Mukhang nababaliw na si Naya. pagkatapos niyang sabihin ito, binilisan niya ang takbo ng kanyang kotse habang nakatitig sa kotseng nasa harapan niya. Determinado siya na patayin si Ava, ngunit syempre, ayaw ni Naya na mamatay kasma niya. Ang drayber ng kotse na maingat na nagmamaneho sa may unahan ay nagtaka ng marinig niya na ang makina ng isang sports car na mabilis na parating. Tumingala ang drayber at nagulat ng makita niya ang pulang sports car na mabilis na papunta sa kanya. Para bang nawalan ng kontrol ang kotse. Nang gustong iwasan ng drayber ang sports car, nakita niya na biglang gumewang ang pulang kotse at bumangga sa harapan na pintuan ng kotse. “Ah!” sigaw ng babae sa sobrang takot. Ang sumunod ay isang malakas na banggaan. Bang!Nabangga ni Naya ang kotse at lubos siyang nasiyahan sa kanyang nagawa, ngunit ng tumalsik siya paharap dahil sa pwersa, tumama ang kanyang ulo sa manibela at mabilis na nawalan ng malay. Nasa bahay ang ina ni Daniel. Nang marinig n
Napahinto sa gulat ang nanay ni Daniel. "Dan, anong pinagsasabi mo? Pinagsususpetsahan mo ba na sinadya ni Naya na banggain ang kotseng yun patayin ang sarili niya at kunin ang simpatiya mo?" "Hindi niya gustong kunin ang simpatiya ko. Gusto niyang patayin ang tao sa kabilang kotse." Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon ni Daniel. "Ang taong naghatid sa'kin ngayon lang ay si Ava." "...Ano? Si Ava?" Nagulat ang nanay ni Daniel, pero unti-unti niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Daniel. Ang kotse na minaneho ni Ava ngayon ay kaparehong model at kulay ng kotse na nabangga ni Naya. Inisip siguro ni Naya na si Ava ang nagmamaneho ng kotse, kaya… "Dan, n-nagkakamali ka lang siguro? Paanong susugal nang ganun yun si Naya gamit ang sarili niyang buhay?" "Kung ganun, iniisip mo rin ba na hindi siya magtatangkang magpakamatay para sa'kin? Alam mo na baka umarte lang siya noong sinabi niyang nagtangka siyang magpakamatay, tama?" Tanong ni Daniel nang may matalim na tono, lumapag
Gulat na tinignan ng nanay niya si Naya at nagmamadaling sinuportahan si Naya. "Naya, dahan-dahan lang. Kakagising mo lang. Bakit mo tinatanong yan?" Naguguluhan ang nanay ni Naya at nagtanong nang pabulong, "Hindi kaya may inutusan ka na gumawa ng masama kay Ava?" Maingat si Naya sa pagkakataong ito, pagkatapos niyang makumpirma na walang ibang kakaibang tao at bagay sa paligid, sumagot siya nang pabulong. "Bakit ako mahihiga rito kung hindi siya sinubukang banggain?" "Ano? Anong ibig mong sabihin?" Mas lalong naguluhan ang nanay ni Naya. "I-Ikaw ba ang…" "Oo, sinadya ko siyang banggain!" Naningkit ang mga mata ni anya, at puno ng bangis ang kanyang mga mata. Pagkatapos marinig ang sagot na ito, nagbago ang ekspresyon ni Mrs. Mendez. Mabilis siyang naglakad para isara ang pinto ng ward, pagkatapos ay hindi makapaniwalang nagtanong. "Naya, sinasabi mo na binangga mo ang kotse mo sa kotseng iyon?" "Tama ka." Handa itong inamin ni Naya, pagkatapos ay naiinip siyang nagt
Pagkatapos sabihin iyon ng pulis, dumiretso silang dalawa sa tabi ng kama. Seryoso ang mga pulis habang tinignan nila ang mukhang nanghihinang si Naya. "Ms. Mendez, sana'y makipagtulungan kayo sa'kin para sumagot ng ilang katanungan." Hirap na binuksan ni Naya ang mga mata niya, gusto niyang ipakita na hindi niya kayang makipagtulungan sa imbestigasyon dahil sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Naintindihan ng nanay ni Naya ang ibig sabihin niya at kaagad na nagpaliwanag sa mga pulis, "Mga pulis, kakagising lang ng anak ko kaya medyo nanghihina pa siya. Hindi niya kayang sagutin ang mga tanong niyo. Pwede niyo bang hayaan munang magpahinga ang anak ko?" "Mrs. Mendez, bago kami nagpunta, tinanong na namin ang doktor ni Ms. Mendez. Sabi ng doktor ay mababaw lang naman ang mga sugat ni Ms. Mendez at hindi seryoso ang kalagayan niya. Basta't gising siya, kaya niyang makipagtulungan sa imbestigasyon namin." "..." Nahihiyang tumingin ang nanay ni Naya kay Naya sa pagkapahiya pagkatap
Unang akala ni Naya ay nag-aalala si Daniel sa kaligtasan niya kaya siya nagpunta sa ospital para bisitahin siya. Hindi niya inakala na nagpunta si Daniel para kay Ava. Gayunpaman, may hindi maintindihan si Naya. May nangyari ba kay Ava? Naguluhan rin ang dalawang pulis sa tabi nang makita nila si Daniel na tinanong si Naya nang napakaemosyonal. "Sir, nawawala ba ang kaibigan ninyo? Dahil nagmamadali kang nagpunta para tanungin si Naya, suspetsa niyo ba ay may kinamalaman kay Naya ang pagkawala ng kaibigan niyo?" Hindi mapakali si Naya nang tinanong ito ng mga pulis. "Officer, napagbintangan lang ako. Hindi ko alam ang tinutukoy niya." Inosenteng tinignan ni Naya si Daniel. "Dan, paano mo ako nagagawang tanungin bang ganito ngayong wala si Ava? Naaksidente ako kanina lang at muntik ko nang hindi mailigtas ang sarili ko. Paano ko malalaman kung anong nangyari kay Ava?" "Daniel, sumosobra ka na! Kahit na anong mangyari, fiancée mo pa rin si Naya. Sinusubukan mo ba siyang
Kaagad na naglakad ang nanay ni Naya at sinara ang pinto ng ward. Nang tumingin siya pabalik kay Naya, nakita niyang nagbago ang mukha ni Naya. Sa sandaling ito, nanlulumo ang mga mata niya at nagngitngit ang ngipin niya sa galit. "Naya, anong nangyayari? Si Ava ba…" "Hindi ko talaga to inasahan." Ngumisi si Naya. "Napakaraming taon ko nang kilala si Daniel, pero hindi ako kasing galing ni Ava na nakilala niya lang ng ilang taon? At may amnesia pa rin siya kaya hindi pa rin niya naaalala kung sino si Ava. Pero kahit na ganun, sa ilalim ng ganitong sitwasyon, ipinagtatanggol pa rin niya ang p*tang yun." Galit na galit si Naya at pakiramdam niya ay nadaya siya. Bahagyang mukhang namomroblema ang nanay ni Naya habang nakatayo siya sa tabi niya. Pagkatapos, nagmadali siya para pakalmahin si Naya. "Naya, wag ka nang magalit. Sa galing mo, hindi mo na kailangang pakasalan si Daniel. Marami pang mga anak ng mayayaman at dakilang pamilya na pwede mong pagpilian mula sa Glendale." "Sy
Bago pa magising nang tuluyan si Ava, narinig niya ang boses ng isang bastos na lalaking inuutusan siya.Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang batok. Gusto niyang itaas ang kanyang kamay upang hilutin ito, ngunit napansin niyang hindi niya maitaas ang kanyang kamay. “Narinig mo ba ako? Kinakausap kita!” Naiinis na sinabi ng lalaki at tinulak si Ava nang walang-awa. Doon lang nagising nang tuluyan si Ava. Tumingin siya sa taas at nakita ang lalaking nakaitim na nakatayo sa harapan niya. Pagkatapos nito, naalala niya ang nangyari bago siya mawalan ng malay.Nagmamaneho siya habang naghihintay sa pulang ilaw nang sumugod ang lalaking ito, sinakal siya at binatukan siya.Kahit na noon pa man ay matapang na si Ava, alam niyang kumilos ayon sa sitwasyon.Sa sandaling ito, nakatali siya at hindi niya alam kung nasaan siya. Syempre, wala siyang magagawa kundi manatiling kalmado.“Sino ka? Bakit mo ako dinala dito?” nagpanggap si Ava na natatakot habang nakatitig siya sa lalaki, palihim
Nabigla si Ava nang marinig niya ito. Pagkatapos, nakita niya ang caller ID na nasa screen. ‘Bakit ako tinatawagan ni Maddie sa ganitong oras?’ Nag-iisip pa si Ava nang biglang sinagot ng lalaki ang tawag ni Madeline.Walang alam si Madeline tungkol sa pagkakadakip kay Ava. Gusto lang niyang tanungin si Ava kung kailan siya babalik sa lumang manor. Hindi niya inasahang lalaki ang sasagot sa phone.“Sino ka? Nasaan si Ava?” Kusang naramdaman ni Madeline na ang taong sumagot ng tawag ay hindi isang mabuting tao sa pananalita nito at ang tono nito ay medyo bastos.“Sino ka ba kay Ava?” mayabang na tanong ng lalaki.“Sagutin mo muna ako. Sino ka? Bakit hawak mo ang phone ni Ava?”“Ava? Dahil masyado kang nag-aalala sa kanya, siguro matalik na kaibigan ka ni Ava. Sasabihin ko sa’yo. Kasama ko si Ava ngayon, at gusto ko ng ten million bilang ransom, kaya dalian mo at maghanda ka nang magbayad. Kung hindi, ‘wag ka nang umasang makikita mo pa ulit si Ava.” Nang marinig ito ni Madeli