Share

She Resembles Her

HINDI ako nakatulog ng gabing iyon at paulit-ulit na sumagi sa utak ko ang lalaking nakatagpo ko sa bukid. Bumalik-balik sa diwa ko iyon hindi dahil sa kagwapohan na taglay nito kundi ang kalungkutan na nasilayan ko sa mga mata ng lalaki.

Pabali-baling lang ako sa kama halos hindi ako dinalaw ng antok. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata pero palagi na lang lumilitaw ang imahe ng lalaking estranghero sa balintataw ko.

Who is that man, anyway? As if kilala ko 'yon.

Konta-gustong bumangon ako at bumaba ng kusina. Nagsalin ako ng gatas sa baso. Kailangan ko ng matulog at maaga pa ako bukas para sa tindahan ko. Akmang itutungga ko ang baso nang tumunog ang hawak kong cellphone. Nakita ko ang pangalan ng aking ina sa screen.

"Oh, thank goodness you answered my call, Amella," dinig ko si Mommy Patricia sa kabilang linya.

"Mom."

Nanghingi ito ng pabor dahil naaberya ang sasakyan nito at ni-maski taxi ay walang dumadaan sa kinaroroonan nito.

Agad akong nagbihis ng maong highwaist short and a white hanging blouse.

Patakbo kong kinuha ang susi ng kotse at mabilis bumaba ng hagdanan. Hindi ko na inabalang maglagay pa ng make-up sa mukha ko at dali kong sinukbit ang flipflop slipper ko. Mabilis kong inusad ang kotse ko papalabas ng bahay.

Habang binaybay ko ang kalsada ay nakadama ako ng tigang ng lalamunan. Naisip kong maghanap ng convenience store upang makabili ng maiinom. Agad kong inusad ang kotse nang may nahagilap akong isang maliit na seven eleven sa kabilang ibayo. Walang segundong bumaba ako't pumasok agad ng tindahan.

Akmang buksan ko na sana ang chiller nang may marinig akong isang ingay. Parang may nabangga? Nilingo at hinanap ko ag pinanggalingan ng ingay na iyon.

Ibig lumugwanang eyeballs ko sa nabungaran. "Holyshit!" mura kong bigla nang mapagtantong kotse ko ang nabangga ng kung sino.

Pagminalas ka nga naman!

Padabog kong muling sinara ang chiller. Nawala tuloy ang uhaw ko dahil sa inis ko sa nasaksihan. Inis at mabibigat ang hakbang kong lumabas ng tindahan. Tinalunton ko ang kinaroroonan ng kotseng nakabangga ng kotse ko.

Dagli kong dina-dial ang cellular number ng aking ina.

"Mommy, may nangyari po, tatawagan ko na lang si Shane at siya ang susundo sa inyo." Ang tinutukoy ko ay ang aking pinsan.

"Anong nangyari, anak okay ka lang ba?" Dama ko na may halong pag-alala ang boses ni Patricia.

"H'wag kang mag-alala, Mommy at okey lang ako. Some crazy bastard bumped into my car, luckily I was inside the store," matabang kong pahayag.

"Nasaan ka ba at pupuntahan ka namin ni Shane," ani nito.

"No Mom, I'm fine I can handle this. Go home straight and take some rest," iyon lang at in-off ko na dahil alam kong hindi ako tigilan ng ina ko.

Nakasimangot kong nilapitan ang mamahaling itim na kotseng bumangga sa kotse ko. Kinatok ko ang salaming bintana ngunit walang dumungaw at nanatiling nakasarado. Kaya tumaas ang kilay ko at halos umusok ang tainga ko.

Mahigit isang minuto ang nakalipas. Nakapamaywang na hinintay kong may lumabas pero wala pa din. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at isang tadyak sa may pinto ng sasakyan ang ginawa ko.

"Bastard! Lumabas ka diyan!" sigaw ko mula sa labas habang naka pamaywang. "You craz—" napatigil ako sa ibig kong sabihin ng biglang nagbukas ang pinto.

Isang pigura ng lalaki ang tumambad sa akin. Tantiya ko'y mga 6ft ata ang taas nito. Medyo madilim ang gawing iyon na kinaroroonan namin kaya hindi ko masyadong maaninag ang hitsura nito subalit sigurado akong isang magandang laalaki ang kaharap ko.

Napatingala ako nang tuluyan itong makalapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway. Hindi ko man mawari pero ang lalaki ay napakaguwapo.

"Y-You—" Nauutal ako habang hinarap ito.

"Winona? Is that you?" saad ng lalaki kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Tuloy nagsalubong ang aking kilay. At may kakaibang igting sa aking katauhan ang pangalang binanggit nito.

Hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa nito. Biglang hinagip nito ang beywang ko't dinikit sa sariling katawan at niyakap ako ng sobrang higpit. Higpit na na animo'y madudurog ang buto ko.

"Winona, I missed you."

Dinig kong bulong nito. Ang hininga nito ay tumama sa bunbunan ko dahilan na parang gustong humiwalay ang espiritu ko sa katawan sa hatid na init niyon. Nagulat ako sa biglaang ginawa ng lalaki. Halos hindi ko maipinta ang aking mukha.

Nanigas ako na talo ko pa ang monumento sa parke. Hindi ako halos makagalaw dahil sa higpit ng yakap nito sa katawan ko.  Ang hindi ko maipaliwanag ay ang pabigla-biglang tinambol ang dibdib ko. Pintig na kay lakas at nakakabingi. Ang puso ko'y para nasisiraan ng bait sa tinding kabog. Tibok na tila ba pamilyar pero hindi ko mawari. Parang huminto ang ikot ng mundo para sa aming dalawa.

"Winona," muling bigkas nito sabay na kinintalan ng halik ang buhok ko.

At sa ginawa nito ay agad akong natauhan. Pinilit kong ikurap-kurap ang aking mga mata upang tuluyang magbalik ang aking diwa sa kasalukuyan. Buong lakas kong tinulak ang lalaki papalayo sa akin.

"W-what are you doing?" Nanggagalaiting tanong ko dito na pilit binawi ang sarili sa pagkakayapos ng lalaki pero hindi man lang ito natinag sa ginawa ko sa halip mas lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin na animo'y takot itong kumalas.

"Pwede bang manatili tayo ng ganito kahit saglit lang...Winona?" utos na bulong nito sa gawing tianga ko. Binigkas na naman nitong muli ang pangalang Winona.

Hindi nakaligtas sa pang-amoy sa ang amoy ng alak mula sa hininga nito. He's drunk!. Yes, he is indeed!

"L-let me go!" Nagpumiglas ako, na halos maubos na ang lahat ng lakas ko dahil sa pagtulak dito. "Sino ka ba? Hindi kita kilala, pwede ba lumayo ka!?" pagprotesta ko. Hindi ko pa rin tinigilan ang akmang pagtulak sa lalaki.

Malaki ang lalaki, malalapad ang mga balikat, kahit anong pilit kong itulak ito ay parang walang silbi ang lakas ko. Hindi ko tinigilan at pilit kong binawi ang sarili mula sa pagkakayapos nito. Nang bigla ako nitong binitawan. Sa aking kabiglaan ay nawalan ako ng balanse, nabuway ako at bumagsak ang pang-upo ko sa semento.

Napatili ako. Nalukot ko ang mukha dahil tumama ang pang-upo ko sa matigas na semento. "Ouch!" D***g ko.

Kita kong napaatras itong bigla na halos mawalan din ng panimbang. Siguro'y dala na rin ng kalasingan.

"What's wrong?" maang-maangang reklamo nito na halos mabuway sa kinatatayuan.

Napataas ko ang aking kilay sa narinig na halos umuusok na tainga ko sa inis. "Whats wrong? Baliw ba ang lalaking 'to?!" kikibot kong ani sa sarili.

Agad akong tumayo mula sa pagkakabagsak ko sa semento, marahas kong pinagpag ang alikabok sa denim short na suot ko.

Isang masamang titig ang pinukol ko dito. "What's wrong, huh? Tanga ka ba hindi mo ba nakikita kung anong ginawa mo?" walang preno- prenong sumbat ko sa lalaki.

"Hey! Winona," ani nitong humakbang papalapit sa aking kinatatayuan. Pasuray-suray.

Umigting na naman ang tainga ko sa narinig. "Hindi mo ba nakikita ha? Hindi ako si Win... or whatever. I am Amella, A M E L L A as in Amella. H'wag mo akong tawagin sa pangalan na 'yan!" Halos madurog ang bagang ko sa tinding panggagalaiti.

Patuloy pa rin itong humakbang papalit sa akin na hindi pinakinggan ang sinabi ko.

"W-wait...wait what are you doing? Don't you dare get near me, I- I warned you!" kandabulol na babala ko sa lalaki. Pero animo'y wala itong narinig at patuloy pa rin ito sa paghakbang hanggang sa ilang centimetro na lang ang layo namin sa isa't isa. Huminto ito sabay na hinagod ang kabuuan ko.

Bigla akong nailang sa ginagawa nito. Nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa mga titig na pinukol nito sa akin.

"W-what are you planning to do? Don't you dare take another step or else—" Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla ito tumalikod na animo'y walang nangyari.

"You are not her!"mahina na sabi nito na sinimulang ihakbang muli ang paa patungo sa kinaroroonan ng magarang kotse.

Inis na napakagat labi ako sa inakto nito. "Hey! Is that it? Don't you even know how to apologize?" sigaw ko na pinilit na habulin ang mga malalaking hakbang ng estranghero.

Wala akong makuhang sagot dito sa halip pinagpatuloy nito ang paglalakad.

"Hey! How about my car, you bumped into my car and harassed me!" inis kong ani habang nakasunod dito.

Bigla itong huminto at dagling humarap sa akin. Napaatras tuloy akong bigla. And I can barely see his handsome face. Hindi ako makapaniwala, ang lalaking nakita ko kanina sa ibabaw ng bukid at ang lalaking kaharap ko ngayon ay iisa. Paanong?

"Then, what do you want me to do?" matabang at antipatikong ani nito.

Napasimangot ako. Kung makapagsalita ito animo'y ako pa ang may kasalanan. The nerve!

"Hey Mister!. Hindi mo alam ang ginawa mo? You just bumped my car not just all that you harassed me! That's pretty offensive! So, let's settle this once and for all!" buong kompiyansang pahayag ko.

"Okay then, talk to my lawyer," kampanteng ani nito. May dinukot itong isang papel sa suot nitong tuxedo.

"Here!" biglang lahad nito sa akin.

"What is this?" nakataas ang kilay na tanong ko na tinanggap ang inabot nito.

Isang ngiting nanunukso ang pinakawalan nito. "That's my bussiness card, obviously!"

"Alam ko, h'wag mo akong gawin ditong bobo!"

"You told me that we have to settle everything. Call me how much the damage I made, then I'll pay you," mayabang nitong pahayag.

Sumingkit ang aking mga mata sa narinig. Kung tutuosin I can afford to fix my car. Gusto ko lang ng apology galing dito mahirap ba iyong gawin?

"Wait, I just want to hear some apology from you, I don't need your money, anyway!" pagpumilit ko.

Pero parang wala itong narinig sa sinabi ko. Nagtuloy-tuloy ito na pumasok sa loob ng sasakyan, at pagbagsak iyong sinara.

"Teka! Teka!" Marahas at nanggagalaiti kong kinatok ang pintong salamin ng sasakyan pero hindi na iyon muling bumukas pa. At dahil sa inis ko at hindi ko nakontrol ang galit ko. Hindi ko namalayan na pumulot na pala ako ng isang matigas na bagay sa kung saan at buong lakas ko iyong binato sa harapang salamin ng kotse ng lalaki. Ayon at basag!

Biglang sumikdo ang kaba ng dibdib ko. Ang modelo ng sasakyan ay hindi lang basta-basta, mamahalin at sobrang magara. Muling bumukas ang pinto sa may gawing driver seat. Iniluwa ang antipatikong lalaki.

Aninag ko ang pagkalukot ng mukha nito halatang nagtitimpi sa galit. Mabibigat ang mga hakbang nito na papalapit sa kinatatayuan ko.

Napalunok ako ng laway at bigla atang pinagpawisan ako ng malamig.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayang biglaang hinablot nito ang kaliwang braso ko at pwersahan akong tinulak sa gilid ng sasakyan nito at marahas na pinasandal. Dama ko ang hapdi ng balat kong tumama sa matigas na bagay. Naipikit kong bigla ang aking mga mata, ayokong makita ang nagdidilim nitong mukha.

"Why did you do that?" paos na bulong nito sa gawing tainga ko. His jaw clenched. Dama ko halos ang init ng hininga nitong pumaypay sa pisngi ko. Hindi rin nakaligtas sa ilong ko ang mamahaling perfume ng lalaki.

"Lets be fair!" ani kong nakigpaglaban ng titigan dito. Halos isang dangkal na lang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa gwapong mukha nito. "Fair huh? Let see after this!"

Pagkasabi niyong namalayan ko na lang na sinalakay nito ang labi ko. Marahas at walang ingat na animo'y naghahanap ng kabayaran.  Nagpumilit ang dila nitong maghanap ng entrada sa bibig ko.

Nanlaki ang aking mga mata nakalimutan kong kumurap dahil sa aking gulat dahil sa marahas at maparusa halik na ginawad nito.

Nagpumiglas ako pero parang baliwala lang nito ang lakas ko't mas lalong diniin ang sarili sa akin. Tinudyo-tudyo ang labi ko na animo'y may hinahanap hanggang sa hindi ko namalayang pumikit ang mga mata ko't nadala sa ginagawa ng lalaki. Kusa ko na palang sinuklian ang mainit na halik nito.

Habang liyong-liyo ako sa mga halik nito'y bigla itong tumigil at kumalas. Nagulat at biglang nag-iinit ang pisngi ko sa hiya.

Isang nakakalukong ngisi ang pinakawalan nito pagkatapos.

"Sigurado akong nasisiyahan ka sa ginawa natin, patas na tayo," pagkasabi niyon ay walang ingat nitong pinakawalan ang beywang ko. Tumalikod na parang walang nangyari. Pinaharurot ang kotse at iniwan akong lutang.

Nakasunod tanaw na lang ako sa sasakyang papalayo. Naiwan akong nakatulala. Namamalayan ko na lang na bumagsak na pala ang mga tuhod ko papaupo. Namamanhid ang tuhod ko.

"What's wrong with you Amella?" pangaral ko sa aking sarili.

Wala sa sariling pinunit ko ang business card na kanina ay hawak-hawak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status