Share

An Unforgettable  Night with You
An Unforgettable Night with You
Author: ladyaugust

Chapter 1

Allie's POV.

Andito ako ngayon sa mall. Magkikita kami ni Moana ngayon dito sa may depatment store.Bibilhan ko lang din ng regalo si Jimpson birthday nya ngayon.Nagtingin tingin muna ako nang mga display nila na mga cap mahilig si Jimpson sa cap,kaya yun ang naisipan kong bilhin,nang biglang nagvibrate ang phone ko, kinuha ko sa bag, tinignan ko kung may text na si Moana.

(beshie, san ka banda andito na ko sa loob ng mall sa may coffee shop) text ni Moana.

Di ko na nireplayan si Moana malapit lang naman dito sa department store yung coffee shop na sinasabi niya,pupuntaha ko nalang siya. Dalawa lang kami ni Moana ngayon kasi si Xendra.May ibang lakad. At lagi naman talaga yung di sumasama sa lakad namin ni Moana.

Naging matalik naming kaibigan si Xendra nung high school pero nung nag aaral na sila ng college. Medyo di na siya masyadong sumasama sa amin pag may lakad kami.O-oo sila nakapagtapos na ng college ako kasi nahinto sa pag aaral nung nagkasakit si Nanay at nung mawala sya, kailangan ko nang magtrabaho para sa sarili ko, ulila na ako mag isa nalang sa buhay may mga kamag anak naman kami pero nasa malalayong lugar. At kaya ko naman ng mabuhay mag isa.

Malapit na ako sa coffee shop na sinasabi ni Moana, at nakikita ko na rin sya mula dito.Nang mapansin nya ako agad akong sinalubong ng yakap.Ganito kasweet si Moana, sobrang bait pa, kaya siguro maraming naging kaibigan ito nong high school kami.

"Saan tayo mauuna?"tanong ko sa kanya. ''Sa department store nalang bibili din ako ng regalo para kay Red, para sa three yrs. Anniversary namin."sabay pacute nya na ikinangiti ko lang.

"Oh, sige para bibilhin ko nalang din yung ireregalo ko kay Jimpson mamaya."saad ko.At nagpunta na kami sa department store.

"Allie, di ba nagtext si Xendra Sayo? parang di na sya masyadong sumasama sa hang out natin?"tanong ni Moana sa akin na may pagtataka.

"Nagtext kanina na di siya makakasama sa atin kasi may ibang lakad siya importante daw kaya di ko na Pinilit."paliwanag ko sa kanya.Akala ko ako lang nakakapansin na halos di na sumasama si Xendra sa aming mga hang out.

"Ehhh, si Jimpson tumawag na ba sayo? anong plano nya mamayang gabi birthday naman nya manglilibre ba sya ulit?"Sunod sunod na tanong nya na di ko alam kung ano isasagot ko.Kanina ko pa kasi tinatawagan at tinetext di pa sumasagot na ngayon lang nangyari ang ganito na di nya sinasagot tawag ko o di kaya text ko.

"Hoi, natahimik ka?Ano na?Di ba tumawag sayo?"tanong niya ng lumapit sya sa akin. Tingin lang naging sagot ko sa kanya.

"May LQ ba kayong magjowa?"tanong nya ulit sa akin ng di ko masagot tanong nya kanina. At ngumiti lang ako sa kanya sabay iling.

"Baka busy lang yung tao kaya di nakasagot sa tawag at text ko."kahit di sya kumbinsido sa sagot ko tumahimik nalang sya. Isa ito sa nagustuhan ko kay Moana pag alam nya na di ako sumasagot sa mga tanong nya ay kusa nalang siyang tatahimik at iibahin ang usapan.

Nang matapos kami sa department store, dumeretso nalang kami ng grocery, tamang tama wala na rin ako stocks sa bahay. Pagkatapos namin mag-grocery kumain muna kami kasi napagod kami sa kakaikot. Halos mag aapat na oras na kami dito kaya kailangan na naming umuwi. Mag-gagabi na hanggang ngayon di pa rin tumatawag si Jimpson. Kinakabhan na ako.Paglabas namin ng mall andun na si Red na sinusundo si Moana. Natutuwa ako sa magcouple na to bagay na bagay talaga sila, mabait si Moana mabait din si Red kaya compatible talag silang dalawa.

Nang makapasok na kami sa loob ng kotse, sinilip ko ang phone ko baka may message pero nanlumo lang ako ng wala man lang kahit isang message galing sa kanya.

Nakarating na kami sa bahay hinatid lang nila ako, at umalis na agad, pagod na pagod mga paa ko sa maghapong kakaikot sa mall.Bago ako maligo, tinignan ko muli ang phone ko may isang message na nagpop up. Galing kay Jimpson.

(loves di na muna tayo tuloy sa lakad natin ngayon may importante lang akong tatapusin)

Napabuntong hininga nalang ako ng mabasa ko ang message nya. Di ko nalang nirplayan, naligo nalang muna ako, mamaya tatawagan at etetext ko sya.

.............................

Nakapagligo na ako at nakapagbihis ng pantulog, nang mapansin kong may mga missed calls ang phone ko tinignan ko kung sino ang tumatawag kanina.Si Jimpson pala kaya kinall ko nalang sya. Nakailang ring na di nya pa rin sinasagot kaya nagtext nalang ako, hinintay ko ang text nya hanggang sa makatulugan ko nalang ay wala pa ring reply.

,

Kinaumagahan napagdesisyunan kong puntahan si Jimpson sa condo nya, ipagluluto ko nalang sya kasi di kami nakapag celebrate ng birthday niya kahapon.

Nakapagligo na ako at nakapagbihis na ng simpleng t-shirt na black at skinny jeans lang ang suot ko.Di ko na siya tinawagan isusurprise ko nalang sya.

Magtataxi nalang ako para mabilis. Habang nasa taxi ako ay parang kinakabhan ako na di malaman ano ang dahilan kaya bumuntong hininga nalang ako baka kako sa sobrang init ng panahon.Malapit na rin ako sa condo ni Jimpson.

Nagpababa na lang ako sa driver ng taxi dito sa may coffee shop na malapit sa condo ni Jimpson.Bibili lang ako ng paborito niyang kape dito.

Nabili ko na yung paboritong kape at bumili na rin ako ng akin.Maglalakad nalang ako papunta sa condo nya malapit lang naman. Sigurado akong masusurprise yun, pag ipinagluto ko yun.Paakyat na ako sa condo nya dala dala ko yung ereregalo ko dapat sa kanya kahapon.

Pagkadating ko sa second floor,kasi nasa pangalawang palapag lang naman yung unit nya, dumiretso na ako sa unit nya. Pero nagtaka ako hindi nakalock yung unit nya.

"Bakit bukas ang unit nya? lumakas ang kanina pang kumakabog na dibdib ko.Pumasok ako ng dahan dahan sa loob, bat makalat sa loob ng unit nya. Nang tignan ko mga lata ng beer, kaya nagtataka ako kung bakit ang dami naman ata ng nainom nyang beer. Dahan dahan akong papunta sa kwarto nya,medyo naaanig ko naman ang daan dahil sa liwanag ng lampshade.

Palapit na ako sa kwarto nya pero lalo lang lumakas ang kabog sa dibdib ko at nanginginig ang mga kamay ko sa nakikita kong unang tumambad sa akin pagsilip ko ay ang mga nagkalat na damit ng lalaki at babae.Kaya lalong nanginig ang mga kamay ko at dahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto niya at parang binagsakan ako ng langit at lupa sa nakita ko.

Ang kabang naramdaman kanina ay tumitindi at ang panginginig ng kamay ko pati mga paa ko nahihirapan na akong ihakbang ng makita ko lalo sa malapitan kung sino ang dalawang tao ang nakita ko kama.

Si Jimpson na hubo't hubad katabi niya ang kaibigan kong si Xendra na hubo't hubad din. Halos di ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko at biglang kumawala ang mga luha ko at tuloy tuloy na nagsibagsakan.Halos di na ako makahinga sa sobranh sikip ng dibdib ko.Nabitawan ko na ang mga dala ko kanina at mabilis na umalis sa kwarto ni Jimpson,hindi ko na kaya ang nakikita ko.

Nagising si Jimpson sa pagkabagsak ng mga dala ko at nanlaki ang mga mata nya ng makita ako at tinignan din nya ang katabi nya na parang nabibigla. "Allie!,,"tawag nya sa akin, pero mabilis akong naglakad palabas sa unit nya at tinahak ang elevator pababa.Bago ako makalabas ng unit nya narinig ko pang tinatawag nya ako, pero di ko pinansin dere-deretso ang lakad ko. Alam ko na di nya ako masusundan kasi n*******d siya.

Kaya pagkabukas ng elevator ay dali dali akong pumasok, di alintana na may kasama ako sa elevator pero patuloy pa rin ako sa pag iyak, wala na akong pakialam kung may makakita sa akin na umiiyak, basta gusto ko lang umiyak ng umiyak. Hindi ko na kaya pigilan ang sakit oaranh sasabog ang dibdib ko. Alam kong nakatingin sa akin ang taong kasama ko sa elevator,di ko nalang nilingon at patuloy sa pag iyak pagkabukas ng elevator ay dere-deretso ako sa labas at pumara ng taxi.Pagkasakay ko sa taxi iyak pa rin ako ng iyak, Alam ko nagtataka na yung driver ng taxi,nakatingin sa akin. Kaya tinignan ko rin siya, matanda na sya, "Ineng,saan kita ihahatid?"malumanay na tanong niya.

Kahit nahihirapan ako dahil sa pag iyak sinisinok na ako, binigay ko sa kanya ang address at nagdrive na sya. Pagkadating ko sa bahay ay agad akong nagpunta sa kwarto ko at nag iiyak ng todo.Binuhos ko na lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Walang kasing sakit, parang sinaksak ang puso ko ng maraming beses.Tinignan ko ang phone ko na kanina pa nag iingay. Nang tignan ko sino tumatawag ay agad ko itong pinatay wala akong balak sagutin mga tawag nya. Ayaw ko na siya makita ayaw ko na sya makausap. Panay pa rin tunog ang phone ko, kaya pinatay ko nalang ito.

Pati tawag kanina ni Moana ay di ko muna sinagot,ayaw ko muna ng kausap ngayon, gusto ko munang mapag isa at ibuhos sa pag iyak lahat ng sakit na naramdaman ko. Buong maghapon akong nasa loob ng kwarto, iyak lang ako ng iyak, hanggang sa makatulog ako dahil na rin sa pagod ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status