Hindi handa si Madeline. Iniunat niya ang kanyang kamay para kumuha ng mga tisyu para punasan ang dugo. Hindi niya alam kung bakit siya sumuka ng dugo, pero hindi niya hahayaang makita ito ni Jeremy. "Madeline! Wala akong pakialam kung ayaw mong kumain, pero bakit mo dinumihan ang pagkain na hinanda ko?" Hindi napansin ni Mrs. Whitman na mayroong dugo sa sinukang curry ni Madeline. Tinuro niya si Madeline at nangagalaiting tumili. "Sabihin mo muna sa'kin bago ka pumunta rito sa susunod para lalayo ako sa'yo! Ayaw na kitang makita kahit na kailan!" "Huwag kang magalit, Mrs. Whitman." Kaagad na lumapit si Meredith para pakalmahin siya. Subalit, hindi niya nakalimutang lingunin si Madeline at ngumisi sa kanya. Malinaw na nakita niya na sumusuka ng dugo si Madeline. Alam na alam niya na hindi na maaaring operahan ang tumor ni Madeline. Iikli na ang kanyang buhay kapag kumain siya ng bawal na pagkain para sa kanya. Kapag namatay si Madeline, mapupunta na sa kanya ang pagkakata
Napakalamig ng panahon. Sa sobrang lamig agad na nagyelo ang puso ni Madeline. Subalit, umaasa siya na sana mas lumamig pa. Mas maganda kung sa sobrang lamig ay mamanhid na ang kanyang buong katawan. Para hindi niya siya makaramdam ng sakit kailanman, sa katawan man o maski sa kanyang puso. Nakita ni Jeremy na hindi man lang nanlalaban si Madeline. Kaya tumigil siya sa ginagawa niya at hinila si Madeline habang nanginginig ito. Nakita niya na kasing puti ng niyebe ang kanyang mukha at walang kahit na anong kulay dito. Mukha siyang isang manyika na tinanggalan ng dugo mula sa katawan nito. Ang natitira na lang ay ang panlabas nito. Biglang nakaramdam ng takot si Jeremy. "Madeline, Madeline…" Tinatawag niya ang kanyang pangalan pero hindi siya sumasagot. "Madeline, 'wag kang magpanggap na patay! Ang sabi ko magsalita ka!" Napakabilis ng tibok ng puso ni Jeremy na pakiramdam niya ay sasabog siya. Bumalot sa kanya ang isang takot na kahit kailanman ay hindi pa niya naramdam
Pagkatapos niyang sabihin ito, pakiramdam niya ay para bang nagyelo ang hangin sa paligid nila. Tumayo si Jeremy sa ibabaw ng babae. "Anong sabi mo? Ulitin mo ang sinabi mo." "Mag-divorce na tayo." Ulit ni Madeline nang walang pag-aalinlangan. Malinaw ang tatlong salita na iyon. Nanahimik muli ang paligid. Pagkatapos ng ilang segundo, narinig ni Madeline si Jeremy na suminghal. Ang kanyang mga mata ay parang kay Satanas. Madilim ito at para bang lalamunin siya nito. "Divorce? 'Wag ka nang umasa!" Ang mga malalamig at tagos-butong salitang iyon ay lumabas mula sa kanyang mapang-akit na labi. "Hindi ba napakadesperado mo na maging akin? Tutuparin ko ang hiling mo." Nararamdaman ni Madeline na nagugunaw ang kanyang sarili habang nakatingin sa kanyang malagim na ngiti. "Hindi ko kailangang tuparin mo ang aking hiling! Jeremy Whitman, gusto na kitang hiwalayan!" "Managinip ka na lang." Walang awa siyang tinanggihan ni Jeremy. Pagkatapos ay kinurot niya ang panga ni Madeli
"Namumutla ka." Nang marinig ni Madeline si Felipe, naiilang niyang hinawakan ang kanyang mukha. Hindi mabuti ang kanyang kalagayan. Mas lumalala na ang kanyang katawan, kaya malamang hindi siya magmumukhang malusog. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong. "Salamat sa pag-aalala niyo, Mr. Whitman. Ayos lang ako." Mabilis siyang pinasalamatan ni Madeline bago tumayo. Naalala niya kung paano nadamay si Felipe dahil kay Jeremy at nakaramdam siya ng pagsisisi. "Kahit di mo na ako tawaging Mr. Whitman kapag walang ibang tao sa paligid." Nagdalawang-isip si Madeline sabay nagsabing, "Mauuna na ako, tito." "Actually, mas matanda lang ako kay Jeremy ng tatlong taon. Ayaw kong tinatawag na tito, kaya pwede mo akong tawagin sa pangalan ko. Nabigla si Madeline. Pagkatapos ay tumango siya. "Babalik na pala ako sa trabaho, Mr. Whitman." Tumingin si Felipe kay Madeline at ngumiti. "Sige." … Pinagtuunan ng pansin ni Madeline ang kanyang trabaho. Sa ganitong paraan ay na
Sabi ni Jeremy sabay umupo. Kinapitan siya ng mapagpanggap na si Meredith. "Jeremy, sa tingin ko hindi 'to isang mabuting ideya. Mukhang hindi natutuwa si Maddie." Gustong gusto na ni Madeline na ibato ang kanyang baso ng juice sa mukha ni Meredith. Nais niyang itanong kung alin sa mga p*tanginang mata niya ang nakakita na hindi siya natutuwa sa mga nangyayari? Sa gitna ng katahimikan, narinig ni Madeline si Jeremy na kalmadong nagsalita, "Sino ba siya para tanggihan tayo?" Hehe. Oo nga, sino ba siya?Wala lang naman talaga siya para sa kanya sa simula pa lang. Nang makita ni Meredith na hindi nagtatangkang magsalita si Madeline ay natuwa siya ng sobra. Binaba niya ang kanyang pitaka at umupo sa tabi ni Madeline. Subalit, hindi niya inaasahan na uupo si Jeremy sa tabi ni Madeline. Nabigla si Meredith, at sa kabilang banda, nabigla rin si Madeline. Subalit, base sa kanilang pagkatao, walang mali na umupo si Jeremy sa tabi niya. Kahit na hindi siya nasisiyahan dito,
"Ihahatid kita pauwi." "..." Nabigla si Madeline. Habang sk Meredith naman ay nagulat at nagsimula siyang makiusap nang may landi. "Pero nangako ka na sasamahan mo ako magshopping Jeremy." "Pwede mo muna akong hintayin dito." Lumapit si Jeremy kay Madeline nang hindi man lang sinisipat si Meredith. "Tara na." "Ayos lang. Kaya ko nang umuwi mag-isa." Mabilis itong tinanggihan ni Madeline. Wala siyang ideya kung anong balak ni Jeremy, pero di niya gusto ang pakiramdam niya dito. "May iba ka bang gustong maghatid sayo, bukod pa sa asawa mo? Siguro isa ding Mr. Whitman?" Bumaon sa kanya ang titig ni Jeremy, umabot sa kanya ang mga salitang hindi nasabi. Dahil ayaw na niyang pumalag, tumigil si Madeline sa pagtanggi at hinayaan na lang si Jeremy na ihatid siya pauwi. Hindi mapigilan ni Madeline ang ligaya na naramdaman niya nang lumingon siya kay Meredith at nakita niyang sasabog na ang matatambok nitong pisngi. Ginamit ni Jeremy ang paghatid sa kanya pauwi bilang oportunida
Naramdaman ni Madeline na kaagad na kumalma ang puso niya at nawala na ang init, lumamig ang dugo niya sa kanyang mga ugat. Haha. Ang isipin na inakala niya talagang nagseselos ito. Kalokohan. Kahit na sadyang nagiging mahigpit lang ito at pinapakitang dominante siya. Isa lamang siyang kasangkapan sa dula nito. Malungkot na ngumiti si Madeline, nang maramdaman niya na palapit si Jeremy mula sa likod. "Iiwan ko na sa iyo ang asasa ko, Uncle Felipe. Salamat sa pagbabantay sa kanya," Pinasalamatan nito si Felipe. Maginoong ngumiti si Felipe. "Syempre." … Kahit na di bumili ng scarf si Madeline, bumili siya ng band-aid para takpan ang pulang bakas na iniwan sa kanya ni Jeremy. Umupo siya at nagsimulang magtrabaho. Di nagtagal, nagsimula siyang makatanggap ng mga galit na mensahe mula sa ilang mga di kilalang numero. Lahat ito ay inaaway siya sa kung gaano daw kakapal ang mukha niya na akitin si Jeremy. Napakadali na hulaan kung sino ang may pakana nito dahil walang iba
Aroganteng tumingala si Madeline para tingnan si Madeline. Malamang ang galit niya ay dulot ng kahihiyan mula sa ginawa ni Jeremy nitong hapon. Bahagyang humagikhik si Madeline. "Eh bakit ka nagagalit kung sigurado kang naglalaro lang siya nung hinalikan niya ako? Bakit ka pa gagastos ng malaking pera para lang utusan ang ibang tao na padalhan ako ng mga mensaheng yun?" "Ikaw…" Namuo ang mga salita sa lalamunan ni Meredith, at di na niya ito masabi. Napagtanto ito ni Madeline. "Yan ang dahilan bakit mo ako pinatawag sa mga utusan ng Whitman? Para saan at pinapunta mo ako dito?" "Importanteng bagay malamang." Naging malagim ang ngiti ni Meredith nag bigla niyang hablutin ang braso ni Madeline, at mabagsik ang mga mata niya. "Bakit di ka na lang lumayo Madeline? Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na akin lang si Jeremy? Alam mo na dapat ngayon kung anong mangyayari kapag inagaw mo ang lalaki ko. "Nakalimutan mo na ba kung bakit ka nabilanggo? Nakalimutan mo na ba kung