Share

CHAPTER 28

ANB-28

"Bakit, may inaasahan ka pa ba na ibang pupunta rito?" pormal na tugon nito habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Hindi nito maiwasan na mapatitig sa nagulat na itsura ni Kiara.

Hinamig ng dalaga ang sarili at napakunot ang noo pagkuwa'y mabilis at maayos na pinag aralan ito. Hindi rin nawala sa kanyang pang-amoy ang amoy na iyon na gamit mismo nang taong pumasok kagabi sa bahay. 'S'ya nga ba ito?' piping tanong niya sa sarili.

"Nanahimik ka yata bigla? Bakit, tama ba ako?" Untag nito sa kanya matapos ang ilang sandali nang pananahimik niya.

Bumuntong hininga si Kiara at bahagyang umiling. "Wala naman! May naalala lang kasi ako. Anyway, don't mind it." At mabilis niyang iniiwas ang mga mata rito at kunwari ay inabala ang sarili sa pagmamasid sa paligid.

Tumukhim ito at mas lumapit pa sa gawing likuran niya.

"Pwede ba muna tayong mag usap bago ako umalis?"

"Para saan pa? Kahit naman ano ang sabihin mo hindi rin naman ako pwedeng kumontra, di ba? Hangga't nandirito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status