Dahil sa hindi inaasahang pagsalanta ng malakas na bagyo ay napilitang manatili sa evacuation center ang maraming pamilya at kabilang na ang pamilya nila Bea.
Hindi mapigilang lihim na maghinanakit si Bea hindi lang sa panahon kundi pati na sa Itaas dahil ilang araw na lang ay sasapit na ang kanyang sixteenth birthday. Pero sa halip na masaya siyang namamasyal ay naroon siya at nakikipagsiksikan ng higaan sa ibang tao.
Tanging karton lang ang naisapin sa hinihigaan ng ilang naroon habang sila ay may naisalbang isang kumot na naisilid pala ng nanay niya sa bayong. At iyon ang kanilang ginawang sapin sa malamig at mamasa-masang semento ng covered court.
Gusto man niyang makiusyoso sa mga nagkakagulong mga tao kung saan naroon ang nanay at tatay nila ay hindi niya magawa dahil bukod sa kailangan niyang bantayan ang pwesto nila ay binabantayan din niya ang kambal at si Robert dahil inaapoy ng lagnat. Habang sumama naman sa mga magulang nila ay si Cristina at Manuel para kung may pinamimigay na pagkain ay may katulong ang mga ito sa pagdadala.
Halos maghapon nang walang patid ang pagbuhos ng ulan at kahit umaga pa lang ay parang magdidilim na dahil sa makapal na mga ulap.
Dahil sa nararamdamang takot hindi lang para sa sarili kundi maging sa pamilya at sa mga taong kasama niya evacuation center ay wala sa sariling pasimple siyang napa-sign of the cross at nagdasal na sana ay huminto at umalis na ang bagyo dahil ang hirap ng lagay nila.
Nahihirapan din siyang sa sitwasyon dahil iyon ang unang pagkakataon na kinailangan nilang lumikas dahil sa malakas na bagyo. Matapos niyang magdasal ay tumabi siya ng higa sa isa sa mga kambal at dala ng pagod ng katawan at kalooban ay hindi na niya namalayang nakatulog na siya.
***Nang muli siyang magising ay katabi na rin niya sa higaan ang mga magulang at iba pang kapatid. At nang tanawin niya ang paligid ay doon lang niya napansing pagabi na pero manaka-naka pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na sinasabayan ng malakas na hangin at madalas na pagkulog na may kasamay matatalim na kidlat.
Dahil sa takot na baka matamaan siya ng isa sa mga iyon ay muli siyang nahiga. Pero dahil kagigising lang ay hindi na siya dalawin ng antok kaya nanatili siyang dilat at nakatitig sa bubong ng covered court.
At muli ay nilunod niya ang sarili sa pangangarap ng mga bagay na gusto niyang gawin kapag isa na siyang sikat na artista at marami nang pera.
Unang-una niyang gagawin ay bibili ng malaking bahay para doon na sila titira ng mga magulang mga kapatid niya. Bibili siya ng malaking t.v. , magagandang mga damit at kasangkapan. At bibili rin siya ng kotse.
Pagkatapos ay magtatayo siya maraming negosyo katulad nang napanood niya. Bibili rin siya ng tig-i-sang cellphone.
Napakarami niyang plano na nakahanda na sa oras na matupad niya ang kanyang pangarap pero ang pinakauna at pinakamahalagang hakbang para matupad ang lahat ng iyon ay ang makaalis sa lugar na iyon. Ang makapunta ng Maynila, dahil sa lugar na iyon niya sisimulang abutin ang kanyang pangarap.
***Tatlong araw na silang nasa evacuation at halos lahat sila na naroon ay nahihirapan na dahil hirap silang makahanap ng maiinom na malinis na tubig. Nagkakaubusan na rin ng mga rasyong lutong pagkain. Kahit gustuhin ng karamihan na magluto na lang ay hindi rin magawa dahil walang mahahanap ng gatong lalo pa at pabugso-bugso pa rin ang ulan. Nahiling niyang sana ay makauwi na sila lalo na a birthday na niya sa susunod na araw at pagkatapos ay magpapasko pa. Ayaw niyang doon pa sila magpasko sa evacuation center at mas lalong ayaw niyang doon pa siya abutan ng birthday niya.Abala siya sa paghuhubad ng damit ng kambal nang makita niyang nagmamadaling lumapit ang kanyang nanay kasunod ang tatlo niyang kapatid.Mabuti na lang at gumaling ng halos sabay-sabay ang mga kapatid niyang nagkasakit at ordinaryong trangkaso lang ang tumama na dulot ng pagkababad sa ulan.
"Bea, bilisan mo riyan at dumating ang ang mga Tya Nina mo," sabi nito nang makalapit at doon lang niya napansin na mayroon itong kasamang babaeng kahawig nito.
"Hayaan mo na at hindi naman ako ibang tao," sabi ng tiya niya na hinawakan pa sa kaliwang braso ang kanyang nanay. "Nabalitaan ko ang nangyari mula sa balita kaya halos gusto ko na kayong puntahan dito sa kasagsagan ng bagyo. Napigilan lang ako ng asawa ko. Pero nang tatlong araw na ang lumipas at itong lugar nyo pa rin ang laman ng balita ay pinilit ko ng makapunta. At doon kami nakisakay sa mga nagdadala ng relief goods."
Narinig niya sabi ng tiyahin niya dahil mula na niyang itinuon ang atensyon sa pag-aasikaso sa kambal. Kasalukuyan siyang nangangamot ng tila pugad ng ibon niyang nakapusod na buhok nang tila may sariling isip ang mga mata niyang dumako sa may bandang likuran ng kanyang nanaw. At halos masamid siya sa sariling laway ng masalubong ang tingin ng isang maputing batang lalaki.
Nang mapagtantong nakatingin din ito sa kanya ay nag-iinit ang buong mukhang mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagkunwaring abala sa pagliligpit ng mga hinubad ng kambal.
Hindi niya magawang mag-angat ng tingin dahil pakiramdam niya ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Hanggang sa muli niyang marinig ang boses ng tiyahin niya.
"Siya nga pala, kasama ko ang panganay ko para may katulong ako sa pagdadala ng ilang makakain," sabi nito kaya napaangat siya ng tingin sa direksyon ng babae. At nakita niyang hawak nito ang balikat ng batang lalaking nakita niya na naging dahilan para lalong mag-init ang buong mukha niya, na kung maputi lang siya ay siguradong mapapansin ng kahit na sinong makakakita. "Ito nga pala si John Carl, graduating na ng highschool ngayong taon."
"O, mas matanda ka pala ng isang taon dito kay Bea? Akala ko magkaedad lang kayo. E, itong panganay ko mabi-birthday pa lang sa susunod na araw. Ang sama nga dahil nataong nagkaroon ng bagyo," sabi ng nanay niya rito.
"E, di pa'no 'yan? Siguradong nasira na ng bagyo ang bahay ninyo. Ganito na lang, bakit hindi na lang kayo sumama sa 'min pabalik ng Maynila? Malaki naman ang bahay namin pwede kayong tumuloy doon pansamantala habang naghahanap kayo ng malilipatan."
Halos magpanting ang tainga ni Bea ng marinig ang salitang 'Maynila' kaya naman excited siyang naghintay isasagot ng kanyang nanay. Pero ang pagkasabik na naramdaman ay agad ding naglaho ng marinig ang naging desisyon nito.
"Alam mo namang mahihirapan kami lalo kapag lumuwas pa kami lalo na at pagsasaka at paglalabandera lang ang alam naming gawin. Isa pa nag-aaral din ang mga bata kaya hindi rin kami pwedeng basta na lang umalis dito," sagot ng nanay niya.
"'Wag mong madaliin ang pagdedesisyon, pag-usapan ninyo ng asawa mo. Babalik na lang kami sa susunod na araw, kailangan rin kasi naming makauei dahil ang bunso ko lang ang naiwan sa bahay."
"Sige, sasabihin ko sa asawa ko." Tanging naisagot ng nanay niya bago ibaling sa ibang bagay ang usapan.
Nang marinig na babalik pa ang mga ito ay kinalma niya ang sarili. Ang sa kanyang isip ay nabuo na ang isang plano na siyang magiging simula ng pagtupad sa kanyang pangarap na mag-artista.
Hindi pa man nagtatagal na nakakaalis ang tiya at pinsan niya ay tila ba napakabagal ng paglipas ng oras dahil pakiramdam niya ay hindi nagbabago ang paligid kahit na alam niyang dumidilim na.At para malibang sa pagliligpit at pagsisilid ng mga damit sa dalang mga bayong para sa paghahandang umuwi kinabukasan mula sa evacuation center ay nagsimulang maglamyerda ang kanyang isip.Kahit na may panaka-naka pa ring pag-ulan ay nagpasya na ang kanyang mga magulang na umuwi dahil mas mabuti na raw na nasa sariling bahay kahit na hirap sila dulot ng bagyo ay makakakilos ang mga ito para gumawa ng paraan.Ilang sandali pa ay isang eksena kasama ang pinsang si JC - ang palayaw na ibinigay niya para sa lalaki na tanging siya lang ang nakakaalam - ang unti-unting nabubuo sa kanyang isip.Sa kanyang imahinasyon ay nasa loob sila ng eskwelahan at estranghero sa isa't isa. At ang una nilang pagtatagpo ay para bang itinadhana ng kapalaran dahil sa lawak ng eskwelahan ay bigla silang nagkabungguan n
Nang makuwi sila ng sumunod na araw ay halos manlumo sila nang tumambad sa kanila ang kubong tuluyan ng natanggal ang bubong kaya lahat ng gamit nila ay basang-basa.Kitang-kita ni Bea ang tila naiiyak na anyo ng kanyang nanay habang ang tatay naman niya ay napatiim-bagang.Walang imik na tuluyan na silang pumasok matapos pagmasdan ang naging lagay ng kanilang bahay. Pagpasok ay ipinatong nila ang mga bayong sa ibabaw ng mesa bago sinimulang ayusin at linisin ang buong bahay.Habang ang tatay nila ay nagpaalam na pupunta sa may-ari ng lupang sinasaka para magbakasakaling makahiram ng pera na tinanguan lang ng kanilang nanay."Magluto ka na muna, Bea. Tingnan mo kung may pwede pang gawing panggatong d'yan," utos ng nanay niya kaya natigilan siya sa pagsampa sa hagdan para sana tumulong na linisin ang kanilang tulugan."Opo." Tanging nasabi na lang niya bago nagtuloy sa kalanan tingna kung ano'ng naging lagay ng kanilang mga gatong pero pagkadismaya ang naramdaman niya nang makitang bas
Excited si John Carl sa pag-aayos ng kanilang mga pinamili sa loob ng kotse dahil muli silang pupunta ng kanyang mommy sa kapatid nito para maghatid ng mga grocery.At kahit pilit niyang ikala alam niya sa kanyang sarili kung bakit walang tigil sa malakas na pagkabog ang kanyang dibdib. Ang muling makita ang kanyang pinsan na si Bea."Anak, nailagay mo na ba diyan 'yong kalan pati 'yong mga tubig?" tanong ng mommy niya mula sa pinuan ng kanilang bahay."Opo! Nailagay ko na lahat!" pasigaw na sagot niya habang nasa isinasara ang trunk ng kotse."Okay! Magbibihis na 'ko! Magbihis ka na rin para makaalis na agad tayo!""Opo!"Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa pinto at halos patakbong umakyat ng hagdan para magtungo sa kanyang kwarto.Pagpasok ay nagtuloy siya sa banyo para maligo at habang naroon ay hindi na naman niya napigilan ang sariling isipin ang babae habang nakapikit at nakatayo sa tapat ng shower.Muling pumasok sa kanyang alaala ang mapula at makipot nitong mga labi na
***Biglang naalimpungatan si John Carl ng tumalbog ang katawan niya sa kinauupuan."O, nagising ba kita, 'nak?" tanong ng mommy niya ng makitang umayos siya ng upo."Hindi naman po. Nasaan na po tayo?" usisa niya habang iginagala ang paningin na may kasabay pang paghikab pero wala siyang ibang makita kundi mga puno at lupa."Malapit na tayo sa lugar nila ate. Medyo mahirap lang dumaan dahil sa nagkalat na bato at mga putik kaya maalog ang sasakyan.""Hmm..." Tanging nasabi na lang niya at hindi na umimik.Mayamaya pa ay huminto na sila sa gilid ng maputik at mabatong daan kasunod niyon ay ang paghugot ng kanyang mommy sa susi ng kotse."Nasaan na tayo, mom?" muling tanong niya na napapahikab pa nang makitang binuksan na ng mommy niya ang pinto ng kotse."Nandito na tayo. 'Yong daan sa may bandang unahan natin ay daan papasok patungo sa looban kung nasaan ang bahay ng tita mo," sagot nito na tuluyan ng bumaba kaya sumunod na rin siya."Paano mo nalaman kung saan ang bahay nila, mom?"
Hindi pa man nagtatagal na nakakalabas si Bea nang marinig niyang muling nagsalita ang kanyang mommy."Bakit hindi na lang kayo sumama sa amin?" singit ng mommy niya sa pag-uusap ng kanyang tita at tito.Tila saglit na huminto ang kanyang paligid sa narinig at agad na nakaramdam ng pagkasabik sa isiping makakasama niya si Bea sa iisang bahay at madalas nang makikita.Kaya pigil ang hininga na hinintay niya ang magiging sagot ng mga ito."Nina, 'di ba nasabi ko na? Na hindi kami maaaring sumama. Bukod sa wala kaming ibang alam na pagkakabuhayan maliban sa pagtatanim ay nag-aaral pa ang mga bata," sagot ng tita niya habang nakatayo sa tabi ng asawa nito na walang imik na nakatingin sa kanila."Pero ang hirap ng lagay ninyo rito. Kahit hanggang makabawi lang kayo, pwede naman ulit kayong bumalik."Matapos iyong sabihin ng kanyang mommy ay nakarinig siya ng isang mahinang singhap na nagmula sa pintuan kaya mabilis iyang napalinhon doon. Maging ang kanyang mommy at ang mga magulang ay napat
Napapikit na lang siya habang hinihintay ang pagbagsak niya sa maputik na lupa pero ang sakit na inaasahan niya ay hindi nangyari dahil naramdaman niya na lang na tumama siya sa kung saan kasabay ng pagpulupot ng kung ano sa baywang niya.Dahan-dahan siyang dumilat para alamin kung ano iyon. At nang makita ang mukha ni JC na ilang pulgada lang ang layo mula sa mukha niya ay wala sa sariling napatitig siya sa mga ito. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata pero ng marinig niya ang tinig ng iba pang kapatid na bumababa sa hagdan ay doon lang siya natauhan at mabilis na napatuwid ng tayo.At ang mga kamay niyang nahawak sa matipuno nitong dibdib ay mabilis niya binawi."Sorry, hindi ko sinasadya," nahihiyang sabi niya habang hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin."Ayos lang. Tara, kumain na tayo," yaya nito at tila walang nangyaring hinawakan siya sa kanang braso bago marahang hinila patungo sa direksyon ng mesa at dahil nauna ng maupo si Cri
Limang araw na ang nakakalipas mula nang huling pumunta ang kanyang tiya sa kanilang bahay ay halos ilang araw na rin siyang walang maayos na tulog dahil araw-araw niyang naaalala ang naging usapang ng mga ito tungkol sa pagsama ng kanilang pamilya sa kanyang tiya.Dumagdag pa sa isipin niya ang nakalipas niyang kaarawan na tila hindi na naalala ng kanyang mga magulang at maging ng mga kapatid niya. Dala ng maraming peoblema na dulot ng bagyo ay halos hindi na napipirmi sa bahay ang mga magulang niya.Madalas na umaalis ang mga ito para humanap ng mapagkukunan ng pera o pagkain dahil hindi na sapat ang natira mula sa dalang pagkain ng kanyang tiya. Maging ang malinis na tubig na iinumin ay paubos na rin at wala pa silang makuhaan ng libre.Kahit nagdadamdam dahil sa pagkalimot ng mga ito sa pinakamahalagang araw para sa kanya ay hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito dahil naiintindihan niya ang sitwasyon nila. Isa pa maging ang pasko na sumapit at lumipas ay tila naging isang ordina
"P're bakit ang gloomy mo ngayon? May problema ka ba?" usisa ng kaibigan niyang si Steven isang tanghali habang nasa school cafeteria sila at kumakain ng tanghalian dahil katatapos lang ng kanilang practice sa drama club. Pero hindi iyon rumehistro sa kanyang pandinig dahil sa naglalakbay niyang isip.Halos isang linggo na ang nakalipas noong huli nilang pagbisita sa kanyang pinsan. At hindi niya maiwasang isipin kung ano ang magiging desisyon ng magulang nito tungkol sa sinabi ng kanyang mommy na sumama ang mga ito sa kanila.At sa loob ng mga araw na lumipas ay halos hindi siya makatulog ng maayos dahil sa pag-iisip at kung minsan ay hindi niya napapansing natutulala na siya. At namamalayan lang niya iyon kapag may tumatawag na sa pangalan niya. Gusto man niyang usisain ang kanyang mommy ay pinipigilan niya ang sarili dahil baka magtaka na ang kanyang mommy na halos araw-araw siya kung magtanong.Kung pwede lang sana ay nagpaiwan na siya sa bahay ng kanyang tita kaya lang hindi maaa