Actually, tama rin si Axcl at Anda guys. Magulang kasi sila. So strict talaga sila kay Sua. Natural na instinct na yun ng magulang. Again, sequel lang ito ah? At hindi ito mahaba. Matatapos na ito soon..
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
Sandali akong natigilan habang nakatingin kay Axcl na banayad na hinahalikan ang asawa nitong si Fatima. Nagtagpo ang paningin namin dalawa at agad akong nag-iwas nang tingin nang makita ang nakakaloko niyang ngisi. Dali-dali kong kinuha ang notepad ko na naiwan ko dito sa table sa garden. Sumikip and dibdib ko at alam ko kung bakit ako nakakaramdam nito. Alam na alam ko. Pinilit kong iwala ang halikang iyon sa isipin ko dahilan kung bakit hindi ko man lang namalayan na nasa harapan ko na pala si mama, ang siyang biyenan ko. "Nakapagluto ka na ba?" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at umiling. Hindi. Hindi pa ako nakapagluto. "Nawala po sa isipan ko ma," Napayuko ako nang makita ang galit sa mukha niya. Alam kong hindi niya ako tanggapin. Hindi ko rin alam kung bakit. "Wala ka talagang kwenta!" Bulyaw niya. Pumasok si Fatima kasama ni Axcl. Mas lalo kong ayaw tumingin sa kanila lalo na sa kaniya. "Ma," malambing na tawag ni Axcl kay mama. "Galit ka na naman," malambing
I was busy doing with my work when I saw Axcl. Nakasandal siya sa dingding habang nakatingin sa akin. Gusto ko siyang balewalain pero hindi pwede. Magtataka ang mga tao sa paligid.Wala silang alam sa nangyari sa amin. Wala kahit ang pamilya ko. "Coffee?" aya niya. Gusto kong tumanggi ngunit ayaw kong mahalata niya na may naaalala na ako. "S-Sige," sabi ko na hindi pa rin makatingin sa kaniya. "Are you writing a novel?" humigpit ang hawak ko sa mouse. He knew me. He knew me too well. "Y-Yes," "I see. I guess totoo nga ang sinasabi nila na mahirap kalimutan kapag hobby mo." Tumingin ako sa kaniya at nakita ang mariin nitong titig sa akin. "Balita ko na coma ka raw," nakagat ko ang pang ibabang labi ko at tumango."Saan mo narinig?" tanong ko. Inilihim ng pamilya ko ang aksidente na nangyari sa akin. Only few people knows the truth. "Fatima," aniya at humigop sa kape niya. "You look familiar," aniya kaya napatingin ako sa kaniya. "Ania." Halos kapusin ako ng hininga nang marin
Sinadya kong umuwi na gabi na. Alam kong papagalitan ako ni mama dahil hindi ako nagluto kaya minabuti kong mag take out ng pagkain para may makain ang asawa ko. Pagdating ko ng bahay, naabutan ko si Axcl sa labas na may ginagawa sa laptop niya. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo ngunit lumabas ng bahay si Bil kaya natigilan siya sa kung ano man ang balak niyang gawin. "Ma," nakangiti akong sinalubong ng asawa ko. Ako na nag initiate na yakapin siya at haIikan siya. Gusto kong makita ni Axcl na ayos na kami sa buhay namin. Nakita ko ang pag igting ng panga niya. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Bigla akong napa atras. Shit! Bakit ba ako kinabahan? Bakit ba nagpapadala ako sa kaniya? Pakiramdam ko mali na niyakap at hinalikan ko ang asawa ko. Pakiramdam ko mali ang lahat ng ito. "Aw. You missed me ma?" nakangiting tanong ni Bil. Bumaling sa kaniya ang attention ko. Tumango ako. Lumabi ang asawa ko at niyakap ako. "Thank you so much ma. Thank you for being a good wif
Wala akong ideya sa mga lumalabas sa bibig niya. Sinong 'they' Anong ibig niyang sabihin? "Ania," tawag niya. "I'm sorry Axcl but I don't know you." I said and starts to walk away. Pigil ang hagolhol ko habang naglalakad paalis. Ayaw kong marinig niya ang iyak ko. Nasasaktan ako ngunit hindi ko maikakailang sumaya ang puso ko. May nararamdaman pa rin siya sa akin and I'm happy and contented with that. Saka ko na isipin ang ibang sinabi niya. Ang mahalaga sa akin, hinintay ako ni Axcl. Kung tutuparin man ng Diyos ang hiling ko, sana sabay na naming makalimutan ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Wala na akong sama ng loob sa kaniya. Masaya na akong may Axcl sa buhay ko na minahal at hinintay ako. Kung sino mang they ang sinasabi niya, saka ko na sila haharapin. Wala ng rason pa kung tatanungin ko sila bakit nila ako sinisiraan kay Axcl. Ayaw ko ring malaman ng lahat na may naalala ako. Firm akong ibaon lahat iyon sa limot. Pagdating ko sa bahay, tinapos ko lang ang mga t
Mahina ang tolerance ni Bil sa alak. Hindi ko alam kung bakit panay siya binibigyan ni Axcl ng shot.Sa tabi niya, naroon ang nalalasing na si Fatima. "Tama na iyan pa. Matulog na tayo." Sabi ko kasi gabi na rin."What? Inom pa tayo." Natatawang react ni Axcl. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong dinadaya niya si Bil sa baso."Ayos lang ma. Kaya ko pa." Sabi ni Bil kahit ang totoo ay konti nalang matutumba na siya.Alas dose na at tulog na si mama. Si Fatima ay hindi na nakayanan ang alak at tulog na sa balikat ni Axcl."Tama na 'yan Axcl. Nilalasing mo ang asawa ko." Umigting ang bagang niya.Itinayo ko si Bil ngunit sa bigat niya ay halos matumba kami. Sumakit ang tahi sa tiyan ko at kita iyon sa mukha ko.Tumayo si Axcl at agad na inalalayan si Bil makatayo. "Stay here at bantayan mo si Fatima."Hindi na ako sumagot ng tumalikod siya at alalayan ang asawa ko paakyat sa kwarto namin.Umupo ako at tinignan si Fatima na lasing na lasing na at natutulog sa mesa.Bumalik ulit ang
Bumalik kami no’ng gabing iyon na tahimik. Axcl wanted us to be back together ngunit firm akong lalayuan ko siya. Hindi ko lang alam kung kaya ko bang panagutan. Nagalit siya at hindi niya ako pinapansin. 5 days na ang dumaan at naroon pa rin ang galit sa mga mata niya. Tumitingin siya sa akin pag nasa iisang area lang kami at bigla akong sasamaan nang tingin. He’s mad. Real mad. Dahil sa team building, isang linggong wala si Bil. It’s a torture seeing Axcl being sweet to his wife. Alam kong pinapakawalan ko na siya but shit lang. Gaya ngayon, kitang kita ko kung paano niya halikan ang asawa niya sa leeg. I don’t know kung sinasadya niya ba ito o ano. Kung oo man, pwes oo, nagseselos ako. Tumayo ako at umalis. Pumunta ako ng garden kahit gabi na. Buti dito ay may peace of mind. Huminga ako ng malalim para mawala ang inis na nararamdaman ko. Binuksan ko ang laptop ko at nagsulat ng novel. Nasa bandang kalagitnaan na ako sa Chapter 10 nang makita ko ang mukha ni Axcl na nakatingin s