"Eveline, nakakainis ka rin kagaya ng p*tang to!" Kalmadong ngumiti si Madeline habang hinarap niya ang mabangis na ekspresyon ni Naya. "Ganun ba? Nakakainis ba ako? Wala naman akong masyadong koneksyon sa'yo, Ms. Mendez. Bakit ba ayaw na ayaw mo sa'kin?" "Ang lakas ng loob mong tanungin sa'kin yan." Naglakad si Naya papunta kay Madeline. Bumaha ang galit sa dibdib niya. "Nagtangka kang gumawa ng patibong para sa'kin at muntik akong makulong!" "Oh? Kailan ko ginawa yun?" Inosenteng nagtanong si Madeline. "Naya, nagkakamali ka ba?" "Hindi ako nagkakamali!" Nagngitngit ang ngipin ni Naya. "Sa mga oras na iyon, umarte kayo ng asawa mong si Jeremy sa parking lot sa baba ng apartment ng p*tang ito para hulihin ako. Buti na lang, sapat ang katalinuhan ko para makatakas. Nakalimutan mo na ba?" Pagkatapos pakinggan ang galit na sigaw ni Naya, kalmado pa ring nakangiti si Madeline. "Hindi ko nakalimutan, pero para bang nagkamali ka. Hindi ikaw ang nakatakas sa disgrasya, kundi si
"Ah!" Napasigaw si Naya sa sakit. Bumagsak din ang lighter na hawak niya at tinignan ang kanyang madugong palad. Nanlumo nang matindi ang kanyang mukha. Sa kanyang pagkataranta, binuksan niya ang mga mata niya at hindi makapaniwala. Bago niya makita ang sitwasyon sa kanyang harapan, ilang mga pulis ang tinutukan siya ng baril at sumugod papunta sa kanya. Ang mas lalong nagpagulat pa sa kanya ay kasama sa kanila si Jeremy. Gayunpaman, hindi siya ang pakay ni Jeremy. Sinulyapan niya lang si Naya nang may pandidiri bago mabilis na naglakad sa tabi ni Madeline at tinanggal ang tali sa katawan ni Madeline. Pagkatapos mapakawalan si Madeline, mabilis siyang tumalikod para tulungan si Ava. Sa pagkakataong ito, hinimatay na sa pagod si Ava. "Ava, Ava!" Kinakabahang tinawag ni Madeline si Ava. "Ava!" Nagmadaling lumapit si Daniel at hinawakan si Ava na unti-unting nawawalan ng malay. "Dan…" Tinignan ni Naya si Daniel na biglang lumitaw at kinakabahang hawak si Ava. Hindi siya p
Dahil si Naya ay sangkot sa maraming krimen at kinakasuhan rin ng mga kapamilya ng babaeng pinatay niya, pinagtutuunan nang husto ng pulis ang kanyang mga kaso. Kaagad siyang nahatulan at hindi talaga niya inakalang darating ang araw na maiipit siya nang ganito. Nahatulan siya sa napakaraming krimen, at halos lahat ng ito ay inamin niya. Ngunit sinusubukan pa rin ni Naya na lumaban kahit na nasa bingit na siya ng kamatayan. “Your honor, gawa-gawa ko lang ang lahat ng sinabi ko noon. Wala akong ginawa sa kotse ni Ava, hindi ko sinadyang pumatay ng tao, at wala akong inutusang dakipin si Ava at Eveline. Gusto ko lang… Gusto ko lang…” “Nagkamali ka lang at nawala ang lahat sa’yo sa huli.” Narinig ang boses ni Madeline mula sa hanay ng mga tumetestigo.Tinignan niya si Naya na nagsasalita at nagsusubok na mangatwiran. Kalmado siyang nagsalita, “Naya, tigilan mo na ang pangangatwiran mo. Wala kang patunay na susuporta sa argumento mo, at salungat nito, ang mga krimen mo ay may
Halos sumigaw na si Naya nang sabihin niya ito. Sumigaw siya at binalaan si Ava nang nagwawala. Nabahala nang husto ang mga magulang ni Naya habang pinapanood nila ang eksenang ito.Tuluyan nang nagwala si Naya.Sira na ang kinabukasan niya.Subalit, tumingin lang si Ava sa nababaliw na Naya nang walang pakialam. Hindi siya nakaramdam ng kahit anong emosyon at gusto pa niyang matawa. Kung may nararamdaman man siya, ito ay ginhawa at kasiyahan.Si Naya, ang baliw na laging nagbibigay ng problema kay Ava, ay naipahamak na ang kanyang sarili sa pagkakataong ito.Hindi nagtagal pagkatapos mahatulan ni Naya, sigurado na ang lahat ng mga kaso sa kanya. Maraming kaso ang naisampa sa kanya, ngunit sinabi niyang aapila siya.Hindi siya sineryoso ni Ava. Pagkatapos ng hatol, umalis sila ni Madeline ng korte. Sa sandaling makalabas sila ng pinto, sumikat sa kanya ang maliwanag na araw. Para bang ang huling lamig ng tagsibol ay naalis na.Maginhawang pumikit si Ava at huminga nang m
“Dan, Dan!” sinubukan siyang pigilan ng nanay niya ngunit wala itong napala.Suminghal siya sa inis. “Old Master, nakita mo ‘yun. Nawalan na ng alaala si Dan pero mahal pa rin niya si Ava, makikita mo kung paanong hindi pa rin siya mapakawalan ni Dan. Ngayong ganito na si Naya, imposible nang magkaroon pa ng relasyon si Dan sa kanya. Old Master, papayag ka na bang sumama na si Ava sa pamilya natin ngayon?” “Hmph.” suminghal si Old Master Graham. “Dahil noon pa man ay hindi na siya makasama sa pamilya natin, huwag siyang aasang magagawa niya ito sa susunod. Ang daming nangyari nang dahil sa kanya.” “Tama ‘yan.” tumango ang nanay ni Daniel bilang pagsang-ayon. “Kung hindi dahil kay Ava, matagal na sanang ikinasal si Dan kay Naya at hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Sa katotohanan, napilit lang si Naya na maging ganoon.” “Kahit anong mangyari, hindi pwedeng sumama sa pamilya natin ang Long na ‘yun. Kung hindi, hindi matatahimik ang pamilya natin.” seryosong-seryoso si Old Mas
Galit na tinuro ng nanay ni Naya si Ava pagkatapos itong pagsalitaan nang masama, at pagkatapos ay tumalikod para umalis. “Sandali.” Pinigilan ni Tom ang nanay ni Naya.“Madam, balak mo bang umalis nang hindi man lang humihingi ng tawad pagkatapos mong gumawa ng gulo sa kompanya ko at apihin ang aking empleyado?” Tumawa nang malakas ang nanay ni Naya pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Tom.“Tom, ‘wag mo akong pagsalitaan nang ganyan. Magkaibigan ang pamilya nating dalawa. Hindi pa ako nakakabawi sa pakikipagsabwatan ng kapatid mo sa bruhang ito upang sirain ang engagement party ni Naya dati. Ngayon pinagtatanggol mo na rin ang babaeng ito?” Sinabi ng nanay ni Naya at bigla siyang tumingin kay Ava nang mukhang nanghahamak.“Ang galing naman ng plastik na bruhang ito. Ang galing mo sa pang-aakit ng iba. Inakit mo ang fiance ng anak ko at malapit ka rin sa president ng Lowe Group. Ava, talagang minaliit kita!” Napakasama ng bibig ng nanay ni Naya, at ang mga empleyado sa
“Kung hindi lang ako nagmamadaling makipagkita sa mga kaibigan ko para sa dinner, tatawagan ko sana ang mga pulis upang asikasuhin ka. Pero nagmamadali ako at ayaw kong magsayang ng oras sa’yo. Mrs. Mendez, matanda ka na at dapat alam mo na ang tama at mali. Huwag mong ulitin ang pagkakamali ng mahal mong anak.” Pagkatapos ng seryosong paalala ni Ava, lumingon siya kay Tom nang humihingi ng tawad. “Patawad, Mr. Lowe. Dahil sa mga personal kong problema, nadamay pa kita. Pasensya na talaga.” “Masyado kang magalang. Isa kang empleyado ng kompanya ko, at may nagpunta rito upang gumawa ng gulo. Dapat lang na tulungan kita.” seryosong-seryoso si Tom. Habang sinasabi niya ito, itinaas niya ang kanyang madilim na mata at tumingin sa kanyang mga empleyado. “Umuwi ka na para hindi ka na masaktan pa dahil pinili mong mangialam.” sinulyapan ni Tom ang nanay ni Naya nang sabihin niya ito.Naunawaan ng lahat ang ibig-sabihin ni Tom, at naisip nila na maaaring delikado ang nanay ni Naya. Ayaw
Natigilan si Ava sandali. Pagkatapos, paliwanag niya, “Isang kasamahan ko ang aksidenteng natapunan ako ng tubig ngayon lang. Isa ko namang kasamahan ang nag-aalala na baka magka-sipon ako, kaya naman pinahiram niya sa akin ang kanyang jacket.” Nagsinungaling ng kaunti si Ava dahil sa ayaw niyang mag-alala si Daniel tungkol sa kanya dahil lang sa nanay ni Naya. Ayaw din ni Ava na magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Daniel. Hindi pinagdudahan ni Daniel kung ano ang sinabi sa kanya ni Ava. Nakita lang niya na halos basa ang itaas na bahagi ng katawan ni Ava at naisip na hindi ito magagawa ng isang basong tubig lang. Subalit, hindi na nagtanong pa si Daniel. Sa loob ng kotse. Naglabas ng isang malinis na tuwalya si Daniel at inabot ito kay Ava. Bago pa siya makapagsalita, narinig niyang bumahing si Ava. Nakasimangot siyang nag-alala. “Ihahatid muna kita para makapagpalit ka ng damit. Kung hindi, baka magkasakit ka ng tuluyan.” Masaya si Ava dahil nag-aalala sa kanya si