"Aalis pala ako bukas ng umaga. I have a meeting in Paris." Sabi ni Jared habang nag aayos ng gamit.Natigilan ako ng magsalita sya. "Ilang araw ka doon?" Tanong ko."Five days. Not so sure." Sagot nya habang tinitignan ang papeles, at kumakain. Multi tasking. Napasimangot ako."O-Okay. Kailan ang alis mo?" Nawalan na ako ng ganang kumain kaya napatango na lang ako."Bukas ng umaga." Napaangat na ako ng ulo. "Agad-agad?" Nilapitan ko sya. Tumapat ako sa lamesa nya, gustong gusto ko syang titigan."Why? Gusto mong sumama?" Nakangisi pa sya."A-Ano." Pwede kaya?"Gusto sana kitang isama kaso magiging busy ako doon." Tumayo sya at tumapat sa akin."H-Hindi rin naman ako makakasama kasi kailangan kong tapusin 'yung wedding gown." Nakakalungkot naman."Babalik din ako kaagad." Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi, sandali lang 'yun pero feeling ko nakalapat pa rin ang labi nya sa akin."You take care of yourself, okay? No bar with Jessa." Pinindot nya pa ang ilong ko."Oo n
Natuyo ang utak ko dito. Some scene are not suitable for young readers. I already warned you guys, wag nyo akong sisihin kung maihi man kayo. HAHA 😉😉😉😉-------"I'm done!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa dahil after one week ay tapos ko na ang wedding gown. Napagdesisyonan ko na tapusin ang gown sa store para hindi ako mahirapan sa pagdala."Congrats, Mrs. Montefalcon. Nasa labas na po sina Mrs. Conrado." Sabi ni Nanita habang nililigpit namin ang kalat."Talaga? Sakto pala. Papasukin mo na sila." Hindi ko akalain na natapos ko sya, first time kong gumawa ng wedding gown."Good afternoon, Elaisa." Nakipagbeso ako kay Margareth at sa Mother in law nya."Ito na ang gown." Itinulak ko papalapit sa kanila ang mannequin."Gosh! Oh my God! It's wonderful!" Halos maiyak iyak na sabi ni Margareth, pati ako ay naiiyak. "Salamat ng sobra, Elaisa." Niyakap nya ako.Tinignan ko si Mrs. Conrado, she smiled at me. "It's beautiful, I like it." "Invited ka sa kasal ko, Elaisa, I want you there." S
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang waiting shed. Hindi ako pwedeng umuwi kila mama. Ayokong magpakita na ganito ang itsura ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, wala akong mapagkatiwalaan na tao na pwedeng kong pagsabihan ng nangyayari sa akin, doon ko narealize na kay Jared lang umiikot ang mundo ko.[BEEP BEEP] Kinabahan ako ng may humintong kotse sa harapan ko. It's Margareth.Dinala nya ako sa isang restaurant para makapag usap."Anong nangyari sayo, Elaisa?" Tanong nya."Naglayas ako sa amin." Natatawang sabi nya."Hindi na ako magtatanong, naiintindihan ko kung hindi mo kayang sabihin ngayon. May mapupuntahan ka ba?" Umiling ako."I can help you. I have this place in Antipolo. Ipapahiram ko sayo ang rest house ko doon." Nabuhayan ako sa sinabi nya."Salamat, Margareth. Wala kasi talaga akong matutuluyan." Naiyak na ako."Okay lang yun. Basta kapag kaya mo ng magkwento, nandito lang ako."After naming mag kwentuhan ay pinahatid nya ako sa driver nila sa Antipolo. Ang ganda ng luga
"Congratulations Mrs. Montefalcon, you are two weeks pregnant. I will give you your daily vitamins." Tulala lang ako sa lahat ng sinabi ni Dra."Thanks, Nicole." Sabi ni tita Daniella, close friend nya daw ito at talagang mapagkakatiwalaan.Paglabas namin sa clinic ay dumiretso na kami sa drug store para bumili ng mga vitamins. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, isang beses pa lang namin ginawa 'yun. Hindi ko alam kung maiinis ako kay Jared o matutuwa."I can't believe it! At last, magkakaroon na ako ng apo kay Jared." Masayang sabi ni tita Daniella."Tita, hindi pa ako handa ipaalam kay Jared." Hindi ko kasi alam kung matatanggap nya."Sure, Elaisa. I will keep in touch. Ako ang sasama every check up mo." Niyakap ako ni tita ng mahigpit. Naiiyak na naman ako. Hindi kami umuwi kaagad dahil nag grocery muna kami para sa mga pagkain ko. Napahawak ako sa tiyan ko, may kasama na ako, hindi ko na pwedeng pabayaan ang sarili ko. Hindi ko ipagkakait sa anak ko ang ama nya, pe
Nagsisimula na ang mga weird cravings ko. Minsan inutusan ko si Nathaniel na magluto ng fried chicken tapos isinawsaw ko sa peanut butter, masuka suka pa nga sya, kaya kinurot ko na naman ang pisngi nya.2 months na akong buntis at kada araw na lumilipas ay talagang nahihirapan ako, ang hirap magbuntis. Sasamahan ako ni Nathaniel ngayon para magpacheck up, hindi kasi pwede si tita dahil feeling nya daw ay may sumusunod sa kanya."Good morning, Mrs. Montefalcon. How's your baby?" Masuyong tanong ni Dra."Lalo po akong pinapahirapan, pero okay lang. Masaya po ako." Nakangiting sagot ko."Ganyan talaga Mommy. You look blooming, hiyang ka sa pagbubuntis. Dadagdagan natin ang vitamins mo dahil lumalaki na si baby." Saglit pa akong chineck up ni Dra bago ako lumabas.Ang tagal naman ni Nathaniel, sabi nya sa akin bibili lang sya ng pagkain pero hanggang ngayon ay wala pa rin sya. Naghintay lang ako sa waiting area. Naglalaro ako ng temple run ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko."Natha
"Okay ka lang ba talaga dito?" Natawa ako sa tanong ni Nathaniel."Pang lima na tanong mo na sa akin 'yan." Sagot ko habang tinutulungan syang mag impake ng damit."Pwede naman kasi akong hindi na umalis para masamahan kita." Tinigil nya ang pag iimpake at naupo sa kama."Kailangan ka nila doon. Kaya ko naman na ang sarili ko, pati nandito naman si Aling Susan." May meeting daw kasi 'to na kailangan puntahan para sa business at one week sya doon."Kung pwede lang kitang isama, ginawa ko na Elaisa." Malungkot na sabi nito. Kinurot ko lang sya sa pisngi.Naging mabuting kaibigan sa akin si Nathaniel at nagpapasalamat ako sa kanya, though medyo nagkakailangan pa rin minsan dahil sa paghalik nya sa akin dati, pero pilit ko ng kinakalimutan 'yun."Dalhan mo ako ng pasalubong ha?" Paglalambing ko sa kanya. Nakita kong napangiti naman sya."What do you want?" Hinawakan nya ang kamay ko. Saglit akong nag isip."Hmn. Gusto ko ng chocolate cake, at fried chicken tapos itetext ko yung iba." Napa
"Kaya ko na nga Jared!" Pilit kong inaagaw sa kanya 'yung bag ko."Tutulungan na nga kita! Bitawan mo na!" Wala na akong nagawa ng hinila nya 'yung bag ko at naunang lumabas.May check up kasi kami ngayon ni Baby. At dahil wala si Nathaniel, si Jared ang nag pumilit na sumama. Ayoko sana kaso ang kulit nya lang talaga.Nakasimangot na pumasok ako sa loob ng kotse nya. Sya na ang nagkabit ng seat belt ko dahil hindi talaga ako kumikibo.Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa clinic. "Good morning, Jared and Elaisa. Let's check up the baby." Pinahiga ako ni Dra. Medyo nailang pa ako kasi talagang nakatitig sa akin si Jared, gusto ko nga syang paalisin. Kaso sabi ni Dra hayaan ko na lang daw."The baby is fine. Malusog naman sya at nasa tamang size na. You should drink milk for pregnant women that'll help for the baby." Sabi ni Dra habang may machine na pinapaikot sa tyan ko. Napatitig ako sa monitor. Magkakaroon na talaga ako ng baby, napaiyak ako."So Jared, what brings you here?
Ilang oras na akong gising pero hindi ko pa rin magawang tumayo. Tamad na tamad ako. Pangalawang araw na rin simula nung umalis si Jared, hindi na rin ako tinatawagan ni Nathaniel. Naging masama ba ako sa kanila? Mali na ba 'yung mga ginagawa ko?(KRING)Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na sinagot ang cellphone ko."Hello?"[Hija, pasensya na kung nalaman ni Jared kung saan ka nakatira. Nasundan nya pala ako.] Si tita pala."O-Okay lang po 'yun." Nakaramdam ako ng lungkot.[Kamusta? Anong nangyari?]"Nagkasagutan po kami. Hindi ko pa rin po nasasabi na sya ang tatay ng anak ko." I take a deep breath.[Ganun ba? Kinausap ako ni Jared, balak nyang magpunta ng ibang bansa. Sabi nya sya na daw ang aasikaso ng ibang business namin doon.]"T-Talaga po tita? Mabuti naman po." Para akong naiiyak, ano ba 'tong nangyayari sa akin?[Sana balang araw mapatawad mo ang anak ko, sinabi nya sa akin na mahal na mahal ka daw nya. Hindi ko sinasabi sayo 'to para balikan mo sya, ginagalang ko ang des