Share

Chapter 64

"Hindi ba pupunta ngayong araw si Igneel, anak?" magaan na tanong ni Janette kay Aricella na nag-aayos ng gamit dahil oras na para pumasok siya sa opisina.

Naalala niya ang nangyari kagabi at ang nangyari kaninang umaga na saktong paggising niya ay mayroon ng nakahandang pagkain sa lamesa. Napangiti si Aricella nang maisip ang ginawa ni Igneel na para sa kanya. Baka kung para sa ibang tap ay wala lang iyon, o maliit lang na bagay para sa isang lalaki na ganoon ang trato sa isang babae, para kay Aricella ay malaking bagay na iyon. Pakriramdam niya ay mas nanalo pa siya sa lotto dahil sa ginawa ni Igneel.

"Ate, tinatanong ka ni Mama."

Agad na bumalik sa ulirat si Aricella nang magsalita si Jenna. "Huh? Ano iyon, Ma?" Nagtatakang tanong ni Aricella.

Kumunot naman ang noo ni Janette dahil sa pagiging tulala ni Aricella. "Armand, ano bang nangyayari sa anak natin at kanina pa ito tulala?" tanong ni Janette sa asawa na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

"Nakangiti lamang siya,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status