Maraming salamat sa pagbabasa! Kung maaari po sana kayong makapagbigay ng review ay malaking tulong iyon sa nobelang ito. Thank you!
HAPON… Nakaupo si Lily sa kotse kasama si Drew, doble ang bilis ng tibok ng puso niya habang papalapit sila sa Walton Mansion. Ipinaalam sa kanila na nananatili sa mansiyon si Mr. Andrew Walton. Bilang bahagi ng pamilya na may malaking kontribusyon dito, may karapatan si Mr. Walton Sr. na manatili sa mansyon. Sa kabila ng malaking kontribusyon nito sa reputasyon ng pamilya, Walton pa rin si Drew at ang kanyang ama. "Babe, you have to stop worrying," Drew said, gently rubbing her arm. “Hindi ko mapigilan. Unang beses kong makikita at makikilala ang tatay mo at hindi ko mapigilan ang kaba ko. Hindi rin ako sigurado kung ano ang sasabihin sa ‘kin ni Master Walton. Pakiramdam ko kasi inagaw ko ang pangarap mo na pamunuan ang kumpanya n’yo.” Pinakasalan siya ni Drew ayon sa utos ng lolo nito para ma-secure ang posisyon nito sa Walton Group. Sa pag-unawa na pinuputol na nito ang ugnayan sa matanda at tinatalikuran ang lahat sa kumpanya, malinaw kung bakit nakokonsensiya si Lily. Hum
PINAKALMA ni Drew si Lily. Ramdam niya na kinakabahan ang lalaki sa maririnig mula sa ama nito. “Because he’s your dad!” sabay-sabay silang napalingon sa pinagmulan ng tinig. Nagmula sa likuran ng bahay ang abuelo ni Drew na si Master Walton. Nadagdagan ang pagkaasiwa niya sa presensiya nito. Hindi kasi maganda ang relasyon niya rito ngayon. “‘Lo!” Natigilan si Drew. Nanlalaki ang mata nito habang lumapat ang labi ni Lily. “Cristina is my secretary. Of course I know everything. Kung meron mang nakalusot sa pagkakaalam ko, ‘yon ay ‘yong katotohanan na mahal pa din ng anak ko si Cristina kahit na may asawa na siya!” pagpapatuloy ni Master Walton, nag-iwan ng mapanuring tingin sa ama ni Drew. Naiwan naman ang isip ni Lily sa katotohanan na tatay niya ang itinuring niyang boss sa loob ng dalawang buwan, ang ama ni Danica at Orion. Kadugo! Alam ba nito ang tungkol doon? Alam ba nito na nabubuhay siya at ibang tao ang itinuring niyang magulang? Alam ba niyang nag-iisa siy
MARAMING naganap na pagbabago sa buhay ni Lily. Kabilang doon ang pagkakakilanlan niya sa tunay niyang pagkatao. “Anong nasa isip mo?” tanong ni Drew na yumakap sa kanya mula sa likuran. Nakatanaw siya sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang bakuran nila. May nais siyang ilagay roon. Humigpit ang mga braso nito sa kanyang baywang at saka hinalikan ang kanyang balikat. “Marami… Ang malaking bagay na sumasakop sa isip ko ay si Mr. Arvesso. Hindi ko akalain na siya ang lilitaw na tunay na tatay ko matapos ko lang malaman na hindi ako tunay na anak ng mga Martin. Hindi ko rin alam kung paano haharapin si Orion at Danica. Magbabago ba ang pakikitungo nila sa akin kapag nalaman nila na naging anak ako sa labas ng daddy nila? “‘Tapos, hindi ko rin alam kung paanong nagkaroon ng relasyon kay Mr. Arvesso ang mommy ko. Walong taon na mas bata ako kay Orion, at ang relasyon ng mga magulang ko ay maaaring nagkaroon ng epekto sa kanya. So, yeah… Siya ang iniisip ko sa ngayon.” “Sa pag
ILANG araw pa ang lumipas, naroon si Kael sa opisina nang isang bisita ang hindi niya inaasahan na dadalaw sa kanya, si Faye Burnham. Hindi na niya ito nakita simula noong kaarawan ng kanyang ina. ‘What is she doing here?’ Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang kinalimutan ang babae tulad ng nais nito. Nababaliw na siya sa mga desisyon niya at kailangan niyang bumalik sa tamang daan. Nakapagdesisyon na siya na iiwasan ito para wala silang problema, ‘tapos ngayon ay narito ang dalaga? “Let her in,” utos niya sa kanyang sekretarya. Ilang saglit pa ay nakita niya si Faye. Propesyunal ang anyo nito sa suot na pencil skirt at blusa. Isinara nito ang pinto, napalunok nang makita ang seryoso niyang anyo. “I’m sorry. Importante ang kailangan ko sa ‘yo.” “Umupo ka na muna.” “Thank you!” Sumunod ito. Tumayo siya at tinungo ang water dispenser. Kailangan niya yata ng tubig dahil sa presensiya nito. “Gusto mo ng kape or tea?” “Tea please…” “Earl gray lang ang meron ak
LUMOLOBO pa ang ulo ni Lily sa reyalisasyon na naroon ang babae para udyukin siya na maging witness sa kaso ni Carmela. “Can I call you, Lily? You can call me Faye,” seryosong sabi ng babae. “Yes.” “I work for the legal team managing Carmela's case, at sinusubukan ko na udyukin ka na magsalita rin para ipagtanggol ang sarili mo,” patuloy nito. Doon bahagyang napangiwi si Lily. Unang beses niya pa lang na nakilala ang kapatid ni Finn at dismayado na kaagad siya. “Faye, alam mo naman siguro na may asawa akong tao. At may ideya ako na kilala mo si Drew kung kapatid ka ni Finn... Nakapagdesisyon na ako na pabayaan ang kaso ni Kenneth o ni Carmela. Ayokong sirain si Drew dahil may pangit akong nakaraan. Alam mo naman siguro kung ano ang reputasyon na meron siya bilang tagapagmana ng mga Walton.” “But you are a victim, Lily! Oo, kilala ko si Drew at alam ko na ipaglalaban ka niya! This is your chance to speak out!” “I already did! Sa palagay mo ba napakasimpleng magtiwala sa
NAGKAROON ng hindi magandang pagkakaunawaan sa kanya, kay Lauren at Kael. She was guilty, especially when she made Lily cry. Nagising na lang siya sa reyalidad nang sunduin ito ni Drew na galit sa kanya. “Umamin nga kayong dalawa, nagkaroon na naman ba kayo ng relasyon?” ani Lauren na tila daig pa ang pulis sa pag-imbestiga. Naluha si Faye. Buhay pa sa kanyang ala-ala ang napag-usapan nila ni Kael, ang mga halik nito. Alam niya na pagtataksil iyon sa relasyon niya sa kanyang nobyo ngunit mayroon ba siyang magagawa? Kapag natapos ang kaso ni Carmela, babalik na muna siya sa Amerika para personal na makausap ang nobyo niya. Sa ngayon, kailangan niyang ilipat ang magulong isipan niya at ang kaso ni Carmela ang best option niya. Tama si Kael kailangan niyang ibahagi sa nobyo niya na nakunan siya noong eighteen siya para kung sakaling magkaroon man siya ng komplikasyon dahil sa nakaraan, hindi ito mabibigla. Hindi maiwasan na maisip niya ang anak dapat nila ni Kael. The baby
INAAYOS ni Danica ang ilan niyang gamit nang makarinig ng malalakas na katok sa kanyang pintuan. Kuryosidad na sinilip niya ang peephole para malaman kung sino ang kanyang bisita. Napaatras siya kasabay nang paghawak niya sa kanyang dibdib nang masilip ang anyo ni Brian na tila tutusok sa kanyang kaluluwa mula sa bilog na silipan. ‘Anong ginagawa niya rito?’ Mabuti na lang at pinalitan niya ang code ng kanyang pinto kaya naman hindi ito makakapasok nang basta. “Danica! I know you’re there!” sigaw nito, kasunod ang malalakas na hampas sa kanyang pintuan. ‘Oh no!’ “You, slut! May karelasyon ka na’ng iba, ha?” Hindi siya umiimik at hinayaan na isipin nito na wala siya sa silid. Ayaw niyang gumawa ng ingay. Nanginginig ang kanyang kamay na dinampot ang cellphone. Tinawagan niya ang security para ipaalam sa mga ito na huwag nang papasukin sa gusali si Brian. “Danica!” sigaw ng lalaki muli na halatang galit at may gigil sa tinig. Paano siya lalabas kung naroon ito sa
NAROON muli si Danica sa apartment ni Kael. Dito siya dinala ng lalaki dahil natatakot siya sa kanyang tirahan matapos ang engkuwentro kay Brian. Sa ngayon ay tanging si Kael lang ang nasasandalan niya dahil ayaw niyang guluhin si Lily na may mas mabigat na pinagdadaanan. “Sigurado ka ba na ayos ka lang dito?” tanong ni Kael sa dalaga. Inabutan siya nito ng tubig. “Yeah, I’m fine. Thanks!” Nilagok niya ang inumin. Tinabihan siya nito at saka hinagod ang kanyang likuran. "Kael, I'm glad you're there. Nabigla ako na mabilis kang nakarating.” Hindi man lang inabot ng limang minuto ay nagkita na sila. Namula ang pisngi nito at umiwas ng tingin sa kanya. “Well, nagkataon na may kliyente ako sa paligid.” Hindi naman siya nagduda sa katwiran ng lalaki. Masyado lang mabilis ang tibok ng kanyang dibdib sa oras na iyon sa muli niyang pagpunta sa bahay nito. Masyadong malakas ang kanilang atraksiyon at hindi niya alam kung magagawa niya pang umiwas. Para bang nais niyang