Share

Kabanata 68

NGINITIAN ko lamang siya at mabilis na gumalaw upang makipaglaban sa kaniyang mga kawal. Nang matalo ko ang ilan ay tumakbo ako patungo sa malapit na pader at tumapak dito upang makatalon ng mataas, sa muli kong pagsugod ay nakatutok ang talim ng aking espada sa mga ito. Saktong tumarak sa dibdib nang isa, agad ko itong binawi dahilan upang bahagyang kumalat ang kaniyang dugo.

Ngumisi ako at muling humarap sa iba pa na determinadong mapaslang ako, nakikitaan man ng pag-aalinlangan ay walang habas na hinahampas sa akin ang kanilang mga espada na siya ko namang nasasangga. Ginagantihan ko sila ng pagsugod sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon, iikot kapag iiwas, ginagamit ko rin ang siko, paa at ang malaya kong kamao sa pakikipaglaban sa kanila para mas madali silang matalo.

Sa bawat paghampas ko ng espada sa iba't-ibang direksyon ay nag-iiwan ito ng sugat sa mga kalaban. At sa ilang sandaling lumipas ay kalahati na ng bilang nila ang napatumba ko. Saglit akong humi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status