Natupad ang hiling ni Akie na makauwi sa Pangasinan nang sa wakas ay lumapag na ang chopper na sinasakyan nila ni Enton sa nasabing lugar. Hindi tumagal ang kanilang biyahe dahil wala namang traffic sa ere kaya hindi pa man sumisikat ang araw at medyo madilim pa ay nakarating na sila sa Pangasinan."We're here."Napabaling siya sa binata na nagsalita sa tabi niya. Nagtagpo ang kanilang mga mata at siya itong naunang umiwas ng tingin. Paano, biglang nag-init ang pisngi niya nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na hindi niya nagawang tumutol. Siguro baliw na nga siya dahil habang nagtatalik sila ay si Andrew ang nakikita niya at hindi si Enton. Maging ang paraan ng paghalik nito, at paghaplos ay si Andrew ang naiisip niya. Saka malala na talaga siguro ang tama niya dahil maging ang pagkalalaki nito na nakita niya ay iniisip niyang kay Andrew din. Puwede pala iyon, na pareho ang sukat at haba ng pagkalalaki ng isang tao? Kabisado n
Ang mga ala-alang kasama ni Akie si Andrew sa Bolinao Falls ay muling nanumbalik nang dalhin siya ni Enton sa nasabing lugar sakay ng chopper. Kasama niya ang mga kapatid na halos hindi makapaniwala na dumating siya. Pinupog siya ng halik at yakap ng mga ito kaninang umaga. Ramdam niya ang pagmamahal ng mga kapatid at pangungulila ng mga ito. Masaya siya dahil muli silang nagkasama. And thanks to Enton, dahil kung hindi ito pumayag ay hindi siya makakauwi ng Pangasinan. Nang lumapag nga ang chopper sa nasabing resort ay sabik na sabik na nag-takbuhan ang mga bata patungong falls habang naiwan naman siyang kasama si Enton.Ang inang naman niya'y humabol sa mga kapatid niya at mukhang sinadya pa yatang iwanan sila ni Enton. A little bit weird, iyon ang naramdaman niya simula pa kaninang umaga nang gumising siya. Sino ba naman ang hindi mawe-weird-uhan gayong napapansin niya ang closeness ng inang at si Enton. Nagtataka nga siya kung bakit ganoon ka close ang dalawa samantalang pangalaw
HINDI magkandaugaga ang mag-inang Akiel at Alisha na magkatulong sa pag-akay kay Andrew na lasing na lasing pabalik ng kanilang bahay."Kasi naman, inom nang inom tapos hindi kayang umuwi mag-isa!" Nanunulis ang labing reklamo ni Akie na nakasunod sa likuran ng ina at kapatid nito. Gustuhin man niyang tumulong sa pag-akay sa binata ay hindi niya ginawa. Mahirap na at baka mapaanak siya ng maaga. Siya ang may hawak ng flashlight upang pailawan ang daan, at dahil mabigat ang binata ay hindi maiiwasang sumemplang paminsan-minsan ang ina at kapatid niya sa lupa kasama nito."B-bukas ka na manermon, anak. Itutok mo muna ng maigi iyang flashlight sa daan at ako'y naduduling na sa bigat nitong asawa mo." Ang sabi ng inang niya. Sinunod naman niya ang utos ng ina. Itinutok nga niya sa daan ang flashlight, pero bigla siyang may naalala sa sinabi ng ina.Asawa?Napatitig siya sa likuran ng ina na hirap na hirap sa pag-akay kay Enton. Sa huli ay napailing nalang siya sa isiping baka nagkamali l
Angeles, CaliforniaCEO, Office Komportable siyang nakaupo sa swivel chair sa loob ng malaking opisina na magiging kaniya na ulit kapag natuloy ang planong binabalak. Nilalaro ng mga daliri niya ang isang ballpen habang hindi naman maalis-alis ang ngiti sa labi na iniikot ang paningin sa kabuuan ng silid na iyon. He's so damn excited as well na maangkin ang posisyong inuupuan ni Andrew Sebastian—his late friend, Romano's adopted son, na namayapa na rin. He smirked. Bagay lang sa mayabang na iyon ang nangyari sa kaniya. Dapat nga matagal na niyang pinapatay ang lalaking iyon, pero hindi siya makakuha ng magandang tyempo. Marami kasing bodyguard na umaaligid kaya hindi makalusot ang mga tauhan niya, hindi katulad ng ama nitong si Romano na nagawa niyang lusutan at unti-untiin ang buhay. Napangisi siya sa naalala. Hindi sana napadali ang buhay ng dati niyang kaibigan na may lubha na talagang sakit noon, pero dahil mabait siyang kaibigan kahit na pinatalsik siya nito sa company bilang is
Two days later. . .WALA nang ginawa si Akie kundi ang kainin ang pagkaing dala ng lalaking puti ang buhok, at ang magmatyag ng maigi para makakuha ng pagkakataong makatakas. Kailangan niya ng lakas kaya hindi na siya nagmatigas pa sa tuwing dalhan siya nito ng makakain."Good girl." Komento ng lalaking puti ang buhok matapos niyang ubusin ang laman ng pinggan.Mabuti na lang din masasarap ang mga pagkaing dala nito sa kaniya. Napapaisip tuloy siya kung binili ba ito o niluto ng lalaking ito. Gamit ang tissue ay pinunasan niya ang bibig bago nagsalita."I don't have any choice. Besides, my baby needs food too." Napayuko siya at hinaplos ang tiyan. Her baby was moving too kaya napangiti na lamang siya. "And also vitamins. You both need 'em."Napaangat siya ng ulo at napatingin sa lalaki, at doo'y nakita niyang ipinatong nito sa ibabaw ng table ang vitamins para sa buntis. Naalala niyang nasa chopper nga pala ang lagguage niya. Ibig sabihin ay kinuha ito ng lalaki. She found her luggag
DINALA sa pinakamalapit na Hospital sa Pampanga si Akie. Dahil sa sinapit nito mula kay Cortez ay kinailangan itong tutukan ng doctor lalo't dinugo ito at may posibilidad na manganib ang kaniyang ipinagbubuntis. Unconscious ang dalaga sa mga sandaling iyon at naroon naman si Jack na nakabantay sa kaniya sa loob ng silid, habang ang matandang si Cortez naman ay hinihintay na gumising ang dalaga para papirmahin na sa mga documents. Gusto na niyang malipat sa kaniya ang lahat pero dahil wala pang malay ang babaeng iyon ay maghihintay muna siya. Naghihintay si Cortez ng tawag ni Jack mula sa hotel na tinutuluyan nito sa Pampanga. Ayaw nitong bisitahin si Akie sa hospital at baka manggigil lang siya sa dalaga at mapatay niya ito. May tiwala naman ito kay Jack na hindi nito hahayaan na makatakas ang dalaga, at isa pa ay marami siyang tauhan na nakabantay sa hospital kaya kung patatakasin man ni Jack ang dalaga ay wala pa rin itong kawala. But he's sure that Jack won't betray him dahil hind
"DAMN that idiot!"Malakas ang boses at gigil na bulyaw ni Cortez habang mahigpit ang pagkahawak nito sa bote ng whisky. Naroon siya sa isang bahay sa Pampanga kung saan niya dinala noon si Akie dahil nilusob ng mga tauhan ni Enton Delavin ang hotel na tinutuluyan niya. Now he needs to hide para na rin makapag-isip ng bagong plano kung paano ulit dukutin si Akie."Ang lakas ng loob ng Delavin na iyon na patumbahin ang mga tauhan ko. He will pay for it!" Kumuyom ang kamao niya lalo pa nang maalala si Jack. "Isa pa ang lalaking iyon. He betrayed me. Akala ko pa naman hindi niya magagawa na ako'y lokohin, but I'm wrong! He fucking betrayed me! I will kill him!" Malakas niyang inihagis sa pader ang whisky dahilan upang mabasag ang bote. Pagkatapos ay kumuha siya ng panibagong bote.Pumasok naman ang isa niyang tauhan sa silid kung nasaan siya naroon na may hawak na telepono. Sa tingin niya ay may tawag na para sa kaniya. Nagsalin siya ng alak sa baso bago nagsalita."Who is it?" tanong n
PATULOY sa pakikipagpalitan ng bala ang kampo nina Andrew at Cortez, pati na rin ang mga pulis. Si Andrew ay walang takot na susugurin ang mga kalaban kahit na may mga balang nagliliparan sa ere. Si Enton nama'y buong lakas din na lumalaban kahit na may tama na ito ng bala sa kabilang binti. Habang si Cortez nama'y natatarantang utos nang utos sa mga tauhan nito na ubusin na ang lahat ng kalaban at nag-utos na rin sa tauhan na tumawag ng susundong chopper para tumakas. Ang hindi nito alam ay wala nang dadating pa na chopper dahil pinalilibutan na sila ng mga pulis. Balak din ni Cortez na bago ito umalis ay papatayin niya muna si Andrew.Nang magtagpo naman sina Enton at Andrew sa gitna ng labanan ay nagpasya si Enton na magpalit sila ni Andrew ng mascara. Nangako siya kay Akie na siya ang bahala kay Andrew kaya tutuparin niya ang sinabi niya sa dalaga. Nang una ay hindi pumayag si Andrew, pero sa huli ay pumayag din ito. Mas okay raw iyon para malito si Cortez sa kanilang dalawa kung