Nang gabing natapos ang trabaho nina Igneel at Aricella, sinundo na ni Igneel si Aricella. Hindi na nila kasabay si Lienne dahil maagang sinundo ni Igneel si Aricella at nagplano sila na mag-dinner. “Gusto mong makipag dinner sa akin dahil may sasabihin ka sa akin, tama?” tanong ni Aricella kay Igneel nang makasakay na sila sa kotse. Ini-start muna ni Igneel ang kotse at sinimulan ang pagmamaneho. “Yes,” sagot niya kay Aricella. “Saan mo gustong kumain ngayong gabi?” tanong niya naman. Nag-isip si Aricella, hindi siya sigurado kung saan niya gusto pero gusto niyang kumain ng may sabaw. “Anong oras na ba? Kaya ba natin pumunta ng malayo? May naisip sana ako,” sabi niya. Tinignan ni Igneel ang relo niya. “Alas-siyete pa lang naman. Saan mo ba gusto? Anywhere, pupuntahan natin iyan kahit malayo.” Nakangiting sabi ni Igneel. Napangiti rin si Aricella at hinarap si Igneel. “Let’s go to Tagaytay, gusto ko ng mainit na bulalo ngayon…” Masayang sabi ni Aricella. Napakunot naman ang n
Kanina pa kami naglalakad dalawa pero hindi pa rin kami nag-uusap. Badtrip pa rin ako sa kanya. "Ayaw mo talaga akong pansinin? Ilang kilomentro na lang makikita na natin ang Lolo mo." Hindi ko siya sinagot. Ano naman kung makita ako ni Lolo na ganito ang suot? Hindi niya ako sasaktan dahil magsusumbong ako kina Mommy. "Miss, may hindi pa tayo nadaanan. Dadalhin kita sa La Vieda Roses." "La Vieda Roses?" Napahinto ako at lumingon sa kanya, hindi ko pa narinig na may mga rosas dito. Ang tagal ko na talagang nawala. "Where is it?" I asked rudely. I heard him chuckled but I did not bother to ask why. Natuwa yata ang dugyot dahil pinansin ko na siya. Kinakausap ko lang siya dahil interesado ako sa mga roses, walang iba! Ang dungis niya!"Tara." Inalahad niya sa akin ang kamay niya na kinataka ko. "Anong gagawin ko diyan? Kaya ko namang maglakad na hindi nakahawak sa kamay mo." I immediately turned my back at him. Anong tingin niya sa akin? Tanga maglakad? Madapa or something — "Eyyy!
Ayan, tama iyan Fianna. Magaling ka naman magpalusot. "Siguro nga, apo. Hala sige, magbihis ka na roon dahil mukhang hindi maganda ang panahon at naulanan ka pa. Bawal ka magkasakit, may lakad tayo bukas."Tumango na lamang ako sa kanya at nagpaalam na umalis na para makapag-bihis. Nagpapasalamat akong mukhang hindi naman siya nagduda sa akin."Ma'am!" Nagulat ako dahil sa sigaw ni Laya pagkapasok ko ng kwarto. Sinamaan ko siya ng tingin, anong problema ng isang 'to?Tinaasan ko siya ng kilay, "problema mo?" tanong ko. Lumapit ako sa closet ko para kumuha ng damit, obviously katulad na ng mga pinsan ko ang mga damit sa closet ko, habang ang nakasanayan kong damit ay nasa maleta ko lang."Malaki, Ma'am. Sobrang laki ng problema, Diyos ko! Saan ka ba kasi nanggaling? Kanina pa ako nag-aalala sa'yo dahil ang tagal mong bumalik, anong nangyari? At basang-basa ka?" Napangiwi ako dahil sa sunod-sunod niyang katanungan.Hindi pa naman ako patay pero kung maka-react naman 'tong si Laya. "Chill
Gusto kong batuhin si Laya dahil kanina pa siya palakad-lakad na parang siya ang kinakabahan. Noong natapos ang hapunan, nagsipasok na kami sa mga kwarto namin. Ngayon ay kasama ko si Ate Angela dahil mag-uusap din kami."Hindi mo ba papakalmahin si Laya?" tanong ni Angela. Umiling ako at itinuon na lang ang attention sa cellphone ko. Naglalaro lang ako dahil wala naman akong kausap."Hayaan mo siya, mahihilo rin iyan mamaya." Walang gana kong sabi. Alam kong kinakabahan at pinoproblema ni Laya kung ano ang pag-uusapan namin ni Lolo mamaya.Sa oras na ito ay kausap na ni Lolo si Lazardo, inaantay ko na lang na ako ang tatawagin kaya naman habang hindi pa ako tinatawag, kakausapin ko muna si Angela. "Ano bang sasabihin mo sa akin, Ate Angeloa?" tanong ko. Umayos naman siya ng upo sa kama ko, humarap sa akin at agad na binawi ang phone ko kaya sumimangot ako sa kanya Nakikita niyang may ginagawa ako e!"Ano ba talagang ginawa mo kanina? Hindi mo ba alam na ang laki ng gulong pinasok mo?
Okay, Fianna. Si Laya lang 'yan, pwede mo siyang tanggalin para hindi na sasakit ang ulo mo. Sabay na kaming bumaba ni Laya, nakita naman namin agad na handa na rin ang iba. Ang sabi ni Abuela ay hindi na kami mag-uumagahan sa mansyon dahil nagpahanda siya kung saan man kami pupunta ngayon. Lumapit ako kay Abuela at hinalikan siya sa pisngi, wala si Lolo dahil naunang umalis kaya ang kasama ko ngayon ay ang mga pinsan ko, ibang katulong at si Abuela. Sumakay na kami sa malaking jeep, dalawa ang nilabas dahil hindi naman kami kasya sa isa lang. Iyong jeep na nakikita ko rin sa Manila ay siyang ginagamit namin. "Mabuti naman ay maayos na ang suot mo ngayon, Fianna." Bumaling ako sa nagsalita, sinamaan ko ng tingin si Jeanna. Katabi niya si Lucy na parang walang pakealam sa sinasabi niya. Kahit ako ay walang pake sa kanya. "Syempre, baka mainggit ka ulit dahil nakayanan kong suotin ang mga gusto kong suotin. Kaya mo siguro ako sinumbong kay Lolo dahil naiinggit ka? How childish, Jeann
Napahawak ako kay Angela na nasa tabi ko, ramdam ko rin na nilalamig siya. "Tinatanong ko kayo kung ano ang ginagawa ninyo rito," ulit na sabi ni Lazardo."Napadaan lang kami, Lazardo. Babalik na rin kami, tara na Angela." Hinila ko si Angela at nagpahila naman siya ngunit bago pa kami makaalis ay narinig namin ang isang boses na tumawag kay Lazardo."Oh, Lazardo. Naparito ka, tapos na ba ang trabaho mo?" Rinig kong papalapit ang boses ng lalaki sa amin, tumingin ako kay Angela na ngayon ay namumutla na kaya hinawakan ko siya nang mabuti."Umalis na tayo, Fianna." Mahinang sabi ni Angela."May kukunin lang ako, Lorenzo. Napahinto lang dahil may nakita akong dalawang pusa rito—""Pusa? Alagaan natin, Lorenzo!" Masayang boses ng babae. Mas lalo kong idiniin ang hawak kay Angela dahil silang dalawa na ang papalapit sa amin.Sinamaan ko ng tingin si Lazardo, ginawa pa kaming pusa. "Hindi na, Mayne. Kilala ko ang may ari ng mga pusa, ibabalik ko muna ang mga ito sa kanila.""Paano ang kukun
SA ISANG mahabang hapagkainan ay nakaupo ang pamilya ni Aricella at si Igneel. Kaarawan ngayon ni Janette, ang ina ni Aricella. Mapagmataas ang kilay nitong nakapako kay Igneel at halatang namimintas sa paraan ng pagkakatingin. Tahimik ang lahat at hinihintay ang haligi ng tahanan.“Kumusta ang Astral Finance, Aricella? Nakarating sa amin ang balitang hindi maganda ang lagay ng kumpanya niyo,” panimula ni Arman, ang ama ni Aricella, pagkakita sa kaniya. “Nagtayo nga kayo ng Finance Company para mag-handle ng financial problem at solusyunan ito e sa nangyayari kayo ang nagkakaroon ng Financial problem,” patuloy nito habang umuupo.“Astral keep on striving for the better, Papa,” aniya habang iniangat ang baso at uminom ng tubig. “Nagkaroon lang ng maliit na aberya pero maaayos din iyon, para saan pa at nag-aral ako sa Harvard ng Finance Management kung hindi ko iyon mareresolba.”After graduating from a famous American university, Aricella Vermillion went back to the Philippines to accep
SINUKLAY ni Igneel ang buhok niya nang biglang bumalik sa kaniyang isipan ang nakaraan. Ang pamilya niya ang nasa likuran ng naglalakihang establishment hindi lang sa Pilipinas kung ‘di sa iba’t ibang panig ng mundo. His family was the real power behind the Dela Muerte family, the Vandorpe family, and the Del Vecchio consortium.Bilang isang Rubinacci at nag-iisang tagapagmana, kinakailangan niyang sumabak sa isang pagsubok. Hindi ito pangkaraniwan dahil sampung taon ang gugululin niya para lang mapatunayan na karapat-dapat siya para sa posisyon na iyon. Being Rubinacci’s heir wasn’t easy as one two three. He needs to successfully spend ten years under the family blockade.Sa loob ng sampung taon ay kinakailangan na buhayin niya ang sarili at tumayo sa sariling mga paa. He could not support himself by any labor, but begged around like a beggar. He also looked for a job at first, but without exception, he did not get paid in the end. Mula sa Italya ay ipinatapon siya sa bansang Pilipin