Pumasok si Jeremy nang may kalmadong ekspresyon at nakakapangilabot na ereng nakabalot sa kanyang katawan. "Jeremy." Tinawag siya ni Felipe. Hindi sumagot si Jeremy. Tumingin ang kanyang malalamig na mga mata sa hapag bago huminto sa maputlang mukha ni Madeline. "Madeline, anong klaseng tanong ba yan? Asawa mo ako. Ganun ba kapambihira na magkaroon ako ng susi?" "...""Lantaran ka bang nagdadala ng lalaki rito para kumain at uminom habang wala ako?" Nakangiting nagsalita si Jeremy pero mariin niyang tinignan si Felipe. "So, Tito Felipe, gusto mo ng ganitong klaseng babae?" Nautal ang tibok ng puso ni Madeline. 'Ganitong klaseng babae.' Ginamit niya ang mga salitang ito para ilarawan siya. Mas lalong namutla ang mukha ni Madeline, pero hindi siya nagtangka na kaharapin siyang muli. Sa harapan niya, para siyang isang natatakot na ibon, natataranta at kinakabahan. "Jeremy, 'wag mo kong masamain," Kalmadong paliwanag ni Felipe, "Nag-aalala lang ako na baka may nangyari
Nang matapos siyang magsalita, kinuha niya ang kanya coat at tumalikod. Tinignan ni Madeline ang likod ni Felipe habang papaalis ito at unti-unting nawawala ang ilaw sa kanyang mga mata. Tanging kawalan ng pag-asa ang natira sa kanyang mga mata sa huli. Hindi niya alam kung anong gagawin sa kanya ni Jeremy, ang tanging alam niya lang ay tiyak na napakasama ng kanyang mga pamamaraan. Hindi niya makakalimutan na para siyang isang demonyong nagmula sa impyerno. Hinukay niya ang libingan at hinayaan ang abo ng kanyang anak na tangayin ng hangin at ng niyebe, at nakangiti pa nga siya habang ginagawa ito. Nang makita niya ang mga namumulang mga mata ni Madeline na nakatingin sa direksyon kung saan dumaan si Felipe ay nagalit si Jeremy. "Ganito ka ba kalungkot na umalis siya? Madeline Crawford, tinuturing mo ba akong patay na? Ako ang asawa mo." Galit niyang tinulak si Madeline gamit ng kanyang mga braso. Nawindang si Madeline at tumumba sa gilid ng sofa, gumasgas ang kanyang su
Biglang nanlamig ang buong katawan ni Madeline, para bang nagyelo ang dugo sa kanyang katawan. Nakatulala siyang tumingin sa nakangising lalaki. Para siyang si Satanas sa isang madilim na gabi, ang kanyang buong katawan ay itim. Sa huli ay gusto pala niyang makita siyang mamatay. 'Jeremy, 'di magtatagal ay matutupad din ang hiling mo.' 'Sana kalmado ka pa rin kagaya sa sandaling ito kapag dumating ang araw na iyon.' Subalit, nang magsisimula pa lang siyang mag-isip na tuluyan nang iwanan ang mundong ito at kalimutan ang lalaking ito habangbuhay, nakaramdam siya ng panghihinayang sa kanyang puso. Hanggang ngayon, mayroon pa rin siyang nararamdaman para sa kanya. Nagsimulang bumagsak ang mga luha sa mga ni Madeline nang biglaan, pero kahit na gaano pa kainit ang kanyang luha, hindi nito mapapainit ang kanyang puso. "Bakit ka umiiyak? Umaarte ka na naman bang kawawa?" Ngumisi si Jeremy, pinisil ng kanyang maiinit at balingkinitang daliri ang baba ni Madeline para pilitin
Nararamdaman pa niya ang kanyang malakas na tibok ng puso. Pero, anong nangyayari? Sinubukan niyang alalahanin kung anong nangyari kagabi, pero ang naaalala niya lang ay tumakbo siya palabas dahil ayaw niyang makita ni Jeremy ang kanyang kasalukuyang nakakadiring itsura. At iyon na nga, hinimatay siya habang tumatakbo. Nang sinisimulan pa lang niyang alalahanin kung anong nangyari ay mukhang nagising si Jeremy. Sa kanyang gulat, kaagad na pinikit ni Madeline ang kanyang mga mata, napakabilis ng tibok ng kanyang puso na halos tumalon ito sa kanyang lalamunan. Binuksan ni Jeremy ang kanyang mga mata at iniangat ang braso na nakapalibot sa beywang ni Madeline, sabay umalis sa kama. Akala ni Madeline ay nakaalis na si Jeremy pero bigla siyang nakaramdam ng hininga na papalapit sa kanya. Sa susunod na sandali, nagkadikit ang kanilang mga noo na para bang pinapakiramdaman niya ang temperatura ng kanyang katawan. Hindi pinaniwalaan ni Madeline ang kasalukuyang kinikilos ni Jerem
Sigurado si Madeline na alam ni Jeremy na siya ang Mr. Whitman na tinutukoy niya. Inakala niya ay magpapakita siya ng pagsisisi sa insidenteng iyon, pero ang tanging narinig niya lang ay ang tunog ng kanyang singhal. "Madeline, pinagpipilitan mo pa ring ikabit ang bastardong iyon sa pangalan ko hanggang ngayon. Sasabihin ko ulit sa'yo na ako, si Jeremy Whitman, ay mayroon lamang iisang anak, at iyon ay si Jackson Whitman," sabi niya. Pagkatapos niyang magsalita nang may malamig na ngiti sa kanyang mukha, binitawan niya si Madeline. "Nagugutom ako, ikuha mo ako ng isang mangkok ng lugaw," sabi niya. Mahigpit na tinikom ni Madeline ang kanyang mga kamao. Habang tinitignan ang malamig at walang awang lalaki sa kanyang harapan ay nagsalita siya, "Hindi sapat ang nailuto ko para sa'yo, Mr. Whitman. Kakaunti lang ito, umalis ka na." "Madeline Crawford, ganito ba ang ugaling ipapakita mo habang kinakausap ako?" Tanong ni Jeremy habang bahagyang nakakunot ang kanyang noo. Malinaw
Muling nagpunta si Madeline sa ospital. Hindi siya nagpunta roon para sa sugat sa kanyang mukha, kundi ay para bisitahin si Eloise. Dahil papalapit na ang bagong taon, ang presensya ng bagong taon ay mararamdaman sa loob ng ospital. Sinuot ni Madeline ang kanyang mask at nakakita ng isang tindero ng bulaklak sa bukana ng ospital. Pagkatapos niyang mag-isip saglit, sa huli ay pinili niya ang isang tali ng kulay rosas na carnation. Kumuha siya ng panulat at isang piraso ng papel mula sa kanyang bag. Pagkatapos niyang isulat ang mga salitang, "Madam Eloise Patton, ipinagdarasal ko ang mabilis ninyong paggaling" sa papel, nilagay niya ito sa gitna ng bouquet. Tinanong ni Madeline ang kwarto ni Eloisa mula sa reception desk. Nasa VIP ward section daw ito. Subalit, nagdalawang isip si Madeline nang makarating siya sa harap ng pinto ng kwarto. Walang sasalubong sa kanya rito. Mapapahiya lang siya kapag pumasok siya. Ngunit, sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi nawala si Elois
Pagkatapos ng kanyang pagbagsak, tumanday si Madeline sa pader, nahihilo siya. Hindi niya napansin na lumabas ang gintong kwintas na palaging nakatago sa ilalim ng kanyang damit. Subalit, napansin ito kaagad ni Meredith! Tiyak na napansin niya na lumabas ang hugis paruparo na gintong kwintas mula sa kwelyo ni Madeline! Hindi niya nakalimutan. Tatlong taon na ang nakakaraan, nang marinig niya na maaaring si Madeline ang nawawalang anak ni Eloise, ginawa niya ang lahat ng paraan para makuha ang sipilyo ni Eloise mula kay Brittany. At kasabay nito, ninakaw niya ang damit ni Madeline para magsagawa ng DNA test. Ayon sa resulta, si Madeline talaga ang anak na hinahanap nina Eloise at Sean Montgomery sa loob ng higit sa dalawampung taon! Dahil dito ay nakaramdam si Meredith ng matinding inggit pero nakaisip rin siya ng isa pang masamang balak. Gumawa siya ng isang palabas kasama ni Rose at Jon na nagsanhi kina Eloise at Sean para maghinala na siya ang kanilang anak na maling nakuha
Bumagsak ang kwintas sa likod ng paa ni Madeline at tumalbog papunta sa tabi ng wheelchair ni Eloise. Umubo si Madeline habang namula ang kanyang mukha, pati na ang kanyang leeg. Hindi niya napansin ang biglaang pagbabago sa mukha nina Meredith at Rose, pero narinig niya ang gulat na sigaw ni Eloise. "Ito ang..! Ang gintong kwintas na ito!" Nanginginig ang boses ni Eloise at nauutal-utal rin siya. Tumingin si Madeline at nakita niya si Eloise na hinawakan ang parte kung saan siya inoperahan bago tumayo mula sa kanyang wheelchair para pulutin ang kwintas. "Sean! Sean!" Tinawag ni Eloise si Sean. Nang marinig ni Sean ang sigaw ni Eloise ay tumakbo siya papalapit. Sa sandaling makita niya ang kwintas sa kamay ni Eloise ay napuno ng gulat ang kanyang mukha, na para bang nabawi niya ang isang bagay na matagal nang nawala. "Ito! Ito ang kwintas na pinagawa natin para sa pinakamamahal nating si Linnie sa nakaraang maraming taon! Nahanap mo na ito sa wakas?" Ano? Wala man lang