Biglang huminto si Naya sa kanyang paglalakad at tinignan ang lalake na galit na galit na pumasok sa kwarto. Hindi niya ito kilala. “Sino ka ba? Bakit mo sinisigaw ang pangalan ko?” Malamig na sinabi ni Naya, na naiinis. Biglang lumingon ang lalake nang makita niya si Naya. Ang namumulang mga mata ng lalake ay napadpad sa mayabang na mukha ni Naya, at nagulat si Naya sa mga mata na iyon. Nang napatulala siya, sumugod ang lalake sa kanyang harapan ng hindi niya napapansin. Pagkatapos, itinaas ng lalake ang kanyang kamay at malakas na sinampal sa mukha si Naya. Pak! “Ah!”Napasigaw si Naya sa sakit at tinakpan ang kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay. Pagkatapos ay nanlaki ang kanyang mga mata para tignan ang lalake dahil sa gulat bago napaatras dahil sa takot. “S-Sino ka ba? Bakit mo ko sinampal? Nars! Nasaan ang nars? Paano niyo hinayaan na may makapasok sa loob ng VIP ward?” Sigaw ni Naya sa may pintuan ng ward. “Naya, anong problema? Anong nangyari?” Nakabalik na d
Hinawakan niya ang namamaga niyang pisngi, nagngalit ang kanyang mga ngipin, at kinuyom ang kanyang mga kamao. “Ava, ikaw ang gumawa sa akin nito. Ikaw ang dapat na namatay! Hindi kita mapapatawad!” Whitman Corporation.Matagal na din hinahanap ni Jeremy ang kinaroroonan ni Ava. Bukod sa wala siyang palatandaan kung nasaan siya ngayon, bigla na din niyang hindi matawagan si Madeline. Tumawag siya ng mga ilang ulit ngunit walang sumasagot. Nag-aalala pa din si Jeremy. Nahanap din niya ang kotse ni Madeline gamit ang GPS tracker. Hindi inaasahan, nakaparada pa din ang kotse ni Madeline sa tabi ng kalsada malapit sa eskwelahan ni Jackson. Ang pinto ng kotse ay hindi nakasara ng maayos, habang ang phone naman ni Madeline at alahas na palagi niyang suot ay nakalagay sa may driver’s seat. Nahulaan ni Jeremy na baka nasa panganig si Madeline habang papunta siya dito. Pagkatapos niyang makita ito, ang tibok ng kanyang puso, na palaging kalmado, ay biglang lumakas ang tibok. Mab
Sa loob ng pabrika sa labas ng siyudad. Sa sandaling ito, kulay abo ang langit sa labas ng bintana at ang liwanag ng palubog na araw ay matagal nang naglaho. Tinignan ni Madeline si Ava na nasa tabi niya na mukhang nanghihina. "Ava," tinawag ni Madeline si Ava. "Ava, gutom ka ba?" Pinagalaw ni Ava ang talukap ng kanyang mga mata at pagod na sinandal ang ulo niya sa balikat ni Madeline. "Maddie, nagugutom at inaantok ako. Sabi ng lalaki dadalhan niya tayo ng makakain. Bakit ang tagal niya? Bakit hindi pa siya bumabalik?" "Malamang nagsasaya na ngayon ang isang taong kagaya niya." Hula ni Madeline. "Kung ganun, bakit mo siya pinagkatiwalaan at nakipagkasundo ka sa kanya?" Nagbiro si Ava bago bumuntong-hininga. "Noon, akala ko sapat na ang kabaliwan ni Meredith dati. Hindi ko inasahan na napakarami palang babaeng kagaya niya."Tumawa si Madeline at bumuntong-hininga. "Palaging may mga taong gagawa ng masasamang bagay para makuha ang gusto nila, pero naniniwala ako na mapaparu
"Tsk, tsk, nakaka-touch naman ang samahan niyo," pangungutya ni Naya. "Pero wag kang mag-alala, hindi ka mamamatay nang mag-isa." Nagpumilit si Ava na kumilos, ngunit hindi siya makatayo. "Naya, kailangan ba na umabot ka sa pagpatay? Ano bang malalim na galit ang mayroon ka sa'kin?" Pagkatapos magsalita ni Naya, umupo siya sa upuan sa tabi niya. Para bang natatawa siya sa sinabi ni Ava. "Aba, talaga bang tinatanong mo ako kung anong klase ng galit ang meron ako para sa'yo? Heh." Biglang kumurap ang mga mata ni Naya at itinaas niya ang kanyang paa para sipain nang malakas ang balikat ni Ava. Dalawang araw nang hindi nakakakain si Ava. Sobra siyang nanghihina at hindi niya makayanan ang sipa ni Naya. Umungol siya sa sakit at bumagsak sa tabi ni Madeline nang may nakakaawang kondisyon. "Ava, Ava!" Nag-aalalang gumilid si Madeline kay Ava. Gayunpaman, hindi niya matulungan si Ava na tumayo. Sobrang natuwa si Naya nang nakita niya ang eksenang ito. "Ava, natatakot ka na ba?
Nagsimulang tumawa nang malakas si Naya. Samantala, nagkatinginan sina Madeline at Ava. "Ava, ayos ka lang ba?" Ngumiti si Ava. "Wag kang mag-alala, Maddie. Kaya ko pang tumagal." Nang marinig ito, biglang huminto sa pagtawa si Naya. Sa isang iglap, lumingon siya kay Ava nang may napakabangis na pagkilos. "Tumagal? Paano ka pa tatagal?" Hindi nagpatalo si Ava at malamig na tinitigan si Naya. "Kahit na nakakulong ako rito, alam ko na mayroong nagmamahal sa'kin na naghihintay na makabalik ako nang ligtas, at ito ang paniniwala ko. Isa itong bahay na hindi mo maiintindihan." "Iniisip mo pa rin ba na babalik ka nang ligtas? Siguro nag-iilusyon ka pa rin." Ngumiti si Naya at biglang sinindihan ang lighter. Maliit ang apoy, pero kung gusto silang sunugin ni Naya, sapat na ang maliit na apoy para sunugin ang buong abandonadong pabrika. "Ava, sinuwerte ka sa dalawang pagkakataong iyon, pero ngayon, hindi kita hahayaang makatakas pang muli mula sa'kin. Biglang nagkusa si Naya na s
"Eveline, nakakainis ka rin kagaya ng p*tang to!" Kalmadong ngumiti si Madeline habang hinarap niya ang mabangis na ekspresyon ni Naya. "Ganun ba? Nakakainis ba ako? Wala naman akong masyadong koneksyon sa'yo, Ms. Mendez. Bakit ba ayaw na ayaw mo sa'kin?" "Ang lakas ng loob mong tanungin sa'kin yan." Naglakad si Naya papunta kay Madeline. Bumaha ang galit sa dibdib niya. "Nagtangka kang gumawa ng patibong para sa'kin at muntik akong makulong!" "Oh? Kailan ko ginawa yun?" Inosenteng nagtanong si Madeline. "Naya, nagkakamali ka ba?" "Hindi ako nagkakamali!" Nagngitngit ang ngipin ni Naya. "Sa mga oras na iyon, umarte kayo ng asawa mong si Jeremy sa parking lot sa baba ng apartment ng p*tang ito para hulihin ako. Buti na lang, sapat ang katalinuhan ko para makatakas. Nakalimutan mo na ba?" Pagkatapos pakinggan ang galit na sigaw ni Naya, kalmado pa ring nakangiti si Madeline. "Hindi ko nakalimutan, pero para bang nagkamali ka. Hindi ikaw ang nakatakas sa disgrasya, kundi si
"Ah!" Napasigaw si Naya sa sakit. Bumagsak din ang lighter na hawak niya at tinignan ang kanyang madugong palad. Nanlumo nang matindi ang kanyang mukha. Sa kanyang pagkataranta, binuksan niya ang mga mata niya at hindi makapaniwala. Bago niya makita ang sitwasyon sa kanyang harapan, ilang mga pulis ang tinutukan siya ng baril at sumugod papunta sa kanya. Ang mas lalong nagpagulat pa sa kanya ay kasama sa kanila si Jeremy. Gayunpaman, hindi siya ang pakay ni Jeremy. Sinulyapan niya lang si Naya nang may pandidiri bago mabilis na naglakad sa tabi ni Madeline at tinanggal ang tali sa katawan ni Madeline. Pagkatapos mapakawalan si Madeline, mabilis siyang tumalikod para tulungan si Ava. Sa pagkakataong ito, hinimatay na sa pagod si Ava. "Ava, Ava!" Kinakabahang tinawag ni Madeline si Ava. "Ava!" Nagmadaling lumapit si Daniel at hinawakan si Ava na unti-unting nawawalan ng malay. "Dan…" Tinignan ni Naya si Daniel na biglang lumitaw at kinakabahang hawak si Ava. Hindi siya p
Dahil si Naya ay sangkot sa maraming krimen at kinakasuhan rin ng mga kapamilya ng babaeng pinatay niya, pinagtutuunan nang husto ng pulis ang kanyang mga kaso. Kaagad siyang nahatulan at hindi talaga niya inakalang darating ang araw na maiipit siya nang ganito. Nahatulan siya sa napakaraming krimen, at halos lahat ng ito ay inamin niya. Ngunit sinusubukan pa rin ni Naya na lumaban kahit na nasa bingit na siya ng kamatayan. “Your honor, gawa-gawa ko lang ang lahat ng sinabi ko noon. Wala akong ginawa sa kotse ni Ava, hindi ko sinadyang pumatay ng tao, at wala akong inutusang dakipin si Ava at Eveline. Gusto ko lang… Gusto ko lang…” “Nagkamali ka lang at nawala ang lahat sa’yo sa huli.” Narinig ang boses ni Madeline mula sa hanay ng mga tumetestigo.Tinignan niya si Naya na nagsasalita at nagsusubok na mangatwiran. Kalmado siyang nagsalita, “Naya, tigilan mo na ang pangangatwiran mo. Wala kang patunay na susuporta sa argumento mo, at salungat nito, ang mga krimen mo ay may