Share

Chapter 34.1- Dad

ANDANIA

Hindi ako umalis gaya ng sabi niya. Sumunod ako sa kaniya at huli na nang namalayan niya na narito pa ako sa likuran niya nakasunod dahil nakita na rin ako ni Fatima na kakalabas lang ng comfort room.

Nakita kong nagulat siya nang makita ako. Halata iyon sa mukha niya.

"Mag-usap tayo," inunahan ko na siya. Alam ko ring gigil na gigil siya sa akin na para bang gusto na niya akong sabunutan kahit pa nasa public place kami.

Pumasok ako sa food court, dito, maraming tao. Kung sakali mang dakmain niya ako, alam niyang malaking kahihiyan ang gagawin niya.

Hindi lang ako ang mapapahiya, pati rin siya.

"Ang kapal naman ng mukha mo at nagpakita ka pa talaga sa akin." Ang sabi niya nang makaupo kami. Iyong tao sa tabi namin ay napalingon sa gawi namin.

"Fatima, gusto kitang makausap tungkol kay Axcl,"

"Na ano? Na gusto mo siyang agawin sa akin?"

Napapikit ako. "Fatima, hindi ko siya inagaw,"

"Anong hindi? Ako ang pinakasalan niya kaya akin siya. Dala ko ang apelyido niya."

I know Fatima
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status