Share

CHAPTER 29

ANB-29

Natatamad na bumangon si Kiara para magtungo ng banyo at maglinis ng kanyang sarili. Alam niya na wala siyang ibang kasama ngayon sa bahay dahil kagabi pa umalis si Tristan para sa sinasabi nitong appointment at ilang araw itong wala sa bahay. Tanging ang mga kasama lamang sa bahay ang naroon.

Kahit gustuhin man niyang lumabas at maglibang ay tila nawawalan na naman siya ng gana sa isiping naroon naman si Gabby para manmanan siya. Tiyak na di numero uno na naman ang kilos n'ya, bukod pa sa ayaw niyang makita ang presensya nito.

Kalalabas lang niya nang makarinig siya ng mga katok sa pinto.

"Sino 'yan?" Patamad na tanong niya at naupo sa harapan ng salamin para mag blower ng buhok.

"Ako 'to, iha," sagot ng mayordoma. "Nakahanda na ang almusal mo. Pwede ka nang bumaba para kumain." Dagdag nito na hindi naman nagtangkang magbukas ng pinto.

"Sige po, manang. Susunod na. Salamat!"

"Sige!" At narinig niya ang mga yabag nito palayo sa silid.

Simpleng t-shirt at jeans lang ang is
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status