Share

Chapter 11 - They argued

Ilang minuto nang nakatayo si Amber sa harapan ng matayog na VM Tower. Hindi n'ya akalain na makakabalik siyang muli sa lugar na ito. Maraming tao ang labas pasok sa building. Para tuloy siyang nagbibilang habang nakamasid lamang sa karangyaan ng building. Masyadong makintab ang bawat salamin na pader nito. Napahalukipkip s'ya sa tabi ng malaking poste at nag-iipon ng lakas para pumasok. Mayamaya ay dahan-dahan siyang humakbang papasok. Sumalubong sa kanya ang mabangong refresher at lamig na nanunuot sa kanyang kalamnan. Kung hindi lang dahil sa kanyang cellphone ayaw n'ya sanang bumalik sa lugar na ito. Para kasi siyang nanliit sa kanyang sarili dahil sa simpleng suot na jeans at yellow t-shirt na nagpatingkad sa kanyang kaputian.

Maputi siya, kaya dahil sa kanyang balat binansagan siyang ampon ng karamihan sa nakakilala sa kanila dahil s'ya lang daw ang may kakaibang kulay sa kanilang pamilya. Pagpasok n'ya ay dumiretso s'ya sa receptionist. Mukha atang nakilala pa s'ya ng mga ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Aileen M Magpantay
waiting Po Ako Ng kasunod
goodnovel comment avatar
Marcela Bautista
update please
goodnovel comment avatar
Goldin Rose Oirevilo
wla pba ksunod
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status