Nadurog ang puso ni Madeline. Mas malala pa ito sa sakit ng isang milyong pana sa kanyang puso. Hinding hindi niya makakalimutan ang gabing iyon. Malupit siyang pinilit na manganak at kinuha ang kanyang anak mula sa kanya. Hanggang ngayon, di pa rin niya alam kung lalaki o babae ang anak niya. Mas kamukha niya kaya ang bata o mas kamukha ito ni Jeremy? Tinginan ni Madeline ang Twitter account ni Meredith at nakita niya itong nagyayabang. Pinagyayabang niya ang kanyang mga mamahaling kotse, branded na bag, at ang kanyang reputasyon pati na ang kanyang pamosong tunay na magulang. Pinagmamayabang niya rin ang kanyang anak kay Jeremy. Nasa masamang babaeng kagaya niya ang lahat-lahat ngayon. Sa kabilang banda, siya, si Madeline, ay walang-wala. Nakakatawa. Mayroong ilang pagkakataon na gustong hanapin ni Madeline si Jeremy. Subalit, napagtanto niya na wala pala siyang katapangan na gawin ito. Walang pigil siyang pinahirapan sa kulungan at maisip niya pa lang ito ay napapa
Nanlabo ang paningin ni Madeline dahil sa kanyang mga luha. Ngunit, hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kalupit si Jeremy. Napakakaaya-aya ng batang iyon. Magagawa niya ba talaga iyon sa bata? Hinila ng buong lakas ni Meredith ang maikling buhok ni Madeline. Tinignan niya ang simple pero magandang mukha ni Madeline at nakaramdam siya ng galit sa kanyang dibdib. "Madeline, kilala mo ba kung sino na ako ngayon? I'm Miss Montgomery, at magiging Mrs. Whitman na ako soon. Who are you para kalabanin ako?" Sinipa niya si Madeline na hinang-hina na para makalaban pa. Malagim siyang ngumisi at nagsabing, "Di ba gusto mong ibalik ko ang anak mo?" Nanginig si Madeline. Naaninag niya ng kanyang malabong paningin si Meredith na may hawak na maliit na boteng kasinglaki ng kamao. Mayroong puting pulbos sa loob nito. "Andito ang anak mo." Ano?Pakiramdam ni Madeline ay natuyo ang lahat ng dugo sa kanyang katawan at pati na ang kanyang kalamnan ay malinis na tinanggal. Buto na lang
Ang bawat salita na kanyang binanggit ay parang asin sa kanyang sariwa at madugong mga sugat. Namanhid ang buo niyang katawan dahil sa tagos-butong sakit na kanyang naramdaman. "Hehe…" Nakakaawang tumawa si Madeline. Sa huli pala ay napakasama niya na nagawa niyang burahin ang presensya ng kanyang anak. Kaya niya palang duruging pino ang buto ng kanyang anak para sa demonyong babaeng iyon! Akala ni Madeline ay patay na ang kanyang puso. Akala niya ay hindi na siya makakaramdam ng kahit na anong sakit. Subalit, hindi niya inaasahan na hahapding muli ang mga sugat na iyon pagkatapos niyang makitang muli ang lalaking iyon. "Jeremy, I didn't expect na dadating si Madeline para gumawa ng gulo sa sandaling makalabas siya ng kulungan. Natatakot ako. Natatakot ako na baka saktan niya ulit ang anak natin. Isang beses na niyang pinatay ang anak natin. Ayoko nang mangyari pa 'yon ulit." Sumandal si Meredith sa dibdib ni Jeremy habang umiiyak. Napakainosente niyang nagsasalita, per
Naging isa sa mga maharlika si Meredith mula sa apat na pinakamayayamang pamilya sa Glendale. Kung may manggugulo sa kanya, baka hindi na sila manatili sa lugar na ito. Ayaw niyang mapahamak si Ava nang dahil sa kanya. Pagkatapos niyang magmuni-muni tungkol sa kanyang masakit na karanasan, nagpasya si Madeline na magsimulang muli. Magagawa niya lang na ipaghiganti ang kanyang sarili at ang kanyang patay na ang kung tatayo siya mula sa pagkalugmok. Dalawang araw ang nagdaan, nagpunta si Madeline sa kanyang bagong kumpanya para magtrabaho. Hindi pa gumagaling ang iba sa mga sugat sa mukha ni Madeline kaya gumamit siya ng concealer para itago ang mga pasa. Pagkadating niya sa opisina, bago pa siya makaupo ay pinatawag na siya ni Eve Garcia-- ang kanyang superior. Mukhang isang malakas at makapangyarihang businesswoman si Eve. Nakasuot siya ng mga pinaka-usong damit at maganda rin siya. Subalit, laging seryoso ang kanyang ekspresyon kaya mukhang napakaseryoso niya. Dahil dito
Ganoon na nga, ang dahilan kung bakit niya nakuha nang ganoon kadali ang trabahong ito ay dahil may ginawa si Meredith. Subalit, hindi tanga si Madeline. Paanong magiging mabait si Meredith? "Tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo. Hindi ka nandidiri, pero ako, oo." Hinawi niya ang kamay ni Meredith na papalapit sa kanya. Ginilid ni Meredith ang kanyang katawan na para bang napakahina at napakahinhin niya. Pagkatapos ay sumandal siya kay Eloise. Nakita ni Eloise na kinakanti ang kanyang pinakamamahal na anak kaya galit siyang lumapit kay Madeline at hinarangan si Meredith sa kanyang likuran. "Madeline, 'wag kang maging bulag sa kung anong maganda para sa'yo! Kung hindi nagmakaawa sa'kin si Mer, hindi ko sana hahayaan na magtrabaho sa company ang isang taong kagaya mo!" Galit na sabi ni Eloise. "Kahit na hindi ka tunay na kapatid ni Mer, hindi siya nakipag-away sa'yo kahit na paulit-ulit mo siyang kinakanti. Iniisip ka pa nga niya eh. Ok lang kung hindi ka magpasalamat, pero ba
Nawalan ng sigla ang mga mata ni Madeline. Malinaw niyang nakikita ang singsing na suot ni Meredith at iyon pa nga ang singsing na kanyang dinesenyo! "Madeline, talented ka. Ang ganda tignan ng singsing. I like it, pero ang pinakamahalaga, si Jeremy ang nagsuot sa'kin nito." Pinagmamayabang niya ang kanyang singsing, malinaw ito sa kanyang mga mata. Tinupi ni Madeline ang kanyang mga daliri at mahigpit na hinawakan ang phone na kanina pa nagre-record ng video. Ngumiti siya habang nagngitngit ang kanyang ngipin. "Meredith, inaamin mo ba ngayon na friname-up mo lang ako for plagiarism kahit na malinaw na ako talaga ang tunay na creator?" Suminghal si Meredith. "Eh ano ngayon? Sinong maniniwala sa'yo? Sino ka ba para kalabanin ako?" "Tama na 'yan." Ngumiti si Madeline at tumalikod pagkatapos niyang sabihin iyon. Nang makita ni Meredith si Madeline na may kakaibang kinikilos, pakiramdam niya ay parang may mali. Nang mapagtanto na niya kung anong mali, nakasakay na sa kotse si
Malinaw na hindi inaasahan ni Jeremy na magkakaroon ng lakas ng loob si Madeline na magsalita sa kanya ng ganito. Sa umpisa ay gusto niya sanang turuan ng leksyon si Madeline, pero bigla na lang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Malamig pa rin ang kanyang tono kagaya ng dati. "Anong ibig mong sabihin na 'di ka na magtatagal?" Hindi inaasahan ni Madeline na mababahala si Jeremy tungkol dito. Hindi ba kanina sumisigaw siya at nagbababala na huwag saktan si Meredith? Hindi niya maintindihan kung ano ang nasa isip ni Jeremy. Subalit, ayaw niyang sabihin sa kanya ang tungkol sa tumor sa kanyang katawan. "Wala lang 'yon. Hindi ka dapat nababahala sa mga sinasabi ng isang babaeng katulad ko, Mr. Whitman." Pagkatapos magsalita ni Madeline, tinulak niya papalayo si Jeremy. Siguro dahil na rin sa epektong sikolohikal, biglang nagsimulang sumakit ang lugar sa kanyang katawan kung nasaan ang tumor. Ngunit hindi basta-bastang sumuko si Jeremy. "Madeline, napakatigas ng ulo mo. N
Kung siya iyon, anong pagkatao ang kanyang ginamit para tulungan siyang bayaran ang kanyang utang? Nagpresenta ba siya bilang kanyang asawa? Subalit, nadurog kaagad ang kanyang ekspektasyon. Nagsabi sila ng isang pangalan---Daniel. Kaagad na tinawagan ni Madeline si Daniel. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating siya. Nang sinabi ni Madeline sa kanya ang tungkol dito, nakahinga siya ng maluwag. "Akala ko may masamang nangyari sa'yo, Maddie. Ito lang pala. Wala lang 'yon. Hindi mo na 'to kailangang dibdibin pa." "Wala lang 'yon." Seryosong tinitigan ni Madeline si Daniel. "Dan, hindi ko alam kung kailan kita mababayaran. Maraming salamat." "Hindi mo kailangang magmadali. Hindi ko kailangan yung pera kaagad-agad." "Alam ko 'yun pero---" "Kung gusto mo talaga akong pasalamatan Maddie, eh di pwede mo kong ilibre ng pagkain. Dumating ako dito nang di pa kumakain." Pinutol ni Daniel si Madeline. Mariin siya nitong tinitigan nang may marahang titig. "Masaya ako na natutulungan