Share

KABANATA 49 I INIWAN AKONG MAG-ISA

Nag-impake si Sean ng ilang damit at mga kailangan sa isang maliit na maleta habang si Via naman ay pinapanuod lamang si Sean na abala sa paglalakad sa silid.

Naglagay rin ang lalaki ng ilang file at dokumento sa isang travel bag.

“Bakit ka pa magdadala ng damit? Pupunta ka lang naman sa Manila ‘di ba?” naguguluhang tanong ni Via.

Kagabi, sinabi ni Sean na may gusto siyang asikasuhin sa Manila at palagay ni Via na tungkol ito sa trabaho ni Sean sa Luna Star Hotel.

Higit pa rito, napansin niya ang lalaki na matagal nang hindi nakikitang gumagawa ng mga normal na aktibidad, gaya ng pagsuri sa email, pagtawag, o abala man lang sa laptop at gadget.

Huminto si Sean sa pag-iimpake at lumapit kay Via na panay ang tingin sa kan’yang bagahe.

“Gagawi rin kasi ako sa Cebu para bisitahin si Tiya Azura at kumustahin ang kalagayan niya,” sabi ni Sean na agad namang ngumiti si Via. Uminit ang puso niya dahil talagang nagmamalasakit si Sean sa nag-iisang pamilya niya. Muntik pa ngang makalimutan n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status