Share

Chapter 108

Gaya ng sinabi ni Samantha na huwag muna umalis si Igneel sa bahay nito, hindi nga siya umalis dahil inantya niya pa si Samantha kahit na pupuntahan niya ngayon si Aricella. Hindi rin naman umabot ng dalawang oras ay nakarating si Samantha sa bahay ni Igneel na kasama na si Kristine.

"Samantha? Pasok ka. Bakit ba gusto mong pumunta rito at ayaw mo na lang sabihin sa akin sa tawag?" tanong ni Igneel, hindi niya pa rin nakikita si Kristine dahil nagtatago ito sa gilid kaya si Samantha lang ang napansin niya.

"Uh...kasi may gusto lang akong sabihin sana sa'yo..." Nahihiyang sabi ni Samantha, bumaling siya sa kanyang gilid para senyasan si Kristine na lumabas na.

"What is it, Samantha? Sabihin mo na dahil may pupuntahan pa ako---"

"Surprise!"

Napatigil si Igneel at gulat na tumingin sa babaeng sumulpot mula sa gilid likod ni Samantha. Napaawang ang kanyang bibig habang nakatingin sa babae. "K-kristine?" Hindi makapaniwalang tanong.

"Yes, it's me!" Masayang sabi ni Kristine at lumapit kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status