Wala kaming sinayang na oras ni Anghelita at ang bawat paghakbang namin ay talagang mabilis dahil hindi na ako makapaghintay na malaman kung nasa function hall ba siya. Mabilis lang naming narating ang lugar kaya agad akong pumasok habang nakasunod lang si Anghelita sa akin. Maraming tao at halos lahat ng upuan ay occupied na. Marami ang napasinghap nang makita nila ako pero hindi ko na iyon pinansin. "Dude, she's a beautiful b*tch!""Bro, she really is! Why so hot, miss?""Sis, may nanalo na. Grand entrance ang loka oh," rinig kong sabi ng isang babae. "Baka ganda lang ang mayroon iyan, 'te."Mas hindi ko pinansin ang mga salitang narinig ko pero hindi ko maipagkakailang may iilang tumatak talaga sa isip ko. Hindi lang ganda ang mayroon ako pero wala akong dapat patunayan sa mga tumatahol na tao. Nakakailang hakbang palang ako nang biglang mapako ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkanta ng isang lalaking singer sa stage habang halos lahat ay nakatingin sa kaniya. Halos nakuha niya
Saglit ko muna siyang tinitigan bago ako ngumiti. Nagtataka ako kung bakit siya lumapit sa akin. "You may sit, Sajie.""Thank you," sambit niya bago siya umupo sa silyang nasa kabila ng aking mesa. Magkaharap kami at kitang-kitang namin ang mukha ng isa't isa."Bakit nandito ka?" nakangiti kong tanong at tinignan siya nang deretso. "Gusto mo bang kumain? O-order ako," dagdag ko pa."Gusto kong mag-sorry sa iyo," nahihiya niyang sabi. Napaka-inosente niya pa ring tignan pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagso-sorry. Wala naman siyang ginawang masama sa akin, hindi ba?"What do you mean?" Gustong-gusto ko na talagang malaman ang dahilan kung bakit siya nagso-sorry pero sinisikap ko pa ring maging kalmado at huwag mag-isip ng kung anu-ano."Excuse me po. Puwede ko na po bang kunin ang mga plato? Para po mas maayos kayong makapag-usap," saad ni Anghelita na nakalapit na pala sa amin."Sure," nakangiting sagot ko naman sa kaniya. "Thank you."Wala munang nagsalita sa amin ni Saj
Binigyan nila ako ng time na mag-ayos muna ng sarili kaya umalis muna sila. Hihintayin nalang daw nila ako sa isa sa mga cottage sa harap ng resort. Hindi na ako nagsayang ng oras kaya agad na akong naghilamos, nag-toothbrush, at nagpalit na rin ako ng damit. Para mabilis ko silang mapuntahan ay hindi na ako nag-order ng pagkain. Dumaan nalang ako sa mini store ng resort para bumili ng biscuits at bottled water. Oo, kumakain ako habang naglalakad papunta sa cottage. Alam kong hindi tamang kumain habang naglalakad pero gusto ko na talagang malaman kung ano ang sasabihin nila. Hindi na ako makapaghintay. Agad ko silang natanaw matapos kong makalabas sa resort. Sa dagat sila nakaharap kaya hindi nila ako nakita kaagad. Naka-akbay si Blue kay Sajie at parang nag-u-usap sila. Ang sweet nilang tignan. "Hi, guys. Nandito na ako," sabi ko sa kanila nang makarating na ako sa cottage. Umayos naman sila ng upo at tumigil na si Blue sa pag-akbay sa kaniya. "Hi, Cat. Maupo ka," saad ni Sajie b
Bigla nalang itinuon ni Chasi ang paningin niya sa mga buhangin at halatang hindi niya ako magawang tignan sa mga mata. "Because you were an eyesore when you were around Blue... before. I just wanted to bring them back together!" matapang niyang sabi bago itinuro si Blue at Sajie. Magkakakilala sila."Pero hindi ako mang-a-agaw, Chasi. Hindi ako mang-a-agaw," may diin at inis kong sabi. Hindi ko siya pinagdudahan pero siya pala ang may masamang balak sa akin. Totoo ba talaga na minsan ang inaakala mong kaibigan ay kaaway pala? Hindi pa rin siya makatingin sa akin dahil siguro sa sobrang hiya. "I know. But I was dying to see them together again and you could be a hindrance. I was a witness of their relationship since the beginning until their break up. Sajie is my bestfriend and I want her to be happy in Blue's arms again. Getting rid of you became the quick answer to erase a potential third wheel for their come back. You are undeniably gorgeous. Any man will easily fall for you. You
"Kagabi lang kami nakapag-usap ni Chasi magmula nang dumating ako sa resort. Sa pagkakaalam ko 11:40 na kagabi. Iniiwasan niya talaga ako kahit na wala naman kaming problemang dalawa. Madalas siyang wala kapag hinahanap ko siya sa bahay niya tapos mababalitaan ko nalang minsan na kung saan-saan na siya pumupunta. Nalaman ko rin na madalas niyang sundan si Blue kahit saan. May minsan nga na inakala kong may gusto siya kay Blue pero wala pala. May longtime boyfriend siya na sure akong mahal na mahal niya. Gusto niya lang talaga na magkabalikan kami ni Blue na dapat sana ay hindi niya pinu-problema. Sinundan niya kayo ni Flakes kahapon ng umaga sa Mt. Tapyas at sinundan ko rin siya dahil nagdududa na ako sa mga ikinikilos niya. Pero hindi niya ako pinansin kahit pa nilapitan ko siya. Nag-walk out siya ilang minuto matapos niyong makaalis. Hindi ko alam kung saan siya nagsusu-suot dahil hindi ko na siya sinundan pa. I respected her privacy that time. Hanggang sa itinadhana na rin siguro n
Casantha's Point of View"Benny! Makikipag-meet ako ngayon sa isang manunulat!" Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi ma-excite dahil makikipagkita na sa akin si Mr. Blueguy. "Hoy, g*ga! Baka mamaya mapahamak ka sa ginagawa mo! Wala pa naman ako diyan para i-save ka in case!" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Benedicto. Oo, Benedicto ang real name ng kaibigan kong binabae. "Grabe naman 'to. Safe naman dito sa resort saka pagkakataon ko na 'to para makakilala ng isang sikat na writer!" "Sikat? Gaano kasikat, girl?""Mayroon lang naman siyang 2 million followers, 'day!""Well, famous nga. Pero hindi pa rin tayo nakakasigurado kong safe iyang tao na iyan.""Ano ka ba! Safe ako rito sa resort saka may pepper spray ako rito sa bag dahil feeling ko mysterious ang lalaking iyon.""Ano? Lalaki siya?" Nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya na lalaki ang imi-meet ko. "Oo, lalaki. Siya si Mr. Blueguy waaa!""Naku, ate girl! Mag-ingat ka talaga. Baka mamaya rapist iyan.""Ikaw, kun
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit nakipagkita sa akin si Blue. Bigla kasing may tumawag sa kaniya na isang staff ng resort kaya ayon hindi niya nasabi ang sasabihin niya. "Ba't ba ako nagba-backread? Wala namang espesyal sa convo namin ni Blue ah." Kinakausap ko na naman ang sarili ko. [Flashback]"Benny! Nasa Coron na ako!" masayang bungad ko sa kaibigan ko. Through phone call lang kami nag-u-usap since may mga time na bumabagal ang internet connection dito sa resort kung saan ako nag-i-stay. "Wow, nice iyan! Biruin mo iyon nakapunta ka na sa Coron. Dati pangarap at bukambibig mo lang iyan pero ngayon nandiyan ka na!" "Sinuwerte lang na pinayagan, 'day!""Suwerte mo talaga, girl! "Oy, ta-try ko pala magbasa sa sikat na reading platform na usong-uso pa rin hanggang ngayon!""Ano? Ano ka teenager? HAHAHA!""E, hindi ko kasi naranasang magbasa roon dati eh. Pinagbawal nila daddy at mommy.""Basta piliin mo lang ang mga babasahin mo. Nagbasa rin ako roon noong high sch
"Makalabas na nga lang muna para makalanghap ng sariwang hangin." Naglakad lang ako hanggang sa marating ko ang isang cottage kung saan walang tao, nasa harap ito ng resort at malapit sa dalampasigan. Kakaunti lang ang mga tao na naglalakad at naka-upo sa tabi ng dagat ngayon, hindi ko rin nakita si Blue sa paligid. Agad akong umupo sa upuang gawa sa kawayan at nag-selfie. Siguro mga nakakalimang click na ako nang maisipan kong tignan ang mga pictures ko. "Ay, ang pangit ko naman dito. Ang chaka haha!" mahina pero natatawa kong sambit. Ipinusisyon ko na ang cellphone ko para mag-selfie ulit nang bigla kong nakita ang isang lalaki na nasa likuran ko sa pamamagitan ng cellphone camera ko. Nag-wacky pose pa talaga siya. Ang cute. Imbes na ituloy ang pagsisi-selfie ay ibinaba ko nalang agad ang cellphone ko at hindi muna nagsalita. Kunwaring hindi ko siya napapansin dahil nag-i-scroll ako sa cellphone ko. "What's wrong? Let's just take a picture together," kalmado niyang sambit.