Share

Chapter 140

"Kristine, may kasabay akong kumain ng lunch at iyon si Aricella. Ang asawa ko," direktang sabi ni Igneel kay Kristine.

Mas lalo namang nainis si Kristine dahil sa sinabi ni Igneel. Tinignan niya ng masama si Aricella at saka bumaling ulit kay Igneel. "Pero ako ang unang nag-aya sa'yo, ako ang unang dumating dito para ayain ka. Kung gusto ka niyang kasabay kumain ng lunch pwede naman sa susunod na araw , iyon nga lang kung mauunahan niya ako sa pagdating dito," mahabang sabi ni Kristine.

Napaawang naman ang bibig ni Aricella sa narinig niya mula kay Kristine, kumunot din ang noo ni Igneel. Hindi sila pareho makapaniwala na nasasabi iyon ni Kristine na para bang pakiramdam niya tama ang nirason niya.

"What are you saying? Aricella is my wife, sa kanya ako sasabay," giit na sabi ni Igneel.

Mas lalong nagalit si Kristine. "Ako ang nauna, Igneel!" pagpupumilit niya.

Pumikit nang mariin si Igneel at nakita iyon ni Aricella kaya naman lumapit na siya sa kanilang dalawa at hinaplos ang l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status