Hindi pumasok ngayong araw si Jared, iniinda nya ang ulo nya na sobrang sakit daw, nagkibit balikat na lang ako. Maaga ring hinatid ng isa sa mga guard ng kumpanya ang sasakyan nya na ginamit ni Marielle.Nasa sa sala sya at may binabasa na kung ano, mas pinili ko na lang manuod ng TV."Elaisa." Nilingon ko sya. Parang may gusto syang sabihin na ewan."Ano?" Tinaasan ko sya ng kilay."K-Kagabi... may nasabi ba ako?" Napakamot pa sya sa ulo nya.Ngumiti ako. "Hindi mo lang naman ako nakilala kagabi. Tapos niyakap kita pero tumatanggi ka noong una." Naalala ko na naman kaya bigla akong natawa."A-Ako? Ginawa ko 'yun?" Nabitawan nya ang mga papel na hawak at humarap sa akin."Oo! Tapos sabi mo baka malaman ng asawa mo pero sabi ko--" Hindi nya na ako pinatapos dahil tinakpan nya ang bibig ko."Stop it! Naalala ko na!" Tinanggal nya ang kamay sa bibig ko."Meron pa!" Magsasalita sana ulit ako pero tinakpan nya na naman 'yung bibig ko."Okay na! Okay na! Nahihiya lang ako lalo sa sarili k
Kaagad akong bumangon ng maramdaman ko na wala na sa tabi ko si Jared. Napalingon ako sa bed side table at napangiti ng mapansin ko ang isang red rose na may note "Good morning, Sweetheart. Let's eat lunch at John's restaurant. I love you." Napangiti ako.Sinimulan ko ng mag ayos dahil 10:30am na ako natapos sa pag ligo at pagkain, parang tinatamad pa nga akong bumangon dahil nangalay ang balikat ko sa pagtulog. Wala naman akong magandang damit na pwedeng suotin. Kinabahan ako bigla, ano ang susuotin ko?Natigil ako sa pag-iisip na may nag doorbell. Laking tuwa ko ng makita ko si Jessabelle sa labas ng gate."Good morning Ate. Pinapunta ako ni Kuya para ibigay sayo 'to. I heard you two have a date. Tama ba?" Mapang asar na tumawa 'to."O-Oo, mag lulunch kami sa labas." Inaya ko sya papasok sa loob."Saang restaurant naman ate?"Napaisip ako. Anong restaurant nga ba 'yun? "A-Ano, nakalimutan ko. Naeexcite na kasi ako." Natawa kami pareho.Inabot kami ng halo isang oras sa pag-aayos ko
"Ano ang gusto mong panoorin?" Tanong sa akin ni Jared pagdating sa Cinema."Hmmn, me before you. Nabasa ko na maganda ang review ng mga viewers sa movie na 'yun." Sabi ko."Romance?" Kumunot ang noo nya."Ayaw mo ba?" "No, it's okay. Let's go." Inakbayan ako nito bago kami pumila.Pagpasok sa loob ay halos wala akong makita. May liwanag naman ang screen pero talagang nanlalabo ang mata ko. Napahawak ako sa kamay ni Jared."Wala akong makita, masyadong madilim." Sabi ko."Ganun talaga, Sweety. Sinadya 'yun para sa mga mag-asawa." Tumawa pa sya ng mahina. Inalalayan nya ako para makasabay sa kanya sa paglalakad.Napasinghap ako ng ipulupot nya ang braso nya sa bewang ko para alalayan ako. Hindi pa rin nagbabago ang epekto sa akin ni Jared, kayang-kaya nya akong pakiligin sa mga simpleng galaw nya.Pag-upo namin ay luminaw na ang paningin ko dahil sa screen sa harap. Mali ata ang ibinili sa akin ni Jared na damit dahil nakaramdam ako ng lamig. Mukhang napansin nya 'yun dahil hinubad ny
Kahit kabado ay nagawa kong buksan ang pinto."Good morning po.""Good morning Mrs. Montefalcon, sit down." Bati sa akin ng doctor. "Ako nga pala si Dr. Vince Antofina, naging classmate ko ang asawa mo noong high school." Napasapo ako sa ulo ko, mali ata ang napuntahan ko."Anong nararamdaman mo ngayon?" "A-Ano po... Minsan nanlalabo po ang pangin ko, tapos nung mga nakaraang araw po ay nagsusuka ako." "Are you sure you're not pregnant?" Nakangiting tanong nya."Hindi po. Galing na po ako sa OB kanina, negative po." Gusto ko na rin sana magkaroon ng baby."Ano pa?" "Nahihirapan din po akong matulog, nawawalan ng balanse minsan." Napapatango ang doctor."Then we need to run some test. I'll list down everything, a nurse will assist you. You can change your clothes now." Kinamayan ko ang doctor bago lumabas.Kung ano-ano ang test na ginawa sa akin. May time nga na parang ayoko na, gusto ko na lang umuwi, pero hindi ko pwedeng isawalang bahala 'to."Were done with the test, it will ta
Naalimpungatan ako ng bigla akong makaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. Umupo ako at dahan-dahan na idinilat ang mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa kagigising ko lang at sobrang labo ng mata ko, parang may nakaharang at sumabay pa ang nangangalay ko na kaliwang braso. Pilit kong inaaninaw si Jared, napangiti ako ng maaninag ko sya na mahimbing na natutulog.Pumikit ako at nagbilang ng sampo bago dumilat, malabo pa rin ang paningin ko. Kinapa ko ang paligid at dahan-dahan na bumaba ng kama. Kinapa ko ang daanan hanggang makapunta ako sa banyo, ang labo pa rin ng paningin ko. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumayo lang ako ng matagal hanggang sa luminaw na ang paningin ko.Ngayon na ang araw para malaman ko ang resulta ng nangyayari sa akin ngayon. Kinakabahan ako pero kailangan kong tanggapin kung ano man yun."I'll be in the meeting till afternoon, so baka late na ako makauwi." Napalingon ako kay Jared habang kumakain."Hindi na kita hihintayin?" Tanong
"Saan ka nanggaling?" Nakakunot noong tanong ni Jared paglabas nya ng bahay. "Bakit ka nakataxi?""G-Galing ako sa shop, binisita ko. Hinahanap raw kasi ako ng mga suki namin." Mabuti na lang talaga at bago ako pumunta sa hospital ay dumaan ako sa shop."Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nasamahan sana kita." Inakbayan ako nito at inakay papasok sa loob."Diba sabi mo gagabihin ka? Bakit nga pala ang aga mo umuwi?""Na-cancel yung mga meeting namin. Yung head kasi nung isang hotel, nahospital yung asawa nya. So we decided to reschedule the meeting." Inalalayan nya ako na maupo sa dining area.Napanganga ako ng makita ko ang lamesa naming. Ang sasarap ng mga nakahanda, tapos may wine pa."Anong meron?" Hindi ko mapigilang mapangiti."Wala. Just a normal night." Kibit balikat na sagot nya."Normal ka dyan! Parang hindi natin mauubos tong pagkain ngayong gabi. Ang dami! Ikaw ba nagluto?""Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na oo. Syempre nag hired ako ng professional chef para lutuin to
Nakasimangot sa akin ang Doctor na kaharap ko. Hinanap nya na naman kasi sa akin si Jared pero nginitian ko lang sya. Bahala na lang kung isumbong nya ako."Wag ka ng magalit sa akin. Simulan na natin ang mga test." Kaagad kong nakagaanan ng loob si Doc. Felix."Ano pa ba ang magagawa ko? Let's go." Natawa pa ako ng irapan nya ako.Sinimulan naming sa CT scan. Hindi ako komportable sa ginagawa sa akin pero wala naman akong choice. Hindi ko na rin alam kung gaano karaming dugo ang kinuha sa akin. Naiiyak na lang ako dahil sinasabayan pa ng sakit ng ulo at sakit ng likod.Ilang araw din akong pabalik balik sa hospital dahil na extend ng one week si Jared sa ibang bansa, nagkaroon siguro ng problema sa kumpanya nila. At ito na ang araw na malalaman namin kung gaano kalala ang sakit ko."So there's two stages of Medulloblastoma. Standard and high risk. Sa standard risk, usually mga naoperahan nay un. In your case, nasa high risk ka na. Walang action na nagawa sayo."Wala akong reaction sa
Ilang beses na naming kinikita ni Doc Felix ang kaibigan nya na amerikanong doctor sa restaurant, naka base daw yun dito pero gustong sumama. Lagi kasi na isa o dalawang oras lang ang meron ito, ang sabi nya ay marami itong inaasikaso para wala ng iintindihin kapag sumama sa amin."Ngayon na ang uwi ni Jared diba?" Tanong sa akin ni Doc Felix habang pauwi kami."Yes, Doc.""So, anong plano mo?""Hindi ko pa alam. Parang hindi ko kayang sabihin sa kanya." Tuwing nakakausap ko sya sa video call ay gusting gusto ko nang sabihin sa kanya kaso ay inuunahan ako ng kaba."Nakakainis ka na Elaisa. Do you want me to set a meeting with Jared?" Halata sa tono ni Doc Felix ang pagbabanta."H-Hindi na p-po ka-kailangan." Ayan na naman ang sakit ko. "Kapag nahihirapan ka ng magsalita, you can pause for 10 seconds." Nginitian nya ako.Sobra-sobra na ang abalang nagagawa ko sa kanya, halos araw-araw nya na ako kung ihatid sa bahay. Pag hinto ng sasakyan nya ay nabungaran ko ang nakasimangot na mukha