Hindi naman nagtagal ay nakarating si Aricella sa mansyon ng mga Rubinacci at nadatnan niya si Diana na kasama si Igneel sa sala, agad na tumayo si Igneel nang makita niya si Aricella na tila ba nagmamali ito. "I'm sorry, late na ba ako? May problema po ba?" agad na tanong ni Aricella. Bahagyang kumunot ang noo ni Igneel dahil nagtaka siya kung bakit iyon ang tinanong ni Aricella at mukhang nag-aalala ito. "No, no. Wala namang problema, my son just requested me na ikaw ang sumama sa kanya," sabi ni Diana. Tumingin si Aricella kay Igneel, "M-magpapasama? Saan?" Nauutal na tanong ni Aricella. Bahagyang yumuko si Igneel dahil nahihiya siya kay Aricella, hindi niya alam na mukhang busy na tao si Aricella kaya nahiya siya nang makitang nagmamadali si Aricella dahil lang sa kanya at naisip niya na ang pagpapasama kay Aricella ay isang maliit lang na bagay."Pasensya na kung naisturbo kita sa ginagawa mo?" Nahihiyang tanong ni Igneel.Umawang ang bibig ni Aricella at agad na umiling. "No,
Umiwas ng tingin si Aricella dahil sa sinabi ni Igneel, inaamin niyang nasaktan siya sa sinabi ni Igneel. Umasa siya na maalala na siya ni Igneel sa pamamagitan ng halik ngunit hindi pala. Natatawa siya sa kanyang isipan dahil ang tingin niya sa kanyang sarili ay nakakahiya siya. "Ayos lang, makakaalala ka rin. Dahan-dahanin na muna natin at baka masaktan ka pa kapag nabigla ka sa mga malalaman mo," sabi ni Aricella na nakangiti.Tumingin siya sa paligid ng bahay, ganoon din si Igneel. "Gusto mo bang libutin lahat bago ka umalis papuntang Amerika?" Mahinahong tanong ni Aricella. Dahan-dahan namang tumango si Igneel habang nakatingin pa rin sa kanyang paligid. Inalis niya ang pagiging mailang sa pagitan nilang dalawa ni Aricella at ganoon din ang ginawa ni Aricella, para mawala ang pagkailang ay kailangan nilang ibalin ang iniisip sa iba. "Kung pwede?" Mahinang tanong ni Igneel. "Oo naman, bakit naman hindi? Tara, unahin natin ang mga kwarto," sabi ni Aricella at hinawakan ang kama
Kahit anong pilit ni Mang Lauro na ipabalik kay Karlo ang pera sa asawa ni Igneel, hindi pumayag si Karlo lalo na sinabi na ni Karlo sa mga tao sa Isla at napag botohan ng lahat ang kanyang ideya na magtayo ng Isla Resort. Wala ng magawa si Mang Lauro, ayos naman ang ideya ni Karlo ngunit hindi niya matanggap na ginamit nila ang pera na galing sa asawa ni Igneel na galing na rin kay Igneel."Babalik na ako bukas ng Manila, mukhang ayaw sumama ni Karlo pabalik," sabi ni Lienne. Nakatingin sila ngayon kay Karlo na masayang kausap ang mga tao sa Isla at sinasabi lahat ng plano. "Kailangan niya pa ring mag-aral, hindi niya mapapangalagaan ang Isla kung hindi siya nakapag tapos," sabi naman ni Mang Lauro. Sang-ayon si Lienne dahil tama rin naman. Pero nang lumapit si Karlo sa kanila, nakangiti lang siya at bumaling kay Lienne. "Aalis na ba tayo pabalik ng Manila?" tanong ni Karlo na kinagulat ni Lienne at Mang Lauro."S-sasama ka?" Nauutal na tanong ni Lienne."Oo naman, Ante. At saka, e
Ten Months After..."Are you ready?" tanong ni Diana kay Igneel. Seryoso lang ang mukha ni Igneel. Kasama niya ang kanyang mga pinsan na pauwi sa Pinas at ang kanyang ina na si Diana. "Yes, Mom..." tipid na sagot ni Igneel. Lumapit sa kanya sina Ericka, Samantha at Pamela. "Eh handa ka na bang makita siya?" tanong naman ni Ericka kay Igneel.Alam ni Igneel kung sino ang tinutukoy ng kanyang pinsan, hindi na lang siya sumagot. Umiwas siya ng tingin sa kanila at naunang lumabas."He's really back," sabi ni Pamela sabay iling. "He really is. Igneel the cold is back," segunda naman ni Samantha. Sampung buwan silang magkasama sa Amerika at sa sampung buwan na iyon sila rin ang naging karamay ni Igneel sa mga problema nito nang dahan-dahan niyang naalala ang lahat. Hindi niya kasunod ang tatlong babaeng pinsan pero noong nakasama lang nila si Igneel ng matagal ay tila naiitindihan na nila kung bakit iba ang ugali ni Igneel sa kanila. "Girls, thank you so much sa pagsama sa akin sa pin
“W-what? Bakit t-tayo pupunta roon?” Nauutal na tanong ni Aricella, kunyari ay hindi niya pa alam. Alam niyang alam na ng pamilya niya na nakabalik na si Igneel pero tila nahihirapan siyang aminin sa kanyang sarili na hindi ayos sa kanya ang nangyayari.“Anong bakit? You didn’t get the message from their butler?” “Message?” tanong niya at agad na kinuha ang phone, tinignan niya lahat ng apps na pwede siyang i-message pero wala siyang makita na message from anyone sa Rubinacci o sa mga taugan ng Rubinacci.“You didn’t get the message, don’t you?” Mahinang tanong ni Jennica. Umiwas ng tingin si Aricella dahil tama ang kanyang ate na si Jennica, wala siyang natanggap na message mula sa kanila. Bumuntong hininga naman si Jennica sababy iling. "Ano, gusto mo bang pumunta or hindi na?" tanong niya kay Aricella.Hindi agad sumagot si Aricella, hindi niya alam kung pupunta ba siya na hindi naman siya invited. Bumaling siya sa kanyang ate na nag-aantay ng sagot niya. "Hindi ako pupunta, iha
Nakatingin pa rin si Aricella sa lalaking kaharap niya, tila hindi makagalaw sa kanyang kinatayuan na para bang may pumipigil sa kanya. "Dinalhan na kita ng breakfast," sabi ni Igneel at pumasok sa loob ng kwarto. Nakatayo pa rin si Aricella sa pintuan at dahan-dahan siyang lumingon kay Igneel. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin o gagawin dahil sa gulat. Nagtataka rin siya kung paano siya nakapunta sa kwarto ni Igneel 'Teka, kwarto niya ito?' tanong niya sa kanyang isipan at tinignan ang buong paligid. Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata at umawang ang kanyang bibig nang mapagtanto na kwarto nga ni Igneel ito. Ito ang kwarto ni Igneel sa mismong bahay niya. "Are you just going to stand there?" seryosong tanong ni Igneel kay Aricella. Tumayo ng tuwid si Igneel, tinignan niya ng diretso si Aricella at inaantay niya na magsalita ito pero hindi pa rin dahil nakatingin lang si Aricella sa kanya na nakaawang ang bibig kaya siya na mismo ang lumapit kay Aricella at hinila papunta
Habang nasa byahe, tahimik lang si Aricella. Ayaw niya ng magsalita o wala na siyang masabi dahil sa nalalaman. Ang buong akala niya ay gusto na makipaghiwalay ni Igneel sa kanya habang nasa Amerika si Igneel. FLASHBACK*** "Aricella, there's a letter for you!" sigaw ng ina ni Aricella. Bumaba naman si Aricella mula sa kwarto at dahil Linggo ngayon hindi siya pumasok sa opisina o pumunta ng kahit saan dahil gusto niya lang makapag pahinga mula sa mahaba at nakakapagod na linggo. "Thanks, Mom." sabi niya at kinuha ang letter mula sa ina niya. "Galing kaya iyan kay Igneel? Pero bakit letter kung pwede naman Skype?" Nagtatakang tanong ng kanyang ina. Sakto naman ay bumaba rin ang kapatid ni Aricella na sina Jemma at Jennica at lumabas mula sa kusina ang ama nila. "Basahin mo na," sabi ni Arman kay Aricella. Tumango si Aricella at umupo sa couch sa sala. Kinakabahan niya habang dahan-dahang binubuksan ang letter na para sa kanya. Gusto niyang maiyak dahil kung si Igneel nga ang nag
"Ayos ka lang?" tanong ni Igneel nang hindi niya na matiis ang pagiging tahimik ni Aricella. Saglit na bumaling si Aricella sa kanya, ngumiti siya ng tipid kay Igneel at tumango. "Ayos lang ako. Salamat sa paghatid," mahinang sabi ni Aricella. Bumaba siya ng kotse ni Igneel at sumunod naman si Igneel. "Are you sure? Look, I'm sorry for what my family did. I will talk to them. Can I have the paper?" tanong ni Igneel.Hindi agad nakasagot si Aricella, hindi niya alam kung ano ang sasabihin na tila ba ayaw niya na rin malaman pa ang dahilan kung bakit iyon ginawa ng pamilya ni Igneel dahil alam niya na ang sagot. "I will send it to you tomorrow, gusto ko na sanang pumasok sa bahay. Gusto mo ba?" Nahihiyang tanong ni Aricella dahil sa totoo lang ayaw niyang pumasok si Igneel sa bahay nila dahil alam niya na magagalit ang kanyang ama. Lumingon si Igneel sa bahay nina Aricella, marami na ring nagbago sa paligid. Hindi tula noong huli niyang punta rito noong hindi pa nawala ang ala-ala n