“Kung hindi lang ako nagmamadaling makipagkita sa mga kaibigan ko para sa dinner, tatawagan ko sana ang mga pulis upang asikasuhin ka. Pero nagmamadali ako at ayaw kong magsayang ng oras sa’yo. Mrs. Mendez, matanda ka na at dapat alam mo na ang tama at mali. Huwag mong ulitin ang pagkakamali ng mahal mong anak.” Pagkatapos ng seryosong paalala ni Ava, lumingon siya kay Tom nang humihingi ng tawad. “Patawad, Mr. Lowe. Dahil sa mga personal kong problema, nadamay pa kita. Pasensya na talaga.” “Masyado kang magalang. Isa kang empleyado ng kompanya ko, at may nagpunta rito upang gumawa ng gulo. Dapat lang na tulungan kita.” seryosong-seryoso si Tom. Habang sinasabi niya ito, itinaas niya ang kanyang madilim na mata at tumingin sa kanyang mga empleyado. “Umuwi ka na para hindi ka na masaktan pa dahil pinili mong mangialam.” sinulyapan ni Tom ang nanay ni Naya nang sabihin niya ito.Naunawaan ng lahat ang ibig-sabihin ni Tom, at naisip nila na maaaring delikado ang nanay ni Naya. Ayaw
Natigilan si Ava sandali. Pagkatapos, paliwanag niya, “Isang kasamahan ko ang aksidenteng natapunan ako ng tubig ngayon lang. Isa ko namang kasamahan ang nag-aalala na baka magka-sipon ako, kaya naman pinahiram niya sa akin ang kanyang jacket.” Nagsinungaling ng kaunti si Ava dahil sa ayaw niyang mag-alala si Daniel tungkol sa kanya dahil lang sa nanay ni Naya. Ayaw din ni Ava na magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Daniel. Hindi pinagdudahan ni Daniel kung ano ang sinabi sa kanya ni Ava. Nakita lang niya na halos basa ang itaas na bahagi ng katawan ni Ava at naisip na hindi ito magagawa ng isang basong tubig lang. Subalit, hindi na nagtanong pa si Daniel. Sa loob ng kotse. Naglabas ng isang malinis na tuwalya si Daniel at inabot ito kay Ava. Bago pa siya makapagsalita, narinig niyang bumahing si Ava. Nakasimangot siyang nag-alala. “Ihahatid muna kita para makapagpalit ka ng damit. Kung hindi, baka magkasakit ka ng tuluyan.” Masaya si Ava dahil nag-aalala sa kanya si
“Syempre naman, dahil sa gusto kong tanungin kung paano mo pinapangaralan ang iyong anak. Isa siyang walang modong babae na makakasama sa lipunan hangga’t malaya siya.” Pagkatapos pakinggan ang akusasyon an ito, nanatili pa ding mahinahon si Raegan at paimbabaw na nakangiti. “Mrs. Mendez, nakakatawa ka talaga. Sino ang walang modo? Dapat ay malinaw na sayo kung sino ang nagpalaki sa isang walang modong babae para pumatay, dumukot, at manloko, na naging dahilan para makulong siya sa bandang huli.” “Ikaw—” Ngunit mabanggit na rin lang, ang walang modong babaeng iyon na nasentensyahan na makulong sa bilangguan ay hindi ang kamuhi-muhing tao. Ang pinaka kamuhi-muhing tao ay ang taong nagluwal sa kanya. Ang taong iyon ang nagbigay buhay sa walang modong babae na iyon ngunit hindi pinangaralan ito para maging isang disenteng tao. Kaya naman pala ang anak mo ay nagkandaloko-loko at nasira ang buhay.” Walang awa na sumagot si Raegan. Sa sobrang hiya ng ina ni Naya ay namutla ang mukh
/halos hindi mahawakan ng nanay ni Naya ang kanyang phone.Pinakalma niya ang kanyang sarili at saka nagtanong, “Nagsasabi ka ba ng totoo? Talaga ba?” Pagkatapos magtanong ng maraming beses ng nanay ni Naya, nakuha din niya sa hui ang sagot. Halos hindi siya makatayo ng maayos. Sumandal siya sa likod ng sopa habang nahihilo. “Gusto kong makita si Naya! Gusto kong makita si Naya ngayon din!” Pagkatapos ng malakas na kagustuhan ng kanyang asawa, sa bandang huli ay nagawa ni Ethan na makakuha sila ng pagkakataon para makita nila si Naya gamit ng kanyang mga koneksyon. Halos ika-20 araw na ng pagkakakulong ni Naya. Hindi inaasahan ng nanay ni Naya na bibisitahin niya si Naya ng ganito. Kasalukuyang nasa detention ward ng kulungan si Naya. Ng makita ng nanay ni Naya si Naya, gusto niyang tumakbo para puntahan ito, ngunit pinigilan siya at binalaan ng mga guwardiya. “Kayong dalawa ay meron lamang sampung minuto. Hinaan niyo lang ang boses niyo. Kapag may nilabag kayo sa mga
Sumakit ang ulo ni ethan matapos niyang marinig ito, ngunit ang tanging magagawa lang niya ay manahimik sa ngayon. Nang makita ni Naya na tahimik lang at hindi nagsasalita ang kanyang ama, dumilim ang kanyang mukha sa sama ng loob. “Bakit hindi mo pa din ako kinakampihan hanggang ngayon? Ano ba ang dahilan bakit ka nagsumikap sa buong buhay mo? Para ba yun hayaan ang isang taga-labas na alipustahin ang anak mo na iningatan mo simula ng bata pa ito?” “Naya, huminahon ka. Ingatan mo ang katawan mo. Huwag kang magalit sa ama mo. Alam mo sa puso mo kung gaano ka kamahal ng iyong ama.” Tumingala ang ina ni Naya at tinapik ang balikat ni Naya para siguraduhin ito. Gusto niyang hawakan ang kamay ni Naya, ngunit nakita niya ang posas na nasa pulso ni Naya, malapit nang sumabog ang kanyang emosyon. Sumiklab ang galit sa kanyang kalooban.“Naya, sabihin mo sa akin. Anong gusto mong gawin namin? Kahit na tumanggi ang iyong ama, gagawin ko ito para sayo kahit na anong mangyari! Matagal ko n
Nang hindi niya nakita si Daniel, kumabog ang dibdib ni Ava. Bigla siyang hindi mapakali. Nang maalala niya ang nangyaring aksidente noon, kaagad na nilabas ni Ava ang kanyang phone para tawagan si Daniel. Hinawakan niya ang kanyang phone habang naginginig ng malakas ang kanyang mga kamay. ‘Pakiusap, ilayo niyo sa kapahamakan si Dan.’Tahimik na nagdasal si Ava, ngunit hindi niya matawagan ang phone ni Daniel. Ang pakiramdam na ito ang naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ni Ava. Gusto niyang hanapin sib Daniel ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.Bigla, isang pamilyar na yabag ng mga paa ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Kaagad na lumingon si Ava. “Dan—Mr. Lowe.”Nang makita niya si Tom, kaagad na nabasag ang ekspektasyon ni Ava. Pero, nginitian pa din ni Tom si AVa. “Nakita ko mula sa lobby na ang tagal mo nang nakatayo dito. Mukhang hindi ka mapakali. Meron ba akong maitutulong sayo?” Nagulat si Ava at umiling. “Hindi, hinihintay ko lang ang
Nagkatinginan sina Ava at Tom. Para bang naiintindihan ni Ava na sinusubukan niyang maghanap ng paraan para makaalis siya sa sitwasyon. Tumango siya at gustong tanggihan si Neil, ngunit narinig niyang nanghihinayang na nagsalita si Neil, "Ganun ba? May usapan kayo ng kaibigan mo, Ava? Sayang naman. Ngayon ang kaarawan ng nanay mo. Nagkatagpo na ulit ang pamilya natin. Sa tingin ko umaasa rin ang nanay mo na makakain ulit tayo nang sabay-sabay." Nang marinig ang mga salitang ito, bumara sa lalamunan ni Ava ang mga salita ng kanyang pagtanggi. Sandali siyang hindi makapagsalita. "Ava kung pwede ka…" Para bang nagmamakaawa si Neil sa kanya, pero sa gitna ng kanyang pangungusap, bigla siyang ngumiti. "Dahil may iba kang pupuntahan, mas mabuti kung pupuntahan mo yun. Ayos lang sa'min ng nanay mo na kami na lang muna ang magkasama." "Pwede mo rin akong isama kung ayos lang sa'yo." Ngumiti si Tom. Para bang nagbibiro siya. Mainit na nag-imbita si Neil, "Kung ayos lang sa'yo, pwede
Nagsimulang umasa si Raegan sa puso niya pagkatapos niyang makita ang kinikilos ni Neil. Humakbang siya ng dalawang beses papunta sa pinto, pagkatapos ay nanigas ang kanyang ekspresyon. “A-Ava?”Hindi makapaniwala si Raegan nang makita niya si Ava na nakatayo sa harapan niya. Ngumiti ang mga labi ni Ava. "Para sayo to. Happy birthday." Iniabot niya sa kamay ni Raegan ang isang bouquet ng carnation. Nabigla si Raegan at naramdaman niyang lumuha ang gilid ng kanyang mga mata. Ang eksenang ito ay isang bagay hindi niya tinangkang isipin. Nang nakita ni Neil na maiiyak na si Raegan, mabilis niyang pinutol ang katahimikan. "Anong masarap na pagkain ang niluto mo? Naamoy ko hanggang dito." Nang marinig ito, naintindihan ni Raegan ang sinasabi ni Neil. Mabilis niyang pinakalma ang sarili niya at inimbitahan si Ava na pumasok. "Ava, pasok ka, dali. Hindi mo kailangang mahiya. Bahay mo to, kaya pwede kang bumalik kahit na kailan mo gusto. Bukas palagi ang pintuan ng bahay na'to