Share

SUA 39

Papa is waiting sa isasagot ni Sandro. Kinakabahan ako na kapag banggitin ni Sandro ang last name ay mabago ang lahat. Na ang kasiyahang ito ay agad na mapawi.

Ngunit bago pa masabi ni Sandro kung ano ang last name niya, biglang nag ring ang phone ni papa.

“Excuse me,” sabi nito at tumayo.

Para akong nakahinga ng maluwag. Si tito Shawn at mama naman ay napabaling kay papa. Kita ko ang panlalaki ng mata ni papa at bumaling sa amin.

“Shawn,” tawag niya kay tito.

Kinabahan ako bigla. Para bang may hindi magandang nangyayari.

“Si grandpa Bilhem,” pagbanggit pa lang no’n ni papa, napasinghap na si mama at si tito ay agad na kumaripas ng takbo papuntang kwarto kung saan siya natulog. Naiwan niya doon ang phone niya at ilang gamit niya.

“Axcl, anong nangyari?” tanong ni mama. Kita ko sa mukha ni mama na kabado siya. Ako rin ay nagtataka at kinakabahan.

Alam kong hindi na maayos ang kalagayan ni lolo. Ilang ulit ng pinabalik balik ito sa hospital. Sana mali lang ang iniisip ko. Sana hindi t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lai ALcantara
Buti nlng matatag pundasyon nilang dalawa...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status