Share

Chapter 16 - Avegail is awake

Nagdadalawang-isip si Ashton na sumunod sa kanyang ina nang tawagan s'ya nitong dumiretso sa opisina nito sa Hope. Ilang beses niyang pabalik-balik na isinuot ang brown leather jacket na nakasabit sa kanyang likuran. Natatamad kasi s'ya dahil alam niyang babae na naman ang nais na ipakilala ng kanyang ina sa kanya. Suko na kasi siya sa mga blind dates na ipinapataw nito sa kanya. Lagi kasi siya nitong sinisermonan na marami pa raw babae riyan sa takot na hindi na s'ya mag-aasawa.

Habang nakaupo at nakaharap sa kanyang computer ay hindi n'ya alam ang gagawin. Hanggang sa tumawag na nga ang mahal niyang ina.

"Ma."

"Saan kana anak? Papunta ka na?"

Napakamot siya sa ulo dahil ayaw niyang magsinungaling dito.

"Paalis palang po, Ma." pagtatapat n'ya rito.

"Wala kang balak sumipot, ano? Huwag kang mag-alala hindi naman blind date ang ipapagawa ko sa iyo alam kong iyan ang dahilan kung bakit ka nagdadalawang-isip, son." paliwanag ng kanyang ina.

Para siyang nabunutan ng tinik da
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status