Author's Pov:(Flashback)"Hello, who's this?" Nangunot ang noo ni Waylen matapos sagutin ang numero na hindi nakarehistro sa kanyang cellphone. "Sir, this is Eva Marquez, Scarlett's best friend." Pagpapakilala nito sa kabilang linya dahilan ng pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Sandali pa niya itong pinroseso sa isipan bago nagawang makapagsalita. "Are you with her? Can I talk to her?" Parang biglang nabuhayan ang kalooban ni Waylen doon kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Binitawan niya ang hawak na ballpen tsaka sinandal ang sarili sa swivelling chair para ibaling ang buong atensyon sa sasabihin nito.Isang araw pa lang ang nakalilipas simula nang umalis si Scarlett sa building niya at matulog sa bahay ni Ace pero pakiramdam niya'y isang dekada na silang magkalayo ng dalaga sa sobrang bagal ng takbo ng oras. Buong gabi ay hindi niya magawang matulog sa sobrang dami ng kanyang iniisip. Simula sa kung anong maaaring mangyari kung si Scarlett at Ace lamang ang maiiwan
Waylen's Pov:"Why didn't you tell me?" I put my head on my hands and massaged my temples. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at pinatong ang mga siko sa magkabilang tuhod para yumuko sa sahig. Rinig ko pang natawa si Diether nang dahil sa sinabi ko tsaka nagsalin ng wine bago sumimsim doon upang itago ang nakakalokong ngising lumilitaw sa kanyang mga labi. "You didn't ask me, Waylen. You didn't." Minsan ang sarap ring batukan ng kaibigan paminsan-minsan lalo na sa tuwing nakikita ka nilang naiinis pero todo naman ang pagtawa nila. "You know that I can't remember a single thing when I'm drunk, Diether." I seriously said, stressing his name. Pinanliksikan ko siya ng mga mata kasunod ang pagdidilim ng aking paningin. Sa mga panahong ito ay ang leeg na lang niya ang nakikita ko para sakalin. "Bakit mo ba kasi inakalang ikaw iyon? Akala ko ba tinignan mo ng mabuti ang litrato? Hindi mo ba nakitang may tattoo ang lalaking kahalikan ni Abegail?" Natatawa niya pang sinabi halatang
Author's Pov: "Hindi ko nga alam." Mariing pagkakasabi ni Eva sa bawat salitang ibinabagsak tsaka naglakad pabalik sa kanyang cubicle. Agad naman siyang sinundan ni Waylen, halatang hindi naniniwala sa mga sinasabi niya. "Please, Eva. I really need to know where she is." Puno ng pagsusumamang sinabi nito at huminto nang makaharap niya ang desk. Inis na napahugot si Eva ng malalim na hininga tsaka kagat ang pang-ibabang labi itong pinakawalan gamit ang butas ng ilong. "Sir, sana naman maintindihan ninyo. Ilang beses ko nang sinabi na wala akong alam kung nasaan siya." Pagmamatigas niya pa at sinampa ang sarili sa swivelling chair at pinilit na ituon ang buong atensyon sa mga papel na nakapatong sa ibabaw ng kanyang desk. Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga empleyado ni Waylen. Nagbubulungan tungkol sa pinag-uusapan nila at nagtataka kung bakit ito panay ang pagmamakaawa sa kanya. Ang iba naman ay piniling itigil ang trabaho at lumabas sa kanilang mga cubicles para mas lumapit s
Author's Pov:Isang malakas na sampal ang agad na sumalubong sa pisnge ni Waylen nang makaharap niya ang kanyang ama. Mabilis na kumalat ang init sa kanyang pisnge kasabay ng aksidenteng pagtilapon ng kanyang mukha sa bigat ng palad ng kanyang ama dahilan para dumapo ang mata niya sa mata nina Eli at ng kanyang ina. Awtomatiko niyang iniwas ang kanyang paningin matapos makita ang mga luha nitong patuloy na rumaragsa habang nakatingin sa kanya. "Willian!" Naiiyak man ay may bahid ng galit sa tinig ng boses na sigaw ni Elizabeth, ang ina niy matapos masaksihan ang ginawa ng asawa. "Kuya!" Hagulgol ni Eli at halos lumuwa ang mga mata sa sobrang pagkagitla. Sinubukan niyang lapitan si Waylen ngunit agad ring napahinto nang panliksikan siya ng mga mata ng kanyang ama na may halong pagbabanta. Naitikom na lamang ni Eli ang sariling bibig tsaka napapaiyak na niyakap si Elizabeth. "Ang tanda-tanda mo na pero uhaw na uhaw ka pa rin sa away! Pilit mo pa ring isinisingit iyang sarili mo sa
(Three Years Later)Napahinga ako ng malalim at binitawan ang hawak na charcoal pencil bago hinayaang isandal ang sarili sa swivelling chair habang minamasahe ang batok. Pinatunog ko ang lahat ng aking mga daliri habang iniinat ang likuran. I looked at my yellowish wall clock with the artist design, pointing her pencil on the time only for me to see that it's nearly nine in the evening. I glanced on the window and saw the eye dropping sunset and its orange mixed with yellow and red sky causing it to reflect to my face. Malalim akong humikab tsaka tumayo para ibaba ang kurtina bago pikit ang isang matang bumalik sa upuan.Inabot ko ang maliit na radyo sa gilid ng desk ko tsaka iyon binuhay para makinig ng mga musika na galing sa Pilipinas. I closed my eyes as I relaxed my body on the chair along with the smooth rhythm of the instrumentals of the music that filled my ears. My forehead slightly creased when I got to familiarize its beat. It's like I've heard it before but can't pictu
"Ma'am, baka magtaka ang mommy niyo kung bakit pagbalik ko sa bahay ay mga maleto niyo lang ang dala ko," nag-aalalang sinabi ni Manong Tanny at napapakamot sa dulo ng kilay na pabalik-balik ang paningin sa akin at sa loob ng kotse, kung nasaan lahat ng mga gamit kong dala. Siya iyong parating naghahatid-sundo sa akin sa eskwelahan simula pa noong bata ako. Naging personal driver ko siya na ngayo'y personal driver na ni Mommy. Halos magdadalawampung taon na siyang nagta-trabaho sa amin kaya hindi na kataka-taka kung bakit bawat kilos ko at takbo ng bituka ko ay kabisado na niya."Babalik naman ako mamaya." Sansala ko sa mga sinabi niya habang pinupusod ang buhok sabay paypay sa leeg gamit ang palad. Paano ba naman kasi iyong suot ko ay sobrang kapal. Akala mo naman talaga ay malamig dito sa Pilipinas.I removed my jacket before folding it in half to hang it on my arm. "Bibilhan ko lang sina Mommy ng mga regalo," naglakad ako papunta sa may passenger's side door para ilagay doon ang
I raised my head to welcome his twinkling eyes. I don't know where it came from but it seems like he wants to cry but can't.I stared at him for a minute and noticed how he grew, towering me with his broad shoulders. Mas lalo kong napansin ang pagbabago ng kanyang mukha. His face was well-defined compared last three years. He brushed his hair from front to back and obviously shaved his beard. His natural sharp set of eyes were locking into mine as if scared that if he blinked, I'll disappear. Sa isang iglap parang biglang bumalik ang lahat ng alaalang pinagsaluhan namin ni Waylen. Bumalik sa aking isipan kung gaano ako kasaya noong mga panahong kasama ko siya. Iyong mga ngiti kong umaabot talaga hanggang mata dahil sa sobrang kagalakan na nararamdaman sa aking puso. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya ako nagagawang patawanin at pagaanin ang kalooban lalong-lalo na sa panahon na malungkot ako at halos lunurin na ng mga problema. Muling pumasok sa aking isipan ang tatl
Sa dinami-daming panahon na pwedeng umepal ang traffic, bakit ngayon pa?Mukhang mag-iisang taon na akong nakaupo sa loob ng sasakyan ni Waylen, hinihintay na umusad ang walang hangganang linya ng mga sasakyan. Pakiramdam ko nga ay nananadya ang tadhana. Maghahating-gabi na pero bakit tila ngayon pa biglang nagdagsaan ang mga sasakyan? Ayaw ba nilang bumiyahe ng umaga? Ng hapon? Kung alam ko lang na ngayon susulpot ang traffic sana talaga ay hindi na ako pumayag sa gustong mangyari ni Waylen at nagpumilit na huwag sumama sa kanya. Pero ano ang gagawin ko kung mismong ang puso ko na ang tumatraydor sa akin? Isang ngiti lang nito, tiklop na naman kaagad ang Scarlett na tatlong taon kong binuo. Isang salita lang nito ay agad ng humahaplos sa puso ko. Wala sa sarili akong napalingon sa kanya at sandaling napaisip. 'Papaano ko nagawang mahalin ang lalaking ito sa loob lamang ng halos isang buwan? Bakit parang pakiramdam ko sa tuwing binabalikan ko ang alaala naming dalawa ay parang i