Share

Kabanata 182

Mukhang hindi natuwa rito si Darryl. “Sino kaya ang dapat na mahiya sa kaniyang sarili?”

“Ano ang ibig mong sabihin!?” Sigaw ni Markus habang isinasara ang kaniyang kamao at pinagbabantaang susuntukin si Darryl. Isa siyang PE teacher na may matangkad at magandang pangangatawan. Kaya wala lang para sa kaniya ang pagbugbog sa batang ito.

Sakto naman ang ginawang pagawat ni Lana sa kaniya. “Huwag kang magpadala sa emosyon mo, Markus!”

Kahit na nagawang tulungan ni Lana si Darryl, Nafrustrate din siya sa batang ito. Masyado na itong rebellious mula noong estudyante pa lang niya ito noong high school.

Isang bagay ang biglang pumasok sa kaniyang isipan nang marealize ang ginawang pagparada ni Darryl ng dala niyang motorsiklo rito.

“Ano rin ba ang ginagawa mo rito Darryl? Nagtatrabaho ka ba sa Platinum Corporation?” Tanong ni Lana.

Nakatayo ang kumpanyang ito sa loob ng isang high-end business area, ang pangkaraniwang nagiging bisita ng Platinum Corporation ay mayayaman at mga sikat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status