Share

Chapter 33

AMIRA

"WHAT? AKO ba pinagloloko mo?" Asik ng babae kay ate Mona at nakapamewang na dinuro duro sya.

"Naku hindi po ma'am! Totoo po ang sinabi ko. Di ba Amira? Asawa ka talaga ni señorito?" Kinalabit pa ako ni ate Mona.

Hindi ko naman alam kung tatango ako o ano. Hanggang ngayon kasi ay parang may trauma pa rin ako sa babae. Hindi ako komportable sa presensya nya. Parang may dala na naman syang gulo.

"That's impossible! Paanong magiging asawa ni Yñigo ang hampaslupang uhugin na ito?" Singhal ng babae na maarteng tinuro pa ako. Nakakatakot ang haba ng kuko nya. Parang kayang kayang gulanitin ang katawan ko.

"Grabe naman kayo ma'am! Ang ganda ganda ni Amira para tawagin nyo lang na uhugin. Kung tutuusin mas maganda pa sya sa inyo. Hindi pa retokada." Taklesang sabi ni ate Mona. Parang gusto kong takpan ang bibig nya.

"What did you say?" Mataas na boses na sabi ng babae. Namumula na ang mukha nya sa inis.

"Ate Mona!" Hinawakan ko na sa braso si ate Mona.

"Ay sorry po ma'am. Nagsasa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status