa cellphone nang bigla iyong umilaw at tumunog tanda mayroong nag-texr. At dahil wala pa naman siyang ibang itini-text ay nagtatakang tiningnan niya ang lumabas na pangalan.'John Carl,' bulong niya sa sarili nang mabasa ang na
JOHN CARLIlang araw nang napapansin ni John Carl ang unti-unting pagbabago kay Bea simula noong araw na ibinigay niya ang cellphone rito. Lalo na ang pagbabago sa ayos at pananamit nito, marunong na itong mag-ayos ng sarili at pumili ng nababagay na mga suot base sa okasyon o panahon kahit na wala pang isang lingo ang nakakalipas.Kaya hindi maitatangging litaw na litaw na ang kagandahang taglay nito at kahit pa morena ay pantay ang kulay ng kutis nito na tila kumikintab sa tuwing tinatamaan ng liwanag at kahit hindi niya hawakan ay alam niyang makinis iyon.At dahil sa nakikitang unti-unting pagbabago sa pinsan ay mas lalong tumindi ang nadarama niyang atraksyon para dito at isipin pa lang niya na makikita na ng iba ang gandang taglay nito sa oras na magsimula na ang pasukan ay umiinit na agad ang ulo niya.Nakikita niyang masaya ang mommy at kapatid niya sa nangyayaring pagbabago sa pinsan at inaamin niyang nagugustuhan rin niya iyon ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng ini
Abala sa pag-ihip ng kalang de-kahoy si Bea kahit maluha-luha na siya dahil sa usok na nagmumula roon mapaapoy lamang iyon. Dahil alam niyang hindi magtatagal ang darating na ang kanyang nanay mula sa paglalako ng mga pagkaing pang-almusal.Sakto namang dumingas na ang gatong nang makarinig siya na tila may tumatawag sa kanya mula sa labas ng kanilang kubo. Kaya dali-dali siyang dumiretso ng tayo at dinalawang hakbang ang direksyon patungo sa pinto mula sa kinatatayuan niya.At doon ay natanaw niya ang kanyang nanay na hindi magkandaugaga dahil sa mga dala nitong malaking bayong sa kanang kamay at mga saging na saba sa kaliw habang nakasiksik ang bilao sa kanang kili-kili. Mabilis niya itong nilapitan at agad na kinuha ang bilao at ang mga saging na ang tanging hawakan ay ang tali."Mano po, 'Nay." Salubong niya rito matapos kunin ang dalang mga saging at ang bilao. Tumigil naman ito sa paglalakad at inilapag ang dalang bayong bago iniabot sa kanya ang kanang kamay para makapagmano si
Dahil natuon na ang panahon at atensiyon ni Bea sa pag-aasikaso sa mga gawaing-bahay at sa mga kapatid ay hindi na niya namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw. At kasabay niyon ay paglamlam ng nadaramang inggit sa mga kapatid noon.Kaya parang hindi pa siya makapaniwalang magpapasukan na naman dahil parang ilang tulog lang ang ginawa niya ay nagkakagulo na naman ang mga kapatid niya isang madaling-araw sa pagsusuot ng kanilang mga uniporme.At dahil mayroon nang isang nasa first year highschool at dalawang elementary na ga-graduate sa magkasunod na taon ay napilitan nang huminto sa paglalako ng pagkain ang kanilang nanay dahil hindi na sumasapat ang kinikita nito sa pagtitinda upang humanap ng ibang pagkakakitaan.Hanggang sa mapagpasyahan na lang nito na maglabada sa ilang mga nakilala noong naglalako pa ito. At isinasama siya nito para may makatulong at mabilis na makatapos at makarami. At kung walang labada ay suma-side line ng pagluluto sa ilang may maliliit na handaan na
Dahil nakahanap na siya ng bagong dahilan para palakasin at muling buhayin ang nanamlay niyang paligid nang nahinto ng pag-aaral ay naging mabilis para kay Bea ang paglipas ng mga araw.Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng pagkainip sa tuwing naiiwan siya sa bahay nila kapag wala silang labada o handahang pupuntahan ng kanyang nanay. At hindi na niya nararamdaman ang lungkot kapag natatapos siya sa mga gawaing-bahay dahil nauubos na ang oras niya sa pagpapantasya na isa na siyang sikat na artista at pinagkakaguluhan ng mga tao naa maging sa gabi ay nakakatulugan na niya. Ngunit ang inakala niyang magaang pakiramdam na dala ng kanyang pangarap ay nalambungan dahil sa isang malaking pagsubok na biglang dumating sa kanilang buhay. Isang malakas na kulog ang gumulantang sa kanilang lahat habang nahihimbing sa pagtulog isang madaling araw kasunod ang malakas at tuloy-tuloy na pagbuhos ng napakalakas na ulan. Kaya kahit inaantok ay napilitan na silang bumangon lalo pa at tila tinatangay n
Dahil sa hindi inaasahang pagsalanta ng malakas na bagyo ay napilitang manatili sa evacuation center ang maraming pamilya at kabilang na ang pamilya nila Bea.Hindi mapigilang lihim na maghinanakit si Bea hindi lang sa panahon kundi pati na sa Itaas dahil ilang araw na lang ay sasapit na ang kanyang sixteenth birthday. Pero sa halip na masaya siyang namamasyal ay naroon siya at nakikipagsiksikan ng higaan sa ibang tao.Tanging karton lang ang naisapin sa hinihigaan ng ilang naroon habang sila ay may naisalbang isang kumot na naisilid pala ng nanay niya sa bayong. At iyon ang kanilang ginawang sapin sa malamig at mamasa-masang semento ng covered court.Gusto man niyang makiusyoso sa mga nagkakagulong mga tao kung saan naroon ang nanay at tatay nila ay hindi niya magawa dahil bukod sa kailangan niyang bantayan ang pwesto nila ay binabantayan din niya ang kambal at si Robert dahil inaapoy ng lagnat. Habang sumama naman sa mga magulang nila ay si Cristina at Manuel para kung may pinamimig
Hindi pa man nagtatagal na nakakaalis ang tiya at pinsan niya ay tila ba napakabagal ng paglipas ng oras dahil pakiramdam niya ay hindi nagbabago ang paligid kahit na alam niyang dumidilim na.At para malibang sa pagliligpit at pagsisilid ng mga damit sa dalang mga bayong para sa paghahandang umuwi kinabukasan mula sa evacuation center ay nagsimulang maglamyerda ang kanyang isip.Kahit na may panaka-naka pa ring pag-ulan ay nagpasya na ang kanyang mga magulang na umuwi dahil mas mabuti na raw na nasa sariling bahay kahit na hirap sila dulot ng bagyo ay makakakilos ang mga ito para gumawa ng paraan.Ilang sandali pa ay isang eksena kasama ang pinsang si JC - ang palayaw na ibinigay niya para sa lalaki na tanging siya lang ang nakakaalam - ang unti-unting nabubuo sa kanyang isip.Sa kanyang imahinasyon ay nasa loob sila ng eskwelahan at estranghero sa isa't isa. At ang una nilang pagtatagpo ay para bang itinadhana ng kapalaran dahil sa lawak ng eskwelahan ay bigla silang nagkabungguan n
Nang makuwi sila ng sumunod na araw ay halos manlumo sila nang tumambad sa kanila ang kubong tuluyan ng natanggal ang bubong kaya lahat ng gamit nila ay basang-basa.Kitang-kita ni Bea ang tila naiiyak na anyo ng kanyang nanay habang ang tatay naman niya ay napatiim-bagang.Walang imik na tuluyan na silang pumasok matapos pagmasdan ang naging lagay ng kanilang bahay. Pagpasok ay ipinatong nila ang mga bayong sa ibabaw ng mesa bago sinimulang ayusin at linisin ang buong bahay.Habang ang tatay nila ay nagpaalam na pupunta sa may-ari ng lupang sinasaka para magbakasakaling makahiram ng pera na tinanguan lang ng kanilang nanay."Magluto ka na muna, Bea. Tingnan mo kung may pwede pang gawing panggatong d'yan," utos ng nanay niya kaya natigilan siya sa pagsampa sa hagdan para sana tumulong na linisin ang kanilang tulugan."Opo." Tanging nasabi na lang niya bago nagtuloy sa kalanan tingna kung ano'ng naging lagay ng kanilang mga gatong pero pagkadismaya ang naramdaman niya nang makitang bas