Share

Kabanata 85

Kinuha ito ni Benjamin at tumingin siya kay Gladys. Pagkatapos, tumayo siya at nagpunta siya sa balkonahe para manigarilyo.

Hindi rin naman naapektuhan si James sa mga sinabi ni David. Hinithit niya ang sigarilyo at binugha niya ang usok palabas ng kanyang ilong.

"Tutal gusto niyong ipaglaban ang nararapat na sa inyo, bakit hindi niyo dagdagan yung kukunin niyo. Magtiwala ka sa'kin, Mom. Kapag bumalik ulit sila, hingin mo ang kalahati ng shares ng mga Callahan. Pwede kayong bumalik doon kapag pumayag sila, at kapag hindi, hindi kayo babalik." Ang sabi ni James.

"Ano… anong kalokohan 'yan? Alam mo ba kung gaano kalaki ang family business ng mga Callahan? Alam mo ba kung gaano kalaki ang fifty percent ng family shares?" Ang sagot ni David.

"James, huwag ka na dumagdag sa gulo." Ang sabi ni Thea.

Sa hindi inaasahan, tinuwid ni Gladys ang kanyang likod at sumang-ayon siya, “Sa tingin ko tama ang sinabi ni James! Kailangang nilang ibigay ang fifty percent ng shares para makumbinsi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
nku james e reveal mo nlng kung gaano ka kayaman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status