Share

CHAPTER 30

ANB-30

Gulat na napabalikwas nang bangon si Kiara. At gan'on na lang ang gulat at pagtataka niya nang mapansin na nakahiga siya sa kama at maayos ang sarili. Hangos na hangos at pawisan ng butil butil ang buong katawan niya. Naroon at maliwanag pa rin ang paligid.

"Oh, God! Nananaginip lang ba ako? Pero bakit parang totoong totoo?" Aniya at muling sinipat ang kanyang sarili. Pinakiramdaman niya kung may masakit sa kanya ngunit wala naman siyang naramdaman.

Nakarinig siya ng katok mula sa pinto.

"Sino 'yan?"

"Iha?" Napapitlag si Kiara at mabilis na lumapit sa pinto para buksan iyon.

"Manang?"

"Oh, ba't anong nangyari sa 'yo? Bakit ba parang takot na takot ka? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ng matanda matapos makita ang gulat na itsura ni Kiara.

Napalunok siya at biglang natauhan.

"Ah, wala naman po, manang. Ah, anong oras na po ba?"

"Hapon na, alas tres na at kadarating lang namin galing namalengke. Ang sabi ni Gabby hindi ka raw bumaba para kumain? Baka magkasakit ka na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status